And Then I Fell [1]

1.7K 49 11
                                    

Chapter 1:

"Sabi na kasi sa'yong 'wag eh. Tapos ngayon iiyak-iyak ka d'yan?" sabi ko sa best friend ko na nag-iiiyak ngayon sa harapan ko matapos makipag-break ng boyfriend nya sa kan'ya.

"Eh sabi n'ya mahal n'ya ako..." sagot n'ya sa gitna ng pag-iyak.

"At naniwala ka?! Utang na loob, Shena, binobola ka lang n'un!"

Bigla s'yang umub-ob at nag-iiyak. Ewan ko ba kasi kung bakit ang bilis-bilis nilang maniwala sa ga'nun. Halata naman kasing pinaglololoko lang s'ya n'ung lalaking 'yun eh.

Ako nga pala si Lauren Margaret Verana. Mataray daw ako? Hindi ah, palaban lang. Wala ng mangyayari sa mundo mo pag-mahina ka. Hindi naman ako 'yung tomboyin kung umarte, at babae naman ako kung manamit, pero hindi ako 'yung babaeng iyakin at malandi. Normal lang, pero wag n'yo akong aawayin. Baka mahigit pa sa away ang makuha n'yo.

Anyway, etong bestfriend ko nag-iiyak na parang walang bukas. 'Di ko nga alam kung paano kami nagkasundo ng babaeng 'to eh. Sobrang magkaiba kami. Pero sabi nga ng iba, that makes us perfect to be together. Ew, parang boypren ko lang eh.

"Hoy. Tumahan ka na nga dyan. Wag mong iyakan ang isang taong hindi ka man lang binigyan ng kahit anong halaga," sabi ko habang tinatapik 'yung may balikat n'ya.

"Lauren naman eh! Never ka pa bang na-in love?!?!" tanong n'ya habang tumutunghay.

"Never pa. At never akong mag-titiwala sa mga lalaki na wala namang ginagawa kundi manloko," sagot ko, "Tara na nga."

Hinigit ko s'ya patayo at hinila sya papunta sa room. Lunch break kasi at fifteen minutes nalang ay time na.

Math 'yung next subject. Wala namang masyadong gagawin. May dadating daw na nerds para i-discuss yung sunod na lesson.

"As we have discussed yesterday, I have invited here some students to discuss the next lesson," sabi nung teacher pagkadating n'ya.

May pumasok na limang mga ka-batch namin. 3 babae at 2 lalaki. Isa-isa silang nagpakilala. Yung isang girl na nakasalamin ay si Janine. Tapos yung isa naman na maputi at maganda pero mukha ring matalino ay si Misha. At yung isa ay si Lena na halatang-halatang studious. 'Yung dalawang lalaki naman, si Joshua yung isa. Nerd talaga 'yan. Topnotcher 'yan sa batch namin eh. At 'yung last ay si Renzo. 'Di s'ya mukhang pala-aral pero Top 5 daw 'yan.

Nag-discuss lang sila. Half ata ng klase tulog na, or kung hindi man ay papikit-pikit na. Ako ay hindi naman. Mukha akong nakikinig pero wala namang nag-reregister sa utak ko.

"Lauren, gets mo ba?" pabulong na tanong ni Shena.

Bukod kasi sa best friends kami, eh seatmates na rin.

And Then I FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon