Chapter 29

2.9K 83 18
                                    

Krishia's POV

It's Pay Back Time. Pinaniwala ako ni Sean na kami pa!! Hayop yung bwisit na yun. At lalong lalo na si Kim na akala mo kung sinong maganda eh masakit naman sa mata. AAaarrrggghh!!!!!! dalawang beses niya na akong niloloko. Kaya ngayon Ako naman.

I drived myself home. Hindi na ako nagulat na maraming tao ngayon sa aming mansion.May pulis at andito din ang aking mga magulang. Nakakagulat pa ba yun?? psss.

"oh my... andito na si krishia Mom at Dad.!!" ang sigaw ni Nichole habang papalapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

" saan ka ba nangaling krishia anak??" ang sabi ni Mom. Ayoko pang sabihin na may naalala na ako.

Umiling na lang ako at naglakad papalayo sa kanila. Dumeretcho ako sa kwarto ko. All this time parang pang wattpad na ang buhay ko.

Kailangan ko ng makaisip ng plano para makipaghiganti sa mga taong nanloko sa akin especially si Sean.

Nicholes POV

Hindi ko maintidihan sinabi ko na ang katotohanan kay Ate Krishia kaya siya biglang umalis pero ng bumalik siya sa bahay parang wala namang nangyari.

Ako ang natatakot dahil baka kapag may nangyaring masama kay ate ay hindi ko mapatawad ang sarili ko.Bakit ko pa kasi sinabi yung totoo eh.

"my princess ang lalim ng iniisip mo.." nagulat ako dahil katabi ko na pala si Avhu. Pinapunta ko siya dito sa bahay para may makausap ako.

Umalis din kasi agad sila Mom at Dad ng malaman na okay lang si Ate Krishia. Anong klase silang magulang?? Dadating lang dahil may masamang nangyari pero aalis din kapag okay na ang lahat.

"hoy nichole kanina pa ako nagkekwento tungkol dun kay Sean at Kim hindi ka ata nakikinig eh!???" nagising na nanaman ako sa pag-iisip.

"aahh sorry may iniisip kasi ako eh. Ano bang meron sa dalawang yun??!! and as if I care.." ang sagot ko kay Avhu. Napailing lang si Avhu at Sinimulan ng mag kwento.

"sige na hindi ko na lang uulitin.." ang sabi nito.Nagtatampo tuloy ang aking Prince Charming.

"hoy Avhu hindi bagay sayo ang magtampo kaya ikwento mo na!!" ang pang iinis ko sa kanya.

HAHAHA natutuwa talaga ako kapag nainis siya. Pasalamat na lang at mahal na mahal ako ni Avhu at hindi ako iniiwan. Thank you G at binigay mo sa akin si Avhu.

" hahaha f*ck hindi ba bagay?? oo na ikekwento ko na ulit. Natuklasan na ni Sean ang tunay na nangyari sa pagkalugi ng kompanya nila at nalaman niyang pamilya nila Kim ang may kasalanan. Pinakasalan niya si Kim dahil yun lang ang solusyon nila para mapalapit sa mga Tan. Siyempre hindi totoo ang kasalan na naganap..." hindi pa siya natatapos sa pagkekwento ay bigla akong sumingit.

" hindi totoo yung kasal!!" medyo napalakas ang sabi ko. Medyo nakabukas yung pintuan ng kwarto ko dahil hindi nasara ng maayos ni Avhu yung pinto. Kaya parang kay nakita akong anino na nakatayo sa likod ng kwarto ko.

"Sino yang nasa labas???!!" ang sigaw ko. Baka kasi katulong lang na pinapatawag ko. Pero nagulat alo ng bigla itong umalis. Hindi ko na lang ito pinansin.

"Sino yun??" ang tanong ni Avhu sa akin.Napailing na lang ako dahil hindi ko naman alam kung sino yun.

"so mabalik tayo.. anong mangyayari dun kayla Sean at bruhang Kim??" ang pagbabalik ko ng topic.

"anytime pwede niya ng iwan si Kim. Ganun lang kasimple." ang pagpapaliwanag niya.

"so may chance pang magkabalikan sina ate at si Sean.." ang sabi ko.

"Nichole?? papano kung may naalala na si Krishia at malaman niyang ikaw ang may plano na magpangap ulit si Sean na boyfriend niya.??" napatigil ako sa narinig ko. Hindi ko naisip ang mga ganitong mangyayari.

Paano nga kung malaman ni Ate?? Mag aaway nanaman ba ulit kami.

Sean's POV

Sa tangin ko ito na ang tamang panahon para ibunyag ang lihim ng pamilyang Tan.

Kakausapin ko na si Dad para malaman niya na ang katotohanan.

Dito parin ako nakatira sa bahay nila Avhu. Nakakahiya man dahil nag tagal ako dito pero hindi yun pinaramdam ni Avhu. Wala siya ngayon dahil pinuntahan niya si Nichole.

itatawag ko na lang ba ang katotohan o ako mismo ang pumunta sa mansion namin??

Sa tingin ko kailangan harap harapan kong sabihin ito kay Dad para maipakita na din ang documents na nagpapatunay na pag nanakaw ng Tan Corporation sa amin.

one message received.

Sino naman ang nagtext?? nagulat ako na si  Kim pala yung nagtext. Hindi ko sana babasahin pero bigla siyang tumawag.

"Sean?? andito kami sa house niyo kailangan mo pumunta dito or else..." ang sabi ni Kim sa kabilang linya. Walang emosyon ang Kim na narinig ko.

"or else what??!!!!" ang galit na sabi ko pero binabaan niya na lang ako ng tawag.

Papunta din naman ako sa amin kahit hindi niya sabihin. Pero bakit andun ang pamilya nila??? sinabi kaya ni Kim sa mga magulang niya ang mga nangyari.

Pero tama din na nandun ang mga Tan para harap harapan namin malaman ang katotohanan.

20 minutes later..

Bakit may mga pulis sa labas ng mansion namin. Hala si Dad at Mom.

"Andito na po si Sir Sean" ang sigaw ng katulong naminnng makita ako papasok ng Gate.

May sumalubong sa akin na 2 pulis. Pero hindi ko sila pinansin. Daretcho lang akong pumasok dahil natatakot ako na baka may nagyari kayla Mom.

"Anong nangyari dito?? at bakit may mga pulis???" ang sabi ko. Napatingin ako sa paligid at nakita ko na nandito nga ang pamilya ni Kim.

"Sean anak bakit mo yun ginawa??" ang sabi sa akin ni Mom. Nakita ko na din si Dad. Buti naman at walang masamang nangyari sa kanila.

"Ano bang ginawa ko?? at kailangan bang may pulis??" ang sagot ko kay Mom.

"Naparito kami dahil niloko niyo ang pamilya ko!! Pinalabas niyong tunay ang kasal kahit hindi naman pala all this time pala manloloko kayo pati anak ko dinamay niyo!! ang galit na galit na sabi ng ama ni Kim.

"eh ano naman kung pinalabas kong totoo ang kasal!! at lalong lalo na niloko namin ang pamilya niyo Sir!! Kung tutuusin nga eh mas manloloko kayo dahil kayo ang may dahilan ng pagkalugi namin." ang sagot ko kay Mr. Tan. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata ng marinig niya ang huli kong sinabi.

"Anong pinagsasabi mo Sean??" ang sabi ni Dad.

"itong pamilyang to dad ang dahilan ng pagkalugi ng kompanya natin. Hawak ko ang patunay na illegal nilang ginagamit ang funds natin. Ang sabi ko habang pinapakita ang isang envelope.

Nakita kong napayuko at umiling si Mr. Tan at napaiyak naman si Mrs. Tan. Si Kim ayun tulala hindi niya ata alam ang kalokohan ng kanyang magulang.

"Tutal naman na may pulis tayong kasama dito maari po bang pakiarresto ang mga kriminal na yan." ang malakas na loob na sabi ko. Yung mga magulang ko naman ay hindi makapaniwala sa mga nangyari.

"Maawa kayo sa amin. Ibabalik na lang namin ang kinuha naming pera.. kahit doblehin ko pa please lang ayokong masira ang reputasyon ko." ang sabi ni Mr. Tan.

Umiling ako kaya dinampot na sila ng mga pulis. Yinakap naman ako ni Mom si Dad naman ay kinausap ng mga pulis.

Si Kim ay hindi sinama sa pag dampot dahil wala naman siyang kinalaman sa mga nangyari. Hindi ko na siya nakausap dahil sumunod siya sa kanyang mga magulang.

Hindi man lang ako nakahingi ng tawad dahil naloko ko siya sa kasal namin.

Tapos na din ang problema ko. Krishia mababalikan na din kita.

THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon