Chapter 34

1.2K 30 0
                                    

Krishia's POV

"Yes its Sunday! No Class! No Problem!!" ang sigaw ko habang umiikot ikot sa higaan.

Nakakastress sa school bukod sa Academic stress nakisabay pa si Sean. Alam niyo ba kung ano ang ganting ginawa sa akin ni Sean matapos ko siyang pakainin ng peanut butter.

Pinag dikit pa naman ako ng poster sa buong school. 500 pieces yun at Ako lang mag-isa. Bawal pa akong tulungan ng ibang estudyante. Myghadd!!

"Ate Krish.." biglang sulpot naman nitong si Nicole.

"Ay Sean!!" ang nasigaw ko at bigla akong nahulog sa kama kasi nagulat ako sa pagsulpot ni Nicole.

"Ayyyiiee!!!! Ate!! iniisip niya si Seann!!" ang nagtititiling sigaw ni Nicole. Ano bang sinabi ko?

"huh? ano bang..." nagulat ako ng maalala ang sinabi ko. Napatayo na din ako.

"magbabalikan  na ba kayo???!" ang masayang tanong ni Nicole.

Magbabalikan? Mukha niya. Iniisip ko lang si Sean kasi naiinis ako. Gagantihan ko pa. Wala na nga din akong nararamdaman para sa kanya. Wala talaga!

"No! walang magbabalikan! at hindi Sean ang sabi ko  Shawn! yun Shawn Mendes!" ang pagpapalusot ko.

"weeeehhhh!!!" ang pahabol pa nito. pinandilatan ko na lang siya para tumigil.

"Ano bang kailangan mo??"  ang tanong ko. Nasira ang ang Sunday ko dahil si Sean nanaman ang naisip ko.

"Ahh the Breakfast is ready!" ang sabi  niya at lumabas na rin siya sa kwarto.

"sige susunod ako!" ang pasigaw na sabi ko. Makaligo na nga muna. I check muna my phone to see kung may mga ng text.

50 unread messages.

"Mrs. krishia we would like to ask you if you want to be our model......." ang sabi sa unang text

"we our Meg magazine..." isa nanamang magazine na gusto nanaman akong kunin na model.

" Mrs. Krishia you have an appoinent today..." ang text ng manager ko.

"I need you now!" nagulat ako sa text na to. At kay Sean pa talaga ng galing ah.

"oy! bakit ka nakangiti diyan!" nabitawan ko yung  cellphone ko. Andyan nanamn si Nicole. Napangiti ako??

"Nicole naman! nahulog tuloy yung cellphone ko" pinaglihi ba ang kapatid ko sa kabute. Sulpot ng Sulpot.

"sino ba yang kaText mo? At napapangit ka, Sabi mo susunod ko na sa baba." ang sabi ni Nicole habang pinipilit na makuha yung cellphone ko.

"Ang kulit mo talaga Nicole! Isa pa na pangugulo sa akin pag hihiwalayin ko kayo ni Avhu sige ka!" ang inis na pagbabanta ko. Tumakbo siya pababa. natakot siguro.

Nang makaligo na ako ay bumaba na ako. Dumerecho na ako sa kusina. Hindi ko na naabutan si Nicole. Tapos na siguro. May nakahanda parin naman kaya kumain na ako.

Ofcourse pancakes ang kinain ko matching coffee. What a great combination. Umiinom ako ng favorite coffee ko ng.

"Hi Krishia!" nabuga ko yung iinom ko dahil sa gulat. Paglingon ko kung sino tumawag. Si Avhu pala.

" Bagay talaga kayo ng kapatid ko, Bigla na lang sumusulpot. Papatayin niyo ata ako sa gulat eh!" ang sabi ko habang pinupunasan yung bibig ko.

"Sorry Krishia HAHAHAHA! Gusto ko mo bang sumama sa amin ni Nicole!" ang sabi ni Avhu. Isasama so magiging  Third Wheel 

"Paara maging hadlang sa inyo?? Third Wheel ganun?? No way!"  ang sinabi ko sa kanya.

"Kasama naman din ako eh kaya hindi ka maTithird wheel!" pamilyar yung boses niya. Bakit din siya nandito.

" Ano ginagawa niyan dito Avhu??"  ang tanong ko kay Avhu. Andito naman si Sean.

"Namiss mo ba ako?"  ang singit na sabi ni Sean habang nag papacute. Mukha siya aso kakainis sa ginagawa niya.

" Yes super miss na kita grabe. Ang saya ko ng makita kita!" nagulat si Sean sa sinagot ko. Ano bang binabalak ni Sean?? Sasaktan nanamn niya ako.

"Yun naman pala miss ka na ni Krishia!" ang sabi ni Avhu kay Sean. Hanggang ngayon tulala siya. Mukha siyang ewan.

Napaisip ako huwag ko na lang siyang asarin o kaya awayin. I'll make Sean fall inlove with me again. And then dun ko siya sasaktan.

Body Wounds are easily heald  pero kapag puso ang nasaktan pang matagalan.

"Saan ba tayo pupunta??" ang tanong ko sa kanila.

"Me and Nicole are planning na mag beach tutal walang class this next 3 days." ang pag papaliwanag ni Avhu.

"okay I'll get my stuff na lang." ang sabi ko at simula ng nag lakad papaakyat sa kwarto ko.

Sean's POV

"narinig mo siya Sean! Miss ka na din niya! May Chance ka na ulit!" ang masayang sabi ni Avhu sa akin

Napangiti ako sa narinig. Akala ko mahihirapan akong mapatawad ni Krishia. Gagawin ko ang lahat mabalik lang siya.

"Pero parang may mali" napatingin ako kay Avhu sa sinabi niya.

"Anong mali??" ang nagtatakang tanong ko.

"Tignan mo kanina galit na galit si Krishia then biglang bumait sayo!" ang pagpapaliwanag niya. Napansin ko rin yun pero hindi ko nalang inisip.

"Baka ganun lang yun. Baka hindi niya kayang magalit sa akin, Sa gwapo ko pa naman sino ang babaeng mamagalit sa akin??" natawa na lang si Avhu sa pagmamayabang ko. Ayoko ng isipin ang napansin ni Avhu.

Ang importante okay na kami.

------------------------------------
Comment and Vote
Thank you!

THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined IdentityWhere stories live. Discover now