Chapter 16: Single Division

469 29 1
                                    

Zafrina's POV

Medyo late na ng magising ako kaya naman agad akong bumangon at nagmadali para makapag-ayos dahil second day na ng tournament.

Lumabas agad ako sa pad at bumungad saakin si Lance na mukhang may inaantay habang nakahilata sa sofa.

"Oh you're up. Buti naman. Good morning" bati niya at ngumiti saakin. I smiled back.

"Yeah good morning. Asan na sila?" tanong ko ng mapansin kong kami lang ang tao, habang nagsusuot ako ng sapatos.

"Uhmm nauna na sila sa tournament. Tulog ka pa kasi at ayaw naman kitang gisingin. So nagpaiwan na lang ako para antayin ka" saad niya and shrugged at may inilatag na plato na may bacon and eggs with fried rice. Bigla naman akong naglaway sa nakita at naamoy ko.

"Nauna na? Hala diba dapat mauna ka rin dun? Racer ka para sa single division!" nag-aalala at natararanta kong tanong ng maalala ko ito. Ano pang ginagawa neto dito?!

He chuckled at umiling.

"Don't worry. Pang 3rd round pa ako. Kumain ka na tas punta na tayo sa tournament" nakangiti niyang saad at hinila na ako paupo kaya kumain na lang din ako. Binilisan ko para makaalis agad kami.

"Dapat hindi mo na ako inantay." saad ko after kumain, nilagay ko na lamang ito sa lababo at uminom.

"Nah, it's fine. Let's go?" tanong niya at tumango naman ako. Pumunta kami sa garahe at sumabay na lang ako sa kotse niya.

Pagdating namin sa tournament napanganga ako ng nasa kalagitnaan na pala ang first round. Si Daniela ang representative namin for the first round.

"Tara dun tayo" hila saakin ni Lance at pumunta kami sa lounge kung saan mas kita ang mga pangyayari. Doon ko naman napansin na mainit na pala ang labanan. Nagkakadayaan.

They tried to crash Daniela's car pero marunong ito at napangisi ako ng makalagpas agad si Daniela at imbis na siya ang mabangga ay ibang racers ang natamaan ng sunod-sunod.

Daniela accelerated her speed at humabol sa nauuna.

"Uh-oh looks like we have a booby trap waiting for the Philippines!" sigaw ng emcee kaya nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang close up ng camera sa isang kalsada na dadaanan ni Daniela ay nagkalat ang mga malalaki at matutulis na pako.

Shit.

Paparating na ang sasakyan ni Daniela at huli na ng makita niya ito at hindi na siya nakapagpreno ng maayos kaya naman dire-diretso ito sa mga pako at napangiwi kami ng makita naming pumutok ang gulong ng sasakyan nito at nawalan na ng control at bumagal na ang takbo.

Ang daya. But there are no rules after all. Damn. Natalo tuloy si Daniela.

"Ugh! This is so nakakairita!" bwiset na sigaw ni Daniela ng makarating ito sa lounge. Halatang nanghihinayang ito sa pagkatalo niya.

Hindi na siya umangal ng binigyan siya ni Jazer ng ice cream dahil nilantakan niya agad ito. Stress reliever niya na yan. Bat kaya alam ni Jazer? Damn. Di ko pa rin talaga maalala yung iba.

Minsan nalulungkot ako dahil hindi ko alam kung ano ang buhay ko dati. The memories that I had were all gone. Ang tanging naaalala ko lamang ay ang panaginip ko tungkol sa apocalypse na hindi naman makatotohanan! It's crazy sad! Para akong bagong silang na tao na walang kaalam-alam sa nangyari dati. They would tell me stories of what happened before pero wala talaga akong maalala. May mga piling memorya lang akong natatandaan. It takes time for those memories to come back. That's the sad thing about it. I don't have time.

Napabuntong hininga na lang ulit ako at napailing. Nope. Ayoko ng drama. I'll just focus my attention on what's happening right now.

"Don't worry. We still have two more chances. Cheer up" nakangiting saad ni Nanne na mukhang hindi nawawalan ng positive side. It's in his blood. Being nice and positive and all that good stuff. Nung nagpaulan siguro yung Diyos ng kabaitan, nasalo ni Nanne lahat tas tulog kami.

Accelerating Limits •BOOK 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now