Chapter 30: Revelation

593 30 3
                                    

Zafrina's POV

Kasalukuyan kaming nakatambay sa kwarto ni Nanne dito sa hospital. Kailangan muna kasing maging stable siya bago i-discharge.

Nagkwekwentuhan naman sila tungkol sa mga pangyayari dati. And by that, I mean yung mga memorya na nakalimutan ko.

Sino bang pinagloloko ko? It's been months simula ng magising ako at wala man lang akong maalala na kahit ano.

Habang nagkwekwentuhan sila ay pekeng ngiti at tawa lamang ang pinapakita ko, kasi sa totoo lang? I've never felt so out of place in my life.

Wala akong kaalam-alam sa kung anong pinag-uusapan nila. Those genuine smile and laugh they were showing tuwing may naaalala silang kagaguhan namin dati is making me really jealous and...hopeless. Kasi alam kong kahit anong pilit ko sa pag-alala. Walang babalik na memorya sakin.

Hindi man nila sabihin pero alam kong may lamat na ang pagkakaibigan namin dahil nawala lahat ng memorya ko tungkol sa kanila. It's like I'm a new person that entered their lives.

Isang malaking parusa talaga sakin yang comatose na yan. I despise it.
Yung panaginip lang talaga ang naalala ko. Isa pa, best friend ko si Daniela. She told me na ako ang naging human diary niya simula't sapul. I feel really guilty na ni-isa ay wala man akong naalala tungkol sakanya. Heck, I didn't even knew na naging sila pala dati ni Jazer. Sinabi niya na lang sakin ng mapansin niyang wala talaga akong naaalala.
Tapos may kambal pala ako na hindi ko alam kung kelan ko ulit makikita.

It's so freaking irritating! Nakakagago na wala akong maalala! Hindi man halata pero gabi-gabi kong iniisip kung ano ba talaga ako dati. Deserve ko ba na ma-comatose?!

"Are you alright? Kanina ka pa bumubuntong hininga ah?" tanong saakin ni Lance and handed me some iced coffee kaya kahit papaano ay gumaang ang pakiramdam ko just by smelling the aroma.

"Yep, pagod lang siguro" I lied flawlessly. Pagod sa lahat.

"I'm so shock talaga. They even alam when our anniversary is" gulat na saad ni Daniela habang nakatutok sa laptop.

"Yeah, kaya ata nilang ungkatin lahat ng nakaraan natin" tawa ni Genevieve which gave me an idea.

Ungkatin lahat ng nakaraan...

Agad kong kinuha ang laptop ko at binuksan ko ito and started searching for stuffs about me noon, bago pa ako ma-comatose.

It went on for hours and I was so entertained with myself. Totoo nga ang sinasabi nila, nakakamangha ang stalking skills ng mga fans namin worldwide. Kaya nilang gumawa ng isang autobiography ng isang tao ng walang kahirap-hirap. Nakakatakot.

Nalaman ko na protective talaga ang kuya ko kahit dati pa lang, I was a delinquent in school yet I aced my exams hanggang sa naging isa akong magaling na cardiologist. Ang dami ko pang nalamang iba. Finally. Parang nakikilala ko ang sarili ko dahil dito. Thanks to our fans. I was satisfied for now at sumasakit na rin ang mga mata ko. Isasara ko na sana ang laptop ko when I accidentally scrolled down.

May isang article na nakaagaw ng pansin ko. The Real Reason of Zafrina Andy Chua's Accident (with evidence).

Biglang lumakas ang kabog ng puso ko. Bakit parang ang sama ng kutob ko? Kung kelan papatayin ko na dapat ang laptop ko saka ko nakita ang article na ito. Is this a coincidence? Walang masyadong views ang article dahil dating-dati na ito at nasa pinakadulo pang bahagi.

Napansin ko na nanginginig ang mga mga daliri ko before I inhaled deeply and clicked the article.

Binasa ko ito habang nagkwe-kwentuhan pa rin sila. At first akala ko ay peke lang ang nababasa ko, but the title was given justice ng may makita akong mga evidence at explanation.

Accelerating Limits •BOOK 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon