Chapter 8

3.7K 138 4
                                    

Krishia's POV

Nandito kami ngayon ni zedrick sa loob ng kotse niya dahil papunta kami ngayon sa bahay nila, yes tama kayo ng binabasa papunta nga kami sa kanila dahil dun daw namin pag paplanuhan yung Talent namin.

"Pasalamat ka at ako ang partner mo nang nagpaulan ng talento, hulaan mo kung nasan ako??" Ang nakangiting tanong ni Zed.

"Psss yabang edi ikaw na gising nagpayong ako ng mga araw na yun" badtrip na sagot ko sa kanya.

"Mali na sa langit ako dahil ako mismo ang nagdonate sa iba" patawang sabi niya.

"Hahahahahahaha oh ano masaya ka na??" Pilit na ngiti na sabi ko.

"Bakit lagi kang badtrip sa akin pansin ko lang??" Nagmamaneho parin siya habang tinatanong ako.

"Ewan ko?? Yabang mo kasi eh" yan lang ang lumabas sa bibig ko.

"Hindi naman ako mayabang nagsasabi lang ako ng totoo"nakangiti paring sabi ni zed.

Ilang minuto ang lumipas ng makarating na kami sa bahay nila zedrick masasabi kong malaki din bahay nila syempre hindi ko na ikagugulat yun dahil business partner namin sila.

But suddenly may biglang dumating.

"Zedrick my friend!!!!" Sigaw ng isang lalaki na parang kakilala ko dahil may kahawig siya hind ko lang alam kung sino.

"Tang ina Micko!!! Nakauwi ka din " sigaw din ni zedrick sabay fist bom.

"Hahahaha hindi kinaya ng Japan ang ugali ko kaya pinabalik ako dito hahahaha" patawang sagot ng Micko daw na yun.

"Gago ka pala eh pasalamat ka kami lang nakakatagal sa ugali mo hahaha" sagot naman ni zedrick.

"Puta syempre parepareho lang kasi tayo ng ugali" sagot ulit ni Micko and the hell hindi ba sila nag-uusap ng walang halong mura???

"Hahahahaha btw Micko si Krishia nga pala"ang pagpapakilala sa amin ni zedrick.

"I know you krishia, kaibigan mo kasi yung little monster I mean little sister ko"
Habang inaabot ni micko ang kamay niya.

"Huh?? Sinong kaibigan ko na tinutukoy mo na kapatid mo???" Nagtatakang tanong ko sa kanya pero inabot ko naman ang kamay ko para makipagshakehands.

"Sabi na nga eh hanggang ngayon kinakahiya parin ako ng kapatid ko, Btw Im Micko Listana older brother ni Rhea" naka ngiti siya pero halatang malungkot siya.

"Ah ok ikaw pala yung sinundo niya kahapon sa airport??"sinabi ko ng nakangiti.

"Sinundo?? Wala ngang bakas na rhea ang sumalubong sa akin eh pero huwag na nating isipin yun hahaha" halatang malungkot siya pero nag pangap na lang siyang maging masaya.

Natapos na ang pagpapractice namin at hinatid na nila ako sa bahay pero pagkapasok ko pa lang sa bahay ay may tumambad na hindi ko inaasahang bisita.

-----------------------------------------------

THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon