Chapter 33

1.2K 33 1
                                    

Krishia's POV

Kung ano man ang plinaplano ni Sean sisiguraduhin kong hindi siya mag tatagumpay.

Nag aayos na ako kasi papasok na ako sa school. Akala mo Sean Timothy Mendoza hindi lang ikaw ang may plano sa ating dalawa.

"Manang Fe! pakisabi kay Manong driver na paalis na ako, be ready in 5 minutes!" ang sigaw ko para marinig ni Manang Fe nasa baba kasi siya.

Im wearing weird braces, my ugly look and my Nerdy glasses. Kate Santos is back! Sisiguraduhin kong mamahalin ni Sean Mendoza si Kate Santos at  kung mangyari yun ill make his heart suffer.

"Krishia bat ka nanaman naka ganyan??"  ang gulat na tanong Mang Fe. Nginitian ko na lang siya.

25 minutes..

"Maam Krishia andito na po tayo sa Seika." ang sabi ng driver, nakatuon kasi ang atensyon ko sa Cellphone kaya hindi ko namalayan na nasa school na ako.

2 year na ang nakalipas ng huling masilayan ng Seika University si Kate Santos. Siguro yung iba naaalala pa ako pero yung mga bagong estudyante ay grabe makatingin.

"Ang panget naman niya! Myghad ang sakit sa mata!" ang sabi ng estudyanteng nakasabay kong pumasok sa gate.

"Bat ngayon lang ako nakakita ng panget dito sa Seika? diba friend ang sagot naman  ng isa.  Magkaibigan sila. Parehong manlalait. Hindi ko na pang sila pinansin. Nakakapanget kasi yun.

Im heading na sa Office ni Sean. Kung ang Seika University ay ngulat paano pa kaya si Sean kapag nakita ulit ako bilang Kate Santos.

tok tok tok...

"pasok!"  ang sigaw ni Sean.

pag bukas ko ng pinto l, tambad sa kanya si Kate Santos. Ang babaeng minahal niya.

"Good Morning Mr. President! Miss me??"  kita sa mukha niya ang pagkagulat. Kung gusto niya makipaglaro, mas gagalingan ko.

" K--a.....Krishia anong pakulo nanaman yan!" ang  sabi nito habang binalang ang tingin sa table niya.

" Ang sabi mo kasi kailangan ko tapusin yung pagiging President Assitant at alam naman natin na si Kate Santoso ang Assistant mo hindi si Krishia. So Kate Santos is back!" ang nakangiting sabi ko.

"if that what you want! pag bibigyan kita. So lets start nakikita mo yung box na yan sa gilid mo! Bring it to  Engineering Faculty. Asap!" ang masungit na sabi ni Sean.

Ng makita ko yung sinabi niyang box, Grabe  parang kalahati ng balik bayan box ang laki nito.

"Are you serious??!" ang naiinis kong pangrereklamo.

" As far as I remember Im Serious! so bilis dalin mo na yan!" ang sabi nito kahit hindi ako tinatapunan ng tingin.

Nakakagigil ka Sean!! Makakabawi din ako sayo. Padabog kong kinuha yung box."Chivalry is Dead!" Buti na lang at hindi masyado mabigat dahil puro papers lang ang laman.

Saan nga ulit yung Engineering Faculty??  Ay oo nga pala nasa gilid pa ng  Gym Yung bldg. nila. Grabe ang layo.

Nang makarating ako sa Engineering Department. "Good Morning po!" bati ko sa isang faculty member. Hindi kasi siya nakatingin. Office hour nagcecellphone.

"Yes Ano yu-- Ay Impakta!!" ang sigaw ng binati ng nakita ako. Grabe naman kapag panget Impakta agad?

"Maam may pinadala po kasi sa akin yung President na box para daw po dito sa Faculty niyo!" hindi ko na lang pinansin ang snabi niya.

"Ilapag mo na lang diyan! Tas umalis ka na agad. Ang sakit mo sa mata!" nagpintig  ang tenga ko sa sinabi ng babae. Grabe naman sila manlait. Sinunod ko na lang siya at umalis agad.

Bakit marami ang mapanlait?

Hindi ba nila alam na sila ay nakakasakit!?

Ang taong mapanlait

Sila talaga ang tunay na pangit

Kailangan ko na palang pumasok sa klase ko. Muntik ko ng maka limutan ang mag palit ng anyo. Grabe sa palit anyo akala mo halimaw hahaha

Ng makapag-ayos ako ay lumabas ako ng Comfort Room ay nakasalubong ko yung dalawang babae na nanglait sa akin kanina.

"OMG! Ms. Krishia!ang ganda niyo po talaga gusto ko rin po maging model katupad mo!" ang pabebeng sabi nung isang babae. Siya nagsabi na masakit daw ako sa mata.

"Ako din po Ms. Krishia idol po kita! gusto ko din pong maging model!" ang sabi naman nung ngayon lang siya nakakita ng panget dito sa Seika.

Idol daw nila ako?? pero kung makalait sa kapwa akala mo perfect.

"ah ganun ba Salamat, isang Tip lang mga girls hindi nakakaganda ang manglait ng iba, lahat tayo ay may gandang magkakaiba!" napatahimik sila sa mga sinabi ko. Umalis na din ako pagkatapos.

"Bilan mo ako ng Food for my Lunch!!" napakunot ang noo ko ng mabasa ang text ni Sean habang nag tuturo yung Professor.

"okay class dissmiss!" tapos na pala ang klase namin.

Ano naman ang pagkain na bibilin ko para kay Sean. Hmmm alam ko na! Lasapin mo kd paghihiganti ko.

"isang peanut butter cake! isang Mogu Mogu at Chili Ice Cream!" ang sabi ko sa canteen. Ng makuha ko na yung order ko ay dumeretcho na ako sa office ni Sean.

"Mr. President ito na po yung Lunch niyo!" ang nakangiting sabi ko sabay abot ng binili ko.

"Very good! kaya mahal kita eh!" nakangisi siya habang sinasabi yun.  ano ba tong nararamdaman ko hindi ako pwede kiligin.

"Mahal mo kukha mo! Ewan ko sayo!" ang sinabi ko. Nag taray na lang ako para hindi niya ulit ako lokohin. Tumawa  na lang siya at kinain na yung cake.

"Ano flavor ng cake na to? habang kinakain niya yung cake.

"Your favorite! PEANUT BUTTER!" nanlaki ang singit na mata ni Sean at dinura niya yung Cake. Allergic kasi siya sa Peanut.

Nag mamadali siyang buksan yung bottled  drink na binili at hindi man lang niya tinitignan na Mogu-Mogu yun.

Pag inom niya ay naibuga niya agad. Hindi rin niya gusto yung Mogu Mogu. Kaya kumain agad siya ng Ice creak yun kasi ang kinakain niya para mawala yung magiging allergic reaction niya pero dahil ang bait ko.

"Krishia!!!" ang sigaw niya nakita ko siyang namumula sa sbrang anghang ng ice cream.

Tumakbo siya papalabas ng office niya. Siguro para uminom ng tubig.

Naiwan ako dito ng Tawa ng Tawa! Nakabawi na din ako Sean Timothy Mendoza.

-------------------------------------
Comment and Vote
Thank you!

THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined IdentityWhere stories live. Discover now