Chapter 19

3.1K 101 4
                                    


Krishia's POV

"Gising na siya!!!" ang tanging naririnig ko lang galing sa taong hindi ko kilala.

"Sino ang gising" ang sigaw ng isang babae. Ang Babaeng kinaiinisan ko. Syempre yun yung kapatid ko.

"Ate!!??? " nagulat ako sa narinig ko kailan niya pa ako tinawag ng ganyan.

"Yes hello Mom gising na po si Ate. Papatawag ko na po si Dr. Noel" ang sabi ni Nichole. Hindi ko na siya pinansin at tinuon ko na lang dun sa isang lalake na hindi ko kilala.

Hindi ko alam pero parang familiar yung mukha niya I don't even know his name. Pero ang gwapo niya. Ano naman kayang ginagawa niya sa kwarto ko.

At bakit kailangan pa ng doktor? And lastly bakit andito si Impaktang Nichole na yan. Sana manigas na siya sa Amerika.

Maya maya pa ay dumating na yung doktor. Yung totoo Ano ba ang nangyari.?

Chineck up agad ako nung doktor. Flinushlight yung mata ko. Niglagyan na popsicle yung dila at kung ano-ano pa na ginagawa ng isang doktor sa pasyente.

"Okay na siya". ang sabi nung doktor sa kapatid ko.

"Bakit hindi pa siya nag sasalita?" ang tanong ni Nichole  sa doktor

"Hindi ko pa alam, kailangan pa niyang pumailalim sa mga test." ang mahinahong sabi ng doktor.

"Test?? galing nga siya sa mahabang tulog tapos bibigyan mo agad siya ng test? adik ka ba dok!!" galit na sabi nichole. Anong mahabang tulog?  And please why so stupid my wicked sister.

"HAHAHAHA" biglang tumawa yung isang lalake.

" Hindi po miss Nichole ibang test ang tinutukoy ko." ang sabi ulit ng doktor.

Halata sa mukha niya na napahiya siya. Buti nga sa kanya. Bakit ba hindi nga ako nagsasalita??

I try to open my mouth pero wala akong lakas para gawin yun. Lumabas ng kwarto yung doktor at ang bruha kong kapatid.

Naiwan sa tabi ko yung gwapong lalake. Nagulat ako ng magsalita siya.

"Okay ka na ba Krishia?" ang sabi niya habang nakaharap sa akin.

Gusto kong tumambling sa kilig dahil kilala ako ng gwapong lalake pero hindi ko magawa dahil nanghihina ako.

"A--a--yos..La--ng" ang unang na sabi ko. Grabe ang hirap mag salita pero para sa kanya ay pinilit kong magsalita.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Bakit ano bang meron at ang weird ng tao sa paligid ko.

Tumakbo siya palabas at tinawag nanaman yung bruha kong kapatid.

Pinilit kong makaupo ng maayos at nilibot ko ang tingin sa kwarto ko. Bakit color White na ang walls ko parang kahapon lang color pink yun eh.

Bakit nag bago din yung mga furniture sa loob ng kwarto ko.

Napalingon ako sa table sa may gilid ng kama ko. Bakit may picture kami ng bruha kong kapatid? at anong nakain ko at pinaFrame ko pa yun.

Im 100% sure plinano to lahat ni Nichole. Kunwari mabait. Kunwari tawag Ate sa akin at edit yung picture sa may frame.

Medyo lumalakas na ako nagagalaw ko na ng maayos yung katawan ko. Susubukan kong tumayo. Mga Tatlong hakbang lang ay biglang nagcollapse yung tuhod kaya alam kong babagsak na ako.

Pero nagulat ako ng may sumalo sa akin.Yung kapatid ko yung sumalo? for real?. Kahit wala na akong lakas ay pinilit ko siyang tinulak.Bumagsak ako ng tuluyan at siya din naman ay napaupo sa sahig.

THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined Identityحيث تعيش القصص. اكتشف الآن