And Then I Fell [3]

951 43 1
                                    

Chapter 3: Secret Admirer

Lauren Margaret's POV

"Anong oras ka nakauwi kahapon?" tanong ni Shena habang naglalakad kami papunta sa locker area.

"Mga 6. Inabot ako ng ulan eh," sagot ko naman.

"Oh? Eh 'yung ulan halos hanggang 8 pa ah. Paano ka nakauwi?"

Napakamatanong naman nitong best friend kong 'to.

"Long story. Wag mo nang alamin."

Sakto naman ay nakarating nakami sa locker area. Kinuha ko 'yung susi ko. Naalala ko na naman 'yung kahapon. I-uunlock ko na yung locker ko nang may napansin ako sa susi ko. Nawawala 'yung spare key ko. Well, magkasama sa isang keychain ay dalawang susi ng locker ko eh. Baka sumabit somewhere kahapon.

Pagbukas ko ng locker ko, pagkadami-daming papel ang sumalubong sa'kin.

"Shena! Tulungan mo kaya ako," sabi ko sa best friend ko na nanlaki ang mata pagkakita sakin.

"Sorry naman," tapos nag-start s'yang pulutin 'yung mga papel.

"Ano ba 'yan. Ang dami ah," pagrereklamo ko.

Pagkatapos naming pulutin lahat, siniksik ko nalang sa bag ko at kinuha yung mga libro.

Habang nagkaklase, di ko maiwasang mag-wonder kung ano 'yung mga papel na 'yun. Ikaw ba naman ang maka-receive ng like 10 papers. Pag dating sa bahay, titingnan ko talaga laman n'un.

****

"Haay. Natapos na naman ang isang araw! Yay!" sabi ni Shena habang nilalagay 'yung mga gamit na di nya iuuwi papasok sa locker nya.

Naglakad na kami pauwi. Nag-sasalita si Shena pero di ko masyadong pinapansin. Lumilipad yung utak ko papunta sa mga nakasulat sa papel. Ano nga kayang laman nun? Paano kung death threats? O kaya red card, yung parang sa F4?

"Oy. Di ka naman nakikinig, Lauren eh! Nasa Mars ka," pag-interrupt ni Shena sa pag-dedaydream ko.

"Naalala ko lang 'yung mga papel," simple kong sagot.

"Ahhh. Oo nga 'noh. Alam ko na! Sleep-over ako sa inyo. Basahin natin 'yan," sabi n'ya.

"Tatanungin ko muna si Mama," sagot ko kahit sure naman ako na papayag 'yun.

Si Shena, nag-dodorm lang 'yan. So wala syang pagpapaalaman. Dati nga, sabi ni Mama, dun nalang daw sa bahay si Shena pero ayaw naman ng babaeng 'to. Nahihiya naman daw sya. Tinext ko na si Mama at as expected, payag sya.

Pag dating namin sa bahay, kumain kami, tas nag-movie marathon kasama si Mea, at nung mga 9 pm na, nag-decide kami ni Shena na tingnan na 'yung laman nung mga papel. Pumasok kami sa kwarto.

"Wait, kunin ko lang," sabi ko sabay bukas ng bag ko at kinuha lahat nung papel. Nilapag ko sa kami 'yung mga papel and we started opening it.

"May dates oh," sabi ni Shena.

Sinimulan naming basahin 'yung may pinaka-late na date.

August 29, 20**

Dear ______,

Di ko pa kasi alam pangalan mo eh. Basta ang alam ko lang, nakita kita kanina. Gulo-gulo ang buhok mo at out of place na 'yung iba pero ang ganda-ganda mo pa rin. Seryoso ang mukha mo pero ang amo nito. Mukhang pagod na pagod ka kanina, pero nakuha mo pa rin ang atensyon ko. Magdamag akong nakatingin sa'yo habang nagsusulat ka pero ni hindi ka man lang tumingin sa direksyon ko, pero ayos lang, masaya na akong panuorin ka. Sana sa susunod na magkita tayo, ngumiti ka na. Alam kong mas gaganda ka pag nakangiti eh.

Sige. Gagawa pa ako ng report eh. Until next time.

-SA.

"Ang arte ha," sabi ni Shena.

"Oo nga. Ew. Like duh. At anong SA?!?! Student Assistant?" nandidiri kong sabi.

"Secret Admirer! Baliw," sagot ni Shena.

Sunod naming binasa 'yung sunod sa date.

September 13, 20**

Dear Lauren,

Ang tagal kong 'di nakagawa ng letter. Pero ayos lang. Alam ko na name mo. Tinanung ko kasi d'un sa kaibigan ko. Ayos lang kahit di mo 'ko kilala. Nakita kita kahapon. Mukha kang masaya. Sa wakas, nakita rin kitang ngumiti. Sabi na nga ba at maganda 'yang ngiti mo eh. Sana mas madalas kang ngumiti kasi may taong sumasaya sa ngiti mo.

O sige. Sa susunod ulit.

-SA.

"HAHAHAHAHAHA! Grabe lang ha!" sabi ko. Never pa kasi akong naka-receive ng gan'to.

"Ang cheesy nya ha," comment ni Shena.

"Ang korni kamo!" pag-correct ko.

"Oo na," bored nyang sagot.

Tinuloy namin ang pagbabasa until nakapunta kami sa last letter.

January 19, 20**

Dear Lauren,

Bukas ilalagay ko sa locker mo 'tong mga sulat ko. Sana basahin mo. Sana pag-aksayahan mo ng panahon ang katulad ko. Di ako ganun kagwapo. Di rin ako ang topnotcher. At lalong di ako perpekto, pero sana ma-aappreciate mo lahat ng ginagawa at gagawin ko. Di ko alam kung kelan ako magpapakila o kung magpapakilala pa ba ako. Basta lagi lang akong nandito.

-SA.

"Grabe ha. Weird lang ng taong 'to," sabi ko kay Shena.

"Ang sweet kaya n'ya," sagot ni Shena habang parang kinikilig na ewan.

'Di nalang ako sumagot. Nag-decide na kaming matulog. Pero di pa rin lumilipad palayo yung utak ko. Parang nag-stuck sa utak ko 'yung letters. Never pa akong naka-receive ng gan'on. At dahil sa mga 'yun, naka-tulog ako nang may ngiti.

****

[A/N]

Hello! Musta naman kayo? Lalo na 'yung mga may pasok na. June 11 pa pasok namin. Yay. At ayun nga, 4th floor daw ako. Mahaba-habang akyatan.

Anyway, hope you liked this.

Vote for it.

Leave your comments.

Be my fan! :)

Take care.

Wear a smile.

Much love.

-iammissred. xx

And Then I Fell.

And Then I FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon