Chapter 28: Break

584 34 10
                                    

Genevieve's POV

"Are you ready babe?" tanong ko kay Axum at nagulat naman ito sa tanong ko. Huh?

"Damn it. Sorry babe. Mali pagkakaintindi ko" namumula niyang saad. Oh...

"Pfft." pagpigil ko ng tawa ng ma-realize ko kung ano ang tinutukoy niya.

"Hey! Don't laugh" nahihiya niyang saad which made me smile wider at kinurot ko ang pisngi niya. Ang halay.

"Saan pala kayo galing?" curious kong tanong. Kagabi kasi umalis siya kasama sina Nanne, Dashel at yung iba pang lalaki. Tapos kaninang madaling araw na sila nakauwi.

"Oo nga. Naghanap kayo ng girls no?" mataray na tanong ni Daniela.

"Sus selos ka naman" nakangising saad ni Jazer at inakbayan si Daniela.

"Like ew" sagot naman ni Daniela pero namumula ito.

Hinapit naman ni Axum ang bewang ko palapit sakanya. He rested his head on my shoulders habang nakapalipot ang mga kamay nito sa bewang ko.

"May inayos lang kami babe" saad niya kaya napatango naman ako and shrugged. I trust him.

"Tara guys, alam kong tulog pa mga diwa niyo pero bilisan niyo naman" saad ni Lance na naglalagay ng mga gamit sa van. Lahat kami ay nagmadali na at sumakay na sa van. It's like 4 in the morning.

We drove for hours at nakarating na kami sa lugar na pupuntahan namin ay mga 7 am na. Kumain muna kami ng breakfast sa van, may mga dala kasi kaming pagkain na hinanda namin.

"Okay guys. Let's do this!" excited at encouraging na saad ni Nanne pagkatapos namin kumain at magpahinga.

"Yehey!" saad naman ni Dashel at tumalon talon pa.

"Letse ka talaga Lance. Papagurin mo pa kami, imbis na break" naiiling na saad ni Zafrina.

Ang naisip kasi ni Lance na parang get away activity namin ay...hiking. Yes. Hiking.

"Tsk. Give me that" malamig na saad ni Lux at kinuha mula kay Zafrina ang bag na hawak niya. Napangiti naman ako ng palihim. He's really concern and protective over her kahit ayaw niyang ipakita.

Just like my Axum.

"Pagod ka na ba babe? You want to give you a piggy back ride?" nakangiti niyang tanong kaya natawa ako habang umiiling.

"Babe it hasn't been ten minutes simula nung mag-hiking tayo. Chill." nakangiti kong saad sakanya and gave him a peck on his cheeks kaya lumawak ang ngiti niya.

So ayun, habang umaakyat kami sa bundok ay kung ano-ano na ang napag-usapan natin. Nagpapatawa rin sina Jazer at Brent that we reached the point na nanghihina na ang mga tuhod namin kakatawa over the stupidest thing they can think of.

Nakita ko naman na pinupunasan ni Jazer ang mga pawis ni Daniela at binibigyan siya ng tubig.

Pinagtatalunan rin nila kung bakit may homework ang mga students. Yep, pati homework pinagtatalunan namin kahit may mga trabaho na kami.

"Syempre! Para maging disiplinado sila at matutong gamitin ang oras ng maayos. May oras sa homework at may oras sa iba pang mga bagay" saad ni Dashel.

"Yeah right. Bakit yung homework lang ba ang naisip nila para madisiplinado yung mga bata? Bakit hindi sila mag-isip ng something more realistic like practicing your hobby, pagtugtog ng gitara for example" saad naman ni Jazer.

"That's not the point. Ang homework ay ginagawa para hindi gahol at sobrang stressed ang mga students sa school at para mas ma-review nila ang mga lessons or activities" saad naman ni Gray.

Accelerating Limits •BOOK 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon