Chapter 24: Truth

456 30 2
                                    

Lux's POV

The tension finally died down a bit.

"I'm sorry for what I've said earlier. I didn't mean it. Nagalit lang siguro ako" pag-umanhi ni Genevieve kina Daniela at Zafrina.

"Yeah, we din. We're sorry" saad din naman ni Daniela.

"Wait guys mag-retouch lang ako" saad ni Zafrina at tumayo na at pumunta sa second floor ng pad. My gaze followed her at napapikit ako ng mariin bago napabuntong hininga.

"It's not her" bigla kong saad habang nakatingin sa hagdan na inakyatan niya. Lahat sila ay napatingin saakin. Most of them agreed with my statement but there's this one retard who didn't get what I was saying.

"What do you mean?" nakakunot noo na saad ni Lance which made me roll my eyes. Idiot.

Bago pa may makasalita ang isa saamin ay lahat kami napalingon sa pintuan ng pad namin at pare-parehas nanlaki ang mga namin at napanganga dahil sa aming nakita.

"Mga tangina kayo! Di niyo man lang ako niligtas o hinanap! Wala talaga kayong pakialam sakin. Ilang araw na kong nawawala, nakanganga pa rin kayo dyan!"

Bigla kaming naguluhan. Didn't she just went upstairs? Did she changed her clothes? Nakasuot kasi ito ng ripped jeans at hoodie with matching sneakers. No make up at all.

Akala ko ba magre-retouch siya? What the actual fuck.

"Anong pinagsasabi mo Zafrina? Tsaka paano ka napunta dyan? Kakaakyat mo lang ah?" naguguluhan na tanong ni Brent sakanya.

"Gago anong kakaakyat?! Kakadating ko lang. Langhiya ang ganda ng bungad niyo sakin, wala man lang 'Ano nangyari sayo?' o kaya 'san ka galing?' o kahit 'Okay ka lang?' jusko ang babait niyo talaga. Na-kidnap na ako at lahat!" she exclaimed.

My heart started beating abnormally fast. Again. Kasi these past few days, for some reason kapag nakikita ko si Zafrina, my heart didn't reacted the way it used to. But now...

Damn. I'm talking nonsense.

"Wait what? Kidnap?!" gulat na tanong ni Dashel. Kidnap?

"Yes kidnap. Damn wala man lang naghanap sakin? Great friends huh?" sarcastic niyang saad kaya napakunot ang noo ko. Is she serious?

"Anong kidnap? You were with us the whole time" naguguluhan na saad ni Nanne.

"Huh? Kung na-kidnap ka edi sino yung kasama namin aber? Wag mo nga kaming niloloko" saad ni Jazer.

"Anong—" naputol ang sasabihin ni Zafrina habang nakanganga. Nagtaka naman kami dahil nakatingin at nakaturo ito sa likod namin na parang nastatwa. She was pale at halatang gulat na gulat ito.

I raised my eyebrows at lahat kami ay dahan-dahang lumingon sa aming likod at napanganga when we saw another Zafrina. Yung umakyat kanina. She was shocked too habang nakatingin naman sa Zafrina na kaharap namin. There are two of them.

What.

Parang biglang sumakit ang ulo ko.

Napatingin kaming lahat kay Brent nang bigla itong mahimatay at bumagsak sa sahig. He probably couldn't imagine ths fact na may dalawang Zafrina sa harap namin. One is already hard to handle, dalawa pa kaya?

"A-am I hallucinating?" nauutal na tanong ni Axum.

"Dude, are we high?" biglang tanong ni Gray kay Jazer na dahan-dahang napailing habang nakanganga.

"Oh my God..." saad ni Daniela

"This is absurd" saad ni Kein.

"Ikaw! Sinasabi ko na nga ba" gigil na saad ni Zafrina at tinulak kami paalis sa daan at nilapitan yung isang Zafrina at nagulat kaming lahat when she grabbed a fist full of hair at kinaladkad ito pababa ng hagdan. Rinig na rinig namin ang pagtama nung isang Zafrina sa hagdan. Well damn. That must've hurt.

"Guys! Help me! Who is this bitch?! Aray!" sigaw nung isang Zafrina at pare-parehas kaming napangiwi ng sinampal ito ng sobrang lakas nung isang Zafrina.

I am fucking confused.

"What the hell is happening?!" saad ni Dashel at inawat naman ni Nanne yung isang Zafrina na nanampal.

Let's just call her Zafrina 1, she's the one who is wearing a hoodie. Then let's call the one who went upstairs for a retouch Zafrina 2.

"Bakit dalawa kayo?! Sino ba talaga yung totoong Zafrina?!" gulat pa rin na tanong ni Genevieve.

"Ako!" sabay na saad nung dalawang Zafrina. Jesus Christ.

"Ako sabi eh!" sabi ni Zafrina 2.

"Ulul! Sino ka ba ha?!" asar na saad ni Zafrin 1

"I'm Zafrina Andy Chua!" Zafrina 2

"Oh fuck off. Pagkatapos mong ipa-kidnap ako para palitan mo posisyon ko" nakairap na saad ni Zafrina 1

"Excuse me?!" galit na wika ni Zafrina 2

"Daan ka na" kibit balikat ni Zafrina 1.
Damn it. Sino ba talaga sa dalawang toh yung tunay na Zafrina. I mean yeah, I already have a hunch pero walang aamin sa dalawang yan kung sino yung fake, obviously.

"I can't believe this" blankong saad ni Dashel na parang hindi pa rin nagsisink in ang mga nangyari.

"There's this study that every individual person has probably the same exact face with 3 to 6 others and they have a possibility to meet one of them in their lifespan. Baka eto yon. If I'm not mistaken" saad ni Genevieve tila may naalala.

"What do you mean kidnap?" curious kong saad. If she's serious then this might be something more than a coincidence.

"Nung naaksidente ako at na-confine sa hospital. One hour visit only, remember? The rest hindi niyo na alam kung anong nangyari sakin. This bitch took the oppurtunity to swap places with me. Kinabukasan dapat makakalabas na ako, but that night, medyo may diwa na ko non, may pumasok na dalawang tao, siya tsaka yung kasama niya. The guy took me at siya nagpalit ng suot ko. Since we were exactly alike. Walang nakahalata sainyo. Except for the attitude siguro. So ayun, na-kidnap na ko at lahat, kayo walang kaalam-alam na impostora na yang babaeng kasama niyo. Mabuti na lang at nakaisip ako ng paraan para makatakas" saad ni Zafrina 1 at parang unti-unting nabuo ang puzzle dahil sa sinabi niya.

"And paano naman kami makakasigurado na sinasabi mo yung totoo? Maybe you're just one of those people na kamukha ko. Gaya ng sinabi ni Genevieve" nakangising saad ni Zafrina 2.

"That study doesn't apply para sainyo. Kaya siya naging tatlong magkakamukha, it means ikaw yung present, yung isa ay past self mo at ang isa naman ay ang future. Hindi yon applicable sainyo kasi you're both at the same age and exactly alike in almost everything." saad ni Axum.

"Anong kagaguhan na naman yan?" naiiling na saad ni Jazer na parang hindi naintindihan ang pinagsasabi ni Axum.

"Guys! Seriously. Ako ang nakasama niyo, you're really going to believe this crazy girl?" mataray na saad ni Zafrina 2 at tinarayan si Zafrina 1

"Watch your mouth baka ingudngod ko yan sa semento" nakairap naman na saad ni Zafrina 1

"Trust me. Ako yung tunay na Zafrina" seryosong saad ni Zafrina 2 kaya napakamot kami sa ulo at napabuntong hininga. We are confused as fuck. Damn it. Hindi naman pwdeng basta-basta kaming pipili ng isa sa kanila.

"I'm so stressed na" saad ni Daniela at napahilot sa kanyang sentido. Napatingin naman ako kay Brent na tulog pa rin. He just missed everything. As usual. Nahimatay bigla eh.

"Bakit hindi ka na lang kasi umamin?!" iritadong tanong ni Zafrina 1

"Kasi wala namang aaminin" nakangising balik ni Zafrina 2.

"I have an idea" bigla kong saad kaya napatingin sila saakin.

"Ano?" tanong saakin ni Gray.

"There's this one way to know who is the real Zafrina..." nakangisi kong paninimula kaya lahat sila ay napukaw ang atensyon at nakikinig sa sasabihin ko.

"How?"curious na tanong ni Dashel.

"Alam niyo naman na kung paano humawak ng manibela si Zafrina right? Both of them will finish it off with a race" nakangisi kong saad.

The real Zafrina would never lose in a fair race. We all just wanted to know who the real Zafrina is at kung sino ba talaga ang isa pang Zafrina. Bakit dalawa sila?

Is it just a coincidence? Or something more?

Accelerating Limits •BOOK 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now