Chapter 23

61 2 1
                                    

@tamikakaye11 @missasuzy_exo @pica_pikachu @annyaneee

thank you, thank you, thank you.


[Destiny]

Dumiretso agad ako sa room dahil 'di ko nagustuhan nakita at narinig ko.

Ha?

Dahil pala mag sisimula na sunod na subj.

"Hoy Ritzelia! Kalmado ka na?"

"Oo naman!" sabay ngiti kay Amber.

"Ha? Para kang mangangain ng buhay. Nakaktakot ngiti mo itigil mo nga yan!"

'Tama na kasi! Ano ba nangyari?" Tanong uli nya.

"Wala naman ha ha ha!" sagot ko nanaman.

"Mamaya na nga! Di ka makausap ng matino."

Siguro kaya iniiwasan ako ni Kiel eh dahil may babae na pala siya na sineseryoso. Alam ko naman na mangyayari din 'to eh, ang 'di ko lang inaasahan eh yung maapektuhan pala ako. Moreover, I can't believe I actually cared.

'Ba yan.. Tsss..

-

Mukang nakikisama yung oras kasi hindi ko napansin na uwian na rin pala.

Dumiretso agad ako sa bahay dahil mabbwisit lang ako sa mga kakausap saken.

Inoff ko rin phone ko dahil alam kong bubulabugin ako ni Amber kung anong nangyari. Ayoko. Di ko trip. Ewan ko ba. Mas sanay kasi ako ng mag isa. Siguro kung mapapansin niyo rin, wala akong masyadong kaibigan bukod kay Amber. Kaya nga lagi ko rin sinasabi diba? I'm better off alone.

I suddenly remembered what Spencer said to me,

"I hope someday, ma-inlove ka sa lalaki na magagawa kang tanungin kung bakit mo pa naisipan na mas mabuti kang mag isa. Wait, that sounds quite wrong. Okay, I hope you fall in love with someone who makes you question why you ever thought you would be better off alone."

I laughed at the thought. Pretty sure walang mag sasabi nun. As if they care.

Kumuha ako ng ice cream at nag laro sa xbox. Tapos, movie marathon. Hanggang sa mag gabi na. Balik lang sa dating gawi.

I was about to go to sleep nung naisipan kong mag check ng Facebook. Bumungad agad sakin yung tagged photo kay Kiel. Eto yung babae kanina.

Mag kasama pala sila.

Malamang.

Ba't pa kasi ako nag open ng Facebook? Dapat natulog nalang ako diretso eh. Kailangan kong makipag usap kay Kiel. Kailangang tapusin na namin 'tong laro namin.

-

The next day, bumisita si Jasmine sa school. Lahat ng tao nakatingin sakaniya. Para silang nakakita ng Pokemon, kasi tangina kelan ka ba nakakita ng Pokemon sa totoong buhay diba? Ayun kumbaga, agaw atensyon talaga yung ganda niya.

Nakaupo kami ngayon ni A sa dulo dito sa cafeteria kaya sakto view namin sa entrance. Kitang kita si Jasmine.

..kitang kita din pag yakap niya kay Kiel nung nagkita sila. Kitang kita din pag ngiti ni Kiel sakaniya, at ang pagbuka ng bibig ni Jasmine na "I miss you" yata yung sabi, tapos yung paghalik ni Kiel sa noo ni Jasmine.

Kitang kita ko lahat yun.

Di ko man nakikita, pero nararamdaman ko. Nararamdaman ko na parang.. Parang ang sakit. Yung sakit na mapapamura ka.

Mr. Playboy meets Ms. Playgirl || Destiny's the name, and LOVE is my gameWhere stories live. Discover now