Chapter 25: Tattoo

469 29 0
                                    

Brent's POV

Jusko di ko keri ang mga happenings. I am shookt.

Imagine, dalawang Zafrina?! The horror! Halos makalbo na ako sa isa, tas dadalawahin pa?! Pinaparusahan ba ko? I swear I'm a good person.

Don't worry nalaman ko naman na lahat ng nangyari nung nahimatay ako. Di ko kasi kinaya yung nakita ko eh.

So ngayon, kasalukuyan kaming nasa isang race track. Tinotoo nga nila yung race nila. Oo nga naman, ang tagal ko ng kilala si Zafrina at kung walang unexpected dayaan na magaganap tulad nung sa tournament, she'll win.

"Sige ba! Racing lang pala eh" nakangising wika ni Zafrina 1 at sasakay na sana ito sa kanyang sasakyan nang biglang magsalita si Zafrina 2.

"Uhm guys wait! My engine is broken. Hindi ako makakapag-race" biglang saad ni Zafrina 2 na parang kinakabahan at namumutla. Broken?

"Weh sira daw. Alam mo lang magiging talo ka eh" sambit ni Zafrina 1 habang nakangisi at tinarayan siya.

"I'm serious!" gigil na saad ni Zafrina 2

"K." kibit balikat ni Zafrina 1

"O pano ba yan guys? Ayaw makipag-racing. Jusko ang tagal naman. Isn't it quite obvious na ako naman talaga yung totoong Zafrina?" nakairap na sambit ni Zafrina 1

"Oo nga, sa pananamit pa lang eh, wala rin siyang make up" saad ni Jazer.

"And hindi niyo ba napansin? Kakadating pa lang ni Zafrina 1 ay ilang malulutong na mura na ang lumabas sa bibig niyan, unlike Zafrina 2 na ilang araw na nating kasama, never ko pang marinig magmura" saad naman ni Dashel.

They're right. Oo nga no?

"Guys?! What if she's just faking it?! Ako yung totoong Zafrina. Don't let her deceive you!" iritableng saad ni Zafrina 2.

"Damn it. Paano na yan?" stressed na saad ni Gray.

"Ano ba naman yan. Excited pa naman ako sa race" nakasimangot na saad ni Dashel habang nakacross ang mga kamay sa dibdib.

Lahat naman kami ay napabuntong hininga. Nakakaloka. Mas naii-stress pa ko dito kesa sa mga mahihirap na kasong nahawakan ko.

Napakamot naman ako sa balikat ako dahil bigla itong nangati. Habang kinakamot ko ito an idea suddenly hit me. Kinapakapa ko ang balikat ko at biglang napangisi. Oo nga pala!

"Alam ko na!" sigaw ko kaya nagulantang sila.

"What?!" inis na saad ni Kein na mukhang nagulat ko rin.

"Midnight Drifters, we all had matching tattoos remember? Sa mga lalaki nasa balikat yung tattoo tas sa mga babae nasa bandang waist." nakangisi kong saad.

"Oo nga! That's brilliant!" pag-agree ni Nanne kaya napangiti ako. Oh diba.

"Yeah check her tattoo" saad ni Genevieve. Nakita ko kung paano kinabahan si Zafrina 2.

"H-Ha?" nauutal na saad ni Zafrina 2 at napaatras. She went visbly pale.

"Something wrong?" nakangising saad ni Zafrina 1 at pinakita ang kanyang tattoo by raising a bit of her hoodie.

Bumungad saamin ang isang simpleng tattoo ng feather na may halong apoy. It's her. Sabi ko na nga ba.

Napalingon naman kami dun sa isang Zafrina. She's the fake one.

"Ngayon, uulitin ko yung tanong ko. Sino ka ba talaga?" seryosong saad ng totoong Zafrina.

"Fine! You caught me. Might as well tell the truth" pagbuntong hininga niya.

Accelerating Limits •BOOK 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now