Chapter 40

2.3K 51 35
                                    

Krishia's POV

Tama ba tong ginagawa ko?

Ang plano ko naman paghigantihan si Sean at hindi makipag balikan!

Krishia naman isipin mo din yung ginawa niya sayo!

Pinakilig ka lang niya bibigay ka na agad.

Stress na Stress na utak ko! Naloloka na ako.

"Hoy Ate! anong iniisip mo?" nagulat ako at biglang sigaw ni nicole. Nakahiga kasi ako ngayon at paikot ikot sa kama.

"Wala akong iniisip" ang sagot ko sa kanya. Hindi siya naniwala kaya lumapit siya at tumabi siya sa higaan.

"Yung totoo ate? Ano nga yun? kapatid mo ako, pwede mo ako kwentuhan" ang paSweet na sabi ni Nicole. Hindi naman kami ganto kaSweet at parang hindi ko kaya ikwento sa kanya yun dahil nga botong boto siya kay Sean.

Magagalit yun kapag sinabi kong gagantihan ko si Sean. Kaya huwag na lang. "kulet mo Nicole, wala nga! bored lang ako" ang iritable kong sagot.

"okay basta kapag may kailangan ka at gustong sabihin andito lang ako" tumayo na si Nicole at lumabas na ng kwarto.

Inayos ko na din ang gamit ko dahil pauwi na kami. Tapos na ang 3 days na Vacation.

Buong araw hindi ko na pinansin si Sean. Feeling ko nakaramdam siya kaya hindi na din niya ako kinulit.

"guys andito na yung Van ready na ba kayo?!" ang sigaw ni Nicole.

Yung kasama namin kanya kanya na ng dala ng mga maleta at bags nila.

Dinaanan lang ako ni Sean. Himala hindi niya ako tinulungan.

Oh please kaya ko naman! ganyan pala gusto mo ahh

nag madali ako at pumasok agad sa Van habang hatak hatak si Nicole.

"Ate anong ginagawa mo? sa passengers seat ako" ang sabi ni nicole habang pinipigilan niya ako.

"Nicole matagal ang byahe hindi ka makakahiga sa harap kaya tabi na lang tayo dito, Avhu okay lang naman sayo diba?!" ang sabi ko at tinignan ko ng masama si avhu kaya umoo siya. Halatang napilitan si Nicole at tumabi na sa akin.

Bale si Sean na ang nasa passenger seat.

"anong nangyari?" ang bulong sa akin ni Nicole.

"huh? anong nangyari? saaan?" ang nagtatakang sagot ko.

"Ano ba ate! yung 2 days natin sa beach okay kayo ni Sean pero ngayon biglang walang pansinan pinalipat mo pa ako ng upuan?" ang reklamo ni Nicole.

"ay ewan ko sayo nicole dami mo pinapansin" hindi ko na inayos ang sagot kay nicole.

Nakapasok na ang lahat naLock na din ang pintuan ng Van. At ready na bumyahe.

wala pang 5 minutes ayun tulog na si Nicole. Ako naman sinuot ko sa tenga ko ang Earphone ko at nagpatugtog. Pero biglang tumigil ang kanta ng may nag text.

One messaged received

nagulat ako at galing pala yun kay Sean.

"What happened?"

Nang natapos ko basahin yung text napatingin tuloy ako sa harap at nakita kong nakatingin na siya sa akin. Kita sa mukha niya na malungkot siya.

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya pinatay ko ang phone ko at sinuot ko na lang ang eye mask.

Pinilit ko na lang matulog...

"Ate wake up dito na tayo!" ang gising sa akin ni Nicole habang niyuyugyog ako. Tinangal ko ang eye mask ko at nakita ko na kami na lang tao sa Van. Si Nicole, ako at si Avhu.

"Asan na yung iba?" ang nagtatakang tanong ko habang humihikab.

"Naka uwi na, Isa isa na kasing dinaanan ng Van yung mga bahay nila" ang sagot ni Nicole at lumabas na ng Van.

Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na din ng Van. Nakita kong nag paalam na si Avhu kay Nicole.

Diretcho akong pumasok sa bahay at nagulat ako na nakita ko si Kim na nakaupo.

Anong ginagawa niya dito??

-----------------------------------
Thank you for waiting!
Sorry bitin!
Comment and Vote

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined IdentityWhere stories live. Discover now