And Then I Fell [2]

1K 41 4
                                    

Chapter 2: Mystery Guy

Lauren Margaret's POV

"Ayos la--"

'Di ko na natuloy yung sasabihin ko. Ang naaalala ko nalang, madudulas na ako.

Ipipikit ko sana ang mata ko at hinihintay ko ng maramdaman ang sakit sa may likod ko, pero to my surprise, 'di ako tuluyang nahulog. May mga daliri pumulupot sa maliit kong kamay at hinila ako patayo.

"Sorry, miss," sabi nung lalaking nakabunggo sa'kin.

'Nung makita n'yang okay ako, nilagay n'ya 'yung earphones sa tenga n'ya, tumungo at naglakad.

"Bastos," bulong ko.

"At least nag-sorry 'di ba?" sabi ni Shena.

Familiar 'yung mukha nung lalaki. Pero di mabuo ng utak ko kung sino s'ya. Medyo natakluban kasi 'yung facial features n'ya. Naka-shades sya, tapos naka-bonnet pa. Were those even allowed inside the school?! Pero infairness ha, ang cool tingnan nung lalaking 'yun. Simple lang naman suot nya- plain V-neck green shirt tapos cardigan na gray at maong pants, pero there's something about him that keeps a part of me attach to him.

~~

"Ang familiar nung guy kanina," sabi ni Shena habang naglalakad kami pauwi that afternoon.

Napatingin ako sa kan'ya.

"Napansin mo rin 'yun?" tanong ko.

"Oh, familiar din s'ya sa'yo?" patanong n'yang sagot sa tanong ko.

"Oo eh. So that means... hindi nga siguro ako nababaliw nung naisip ko na pamilyar 'yun," tumatango kong sinabi.

"Siguro? And kung familiar nga sya, baka parehas nating kilala?" sabi n'ya habang pinapaling 'yung ulo n'ya sakin.

"Pwede," simple kong sinabi.

Maya-maya, naramdaman kong nag-vibrate 'yung phone ko sa may bulsa ko. Kinuha ko agad, at tiningnan 'yung message.

From: Meara

Ate! Padala n'ung book mo sa Literature ha. Thanks.

"Uy, Shena, una ka na. Nag-text si Mea, hinihiram yung Lit. book ko. Eh naiwan ko sa locker, babalikan ko lang," sabi ko habang binubulsa ulit 'yung phone ko.

"Ay? Dapat inagahan man lang n'yang kapatid mo 'yung text n'ya. Sige sige. Ingat."

Nag-wave ako sa kan'ya at nag-start bumalik sa campus. Buti nalang 'di pa gan'un kalayo 'yung nalakad namin.

Haaayyy. Ayaw na ayaw kong naglalakad mag-isa. Gusto ko sana yayain si Shena kaso 'di pa n'un natatapos 'yung essay namin sa Social Studies na due bukas na luckily ay natapos ko na nung weekend.

Dumeretso ako sa locker area, at agad kinuha 'yung libro na kailangan nung kapatid ko. Nagmamadali kong ni-lock 'yung locker ko, at hinigit 'yung susi. Sa sobrang pagmamadali, nahulog 'yung susi ko. Ugh, 'pag minamalas nga naman. Bahagya kong binend 'yung tuhog ko, at hinanap 'yung susi.

"Asa'n na ba kasi 'yun?!" bulong ko.

Palingon-lingon na ako pero 'di ko pa'rin makita 'yung locker key ko.

"Eto ba?"

Boses ng isang lalaki ang nagsabi habang nilalahad 'yung palad n'ya sa may harapan ko. Agad kong kinuha 'yung susi sa ibabaw nito.

"Salamat," sabi ko. Iaangat ko na sana 'yung ulo ko para tingnan 'yung lalaki pero wala na s'ya. Tumalikod ako at nakita ko s'yang naglalakad na palayo.

Hindi ako pwedeng magkamali. S'ya 'yung familiar na lalaki kaninang nakabunggo ko. Suot pa rin n'ya yung gray na cardigan, may earphones pa rin sya, at may hawak s'yang something. 'Di ko na naman nakita 'yung mukha nya. Tatawagin ko sana s'ya pero ano namang sasabihin ko?!

Palabas na ako ng campus dala-dala 'yung libro nang napansin kong nagdidilim na ang langit. Nagmadali ako sa paglalakad. Baka abutin pa ako ng ulan. Nung nasa may gate na ako at palabas na, biglang bumuhos ang ulan.

"Ugh. Ang malas naman oh," sabi ko sa sarili ko.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Mea para sabihin na medyo malelate ako sa pag-uwi.

Kung kailan naman kasi di ko dala 'yung payong ko eh.

Umupo ako sa bench sa may gate habang iniintay tumila 'yung ulan. Maya-maya, nainip na ako at nag-decide na tumayo na d'un sa bench para silipin ang ulan.

"Bahala na nga," bulong ko.

Kukunin ko na 'yung bag ko sa bench at susuong na sa ulan nung napansin kong may payong na katabi 'yung bag ko.

"Huh? Kanino naman 'to?" tanong ko. Hobby ko lang na kausapin sarili ko.

Tiningnan kong mabuti 'yung payong. Wala naman 'to dito kanina. Wait... TAMA! Eto 'yung hawak ni familiar guy kanina nung sinauli n'ya susi ko. Pero bakit n'ya 'to pinatong dito?

Tumingin-tingin ako sa paligid para hanapin 'yung guy, pero wala. I'm starting to think na iniwan n'ya 'to para sa'kin.

Kinuha ko 'yung payong at tinitigan sandali. Tapos binaling ko 'yung tingin ko sa ulan. Ayos lang naman siguro gamitin 'to 'di ba? Isasauli ko nalang kung magkikita pa kami. Estudyante naman siguro 'yun dito.

Binuksan ko 'yung payong, kinuha ang gamit ko, at umalis. Habang naglalakad ako, di pa rin tumitigil or humihina ang ulan. Buti nalang nagamit ko itong payong. Salamat, Mystery Guy.

****

[A/N]

Hello! Eto na 'yung Chapter 2. Napagdesisyunan kong maglagay ng title sa bawat Chapter. Wala lang, trip. x)

Anyway, ang cute ni Niall James Horan. Masyado na akong na-iin love.

Follow me on Tumblr: iammissred.tumblr.com

Tapos 'yung advice blog namin ni Nicole: brushawaythosetears.tumblr.com. Tumblr Ask us, and spread the word. x)

Salamat sa pagbabasa. Hope you all liked it.

Vote for this chappie.

Comment! Tell me what you think. :)

Be my fan. I'm near to 600! xDDD

Thanks.

Take care and smile!

Much love.

-iammissred. xxx

And Then I Fell.

And Then I FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon