Chapter 10: New student

234 5 1
                                    

[Destiny]

*bzzzzt*

Ritzelia!! Im back! A

Sino pa ba nag iimbento at nag dadagdag sa pangalan ko ng kung ano ano? Si Amber. Sino pa ba.

Sa wakas mag kita nanaman kami. Nag tataka siguro kayo ba't nung past chapters wala sya? E pano ba naman kase puro lakwatsa. Kakagaling lang sa Dubai ng bruha. -__-

Heh. Hindi kita kilala. 

Text ko. Ganan kase ako sakaniya kapag di nya pa nababanggit sakin na may pasalubong sya.

Oo na! May pasalubong ako sayo!! 

Hahaha! Welcome back Ambs!!! See you soon! x

Sakto Monday na bukas!! Hmmm di ko alam ba't parang excited ako na ewan. Good vibes na good vibes e. Feeling ko may mangyayari na maganda. Or baka excited lang ako sa pasalubong nya saken? HAHAHAH!

Anyway, walang magawa ngayon. -___- Mag gagabi na rin eh, nakaktamad lumabas.

Si Amber naman kasi panigurado may jet lag pa. Itataboy lang ako nun. Si Kiel naman, for sure sawa na yun sa muka ko. Pero.

Pero wala akong pake.

MWAHAHAHAH!

"Manong!! Padrive nga ho ako sa bahay ni Kiel."

***

*toktoktok*

"Sino yan?"

"Ako!"

"Di kita kilala pero sige bubuksan ko nalang rin."

HAHAHA. Loko talaga 'tong kapatid ni Kiel. Manang mana e.

"Uy Ate Ritzel!!!!" Niyakap nya ko tas umupo kami sa sofa

"Asan kuya mo?"

"Tulog po eh! Pagod yata kasi nag basketball sila. Andun sa kwarto niya sa taas. Pupuntahan nyo po ba?"

"Heh wag ka na nga mag po. Hahah.  Uhm, wag na. Pabayaan mo sya matulog."

"Uy ate ayos lang ba? Bake tayo!!! Meron ako mga gamit dito."

"Really? Osige tara!"

Then we started. Gusto nya daw chocolate chip cookies eh. Taught her how, then nung tapos na kami tinamad na kami mag ligpit ng gamit HAHAHA!

"Ate hayaan mo na si Manang mag linis"

"Onga, binigyan naman naten sya cookies eh diba."

"Apir!!!!!!!"

"Apir!"

HAHAHAHA. Nakakatuwa rin pala kasama 'to.

"Grabe 7 pm na tulog parin si Kuya?"

Hmmm...

....

...

-ting!- +_________+

"Ako na bahala gumising sakaniya. Sige dyan ka muna sa baba."

"Sige Ate! Room nya yung asa right."

Binuksan ko dahan dahan yung pintuan. 

Brrr sobrang lamig. Pero nagulat ako kasi ang laki ng kwarto niya. May sofa pa nga eh.

Tapos yung mga damit, kalat kalat sa sahig. Pulupot mga wires ng XBOX pati Playstation. May pinagkainan pa ng popcorn na hindi pa natatapon. Boys will always be boys nga naman. Hayy nako! Mukang hindi nya pinapagalaw 'tong kwarto nya dun sa yaya nila.

Mr. Playboy meets Ms. Playgirl || Destiny's the name, and LOVE is my gameDonde viven las historias. Descúbrelo ahora