Chapter 20

170 4 0
                                    

A/N: Sabaw chapter. Sorrryy! Babawi ako sa next. PWAMITH HAHAHHAAH

[Destiny]

"Oh.. Justin.."

"Oo na, alam kong hindi ako ineexpect mo. Ba't ba kasi andito ka pa? Kanina ka pa ba dito? Ang lamig lamig dito tapos mag isa ka lang?"

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Hindi parin nag babago si Justin. Masyado parin mapag alala sakin.

"Sabi kasi ni Kiel intayin ko daw siya eh. Umalis lang siya saglit."

"Saglit? Ilang oras ka na nag hihintay? Hanggang anong oras ka pa niya balak pag intayin dito?"

"Ewan ko dun sa kumag na yun."

"Hahahaha! Tara na nga. I'll give you a ride."

"Hmm.."

"Ritzel.. Do you have any idea anong oras na? Don't your parents worry about you?"

"Wala sila sa Pinas remember?"

"Ay onga pala. Fine! Pero-"

"Oo na. Where's your car? Ayoko makatanggap ng sermon ngayon Justin. Thanks for the care. But I'm dead beat, pagod na pagod ako ngayon. Let's go?"

Tinitigan niya lang ako ng ilang seconds then..

"Okay."

--

"Alam mo ang problema, hindi sinasarili. Kaya nga may kaibigan eh." sabi ni Justin.

Andito na kami sa may gate ng bahay ko. Nakakahiya kela Manang baka tulog na yun.

"Bakit? Kaibigan ba kita?"

"Ouch! Sakit nun ah! Ibalik kaya kita sa school ule?"

"HAHAAH! Joke lang! Bwiset na to."

Hayy.. I can't believe that the guy who made me almost kill myself and made me like this years ago.. Is right in front of me. And the weird thing is, hindi ako affected sa presence niya. Ni wala nga ako nararamdaman ngayong mag katabi kami. 

Eh dati patay na patay ako mag katabi palang kami kahit ganitong kalayo.

"Kung hindi mo pansin, sasabihin ko na ha, Ritzel? Muka kang tanga dahil nangiti ka mag isa jan."

"Heh! Bababa na nga ako!!!"

"Hahaha no, no! Joke lang."

"Seriously, Justin!! Aabutin ako ng anong oras dito sa kotse mo. Bababa na ko ha?"

"Sige. Wait." Balak niya rin ata bumaba at ihatid ako sa doorstep.

"Wag mo na ko ihatid sa may door."

"Bak-"

"Look, Justin. Thank you. Thank you sa pag aalaga sakin hanggang ngayon. You've never changed at all. Ikaw parin yung mahilig-mag-alala na Justin. Pero people change. Alam mo yun? I've grown to be independent. Hindi na ko sanay ng umaasa sa ibang tao. I'll take it from here. But still, thank you." then I gave him a peck on the cheek.

Mukang nalungkot siya sa sinabi ko dahil alam niyang mostly, siya yung dahilan ng pag babago ko.

"Sige. I understand. Good for you. Good night, Destiny."

--

I can't sleep at all. Ba't kung kelan gabi na at gusto mo nang matulog, dun ka pa maraming naiisip? My brain just won't shut the fuck up.

Bigla kong naalala si Kiel. Ano kaya nangyari sakaniya? Bigla nalang siyang nangiwan ng ganun sa ere.

Alam ko namang mang yayari 'to, yung iiwan ako ni Kiel sa ere. Pero 'di ko inaasahang maapektuhan ako. Ganito ba talaga nangyari sakin kapag malapit ako sakaniya? Nawawala pagka-manhid ko?

Alam ko nag tataka kayo bakit big deal na sakin yun.

Hindi naman kasi biro yung nangyari sakin dati. Ang hirap ibigay yung tiwala mo sa isang tao, tapos iiwan ka lang. Ang hirap kasi nung lahat nawala, siya lang natira. Eh ngayong wala na siya? San ka na tatakbo? Kaya eto, natuto na akong hindi umasa sa iba.

Parents ko naman laging wala sa tabi ko. Alam ko, sanay na 'ko dun. Natuto ako lumaki mag isa, kahit kumpleto ako sa mga katulong, driver, allowance, etc. Pero ang point ko, kung kelan kailangang kailangan ko ng magulang, dun sila wala. Eh sino pa bang lalapitan ko? Edi wala. Sarili ko lang.

Sobrang suicidal ko na tao nun. Dumating ako sa point na gusto ko na mag pakamatay. Dahil lahat ng aspeto ng buhay ko mali. Putangina. Mapa-kaibigan, magulang, shota, lahat na nag kanda leche leche. Sinong hindi mapapagod dun?

Pero naisip ko, kung mag papakamatay lang ako, parang binigay ko lang sakanila gusto nilang mangyari. Kaya lumaban ako. Pinilit kong kalabanin yung demonyo kong sarili na lagi nalang binubulong sakin na mag pakamatay na 'ko.

Natuto ako maging player, na hanggang ngayon dala ko parin sa ugali ko. Hindi dahil gusto ko manakit ng iba, kundi dahil andami kong natutunan dun. 

Natutunan ko na lahat ng bagay temporary. Yung iba nga lang, mas matagal mag tapos. 

Natuto ako maging manhid. Mas mabuti ng ganun, para iwas sakit. Nakakapagod ng umiyak paulit ulit.

Nalaman ko kung anong halaga ko. Self-worth, self-appreciation. Putangina, ako si Ritzel Destiny Montevilla. Hindi ako iiyak sa lalaki. Lalaki lang yan, malayo yan sa bituka. Hindi ko dapat ikamatay yan. Hindi dapat ako maging apektado dyan.

Easy come, easy go. Ganun lang naman yun eh. Pag nawala na, edi palitan. Kung kaya ng mga lalake, edi din naming mga babae.

At higit sa lahat..

Unang ma-attach talo. Unang mag seryoso talo. Syempre, mahirap maka-move on pag nag seryoso ka na, kaya iwas ka dapat dun. Dapat go with the flow ka lang. Wag mo ipakitang mahina ka, wag mo ipakitang apektado ka, na nasasaktan ka. Ika nga nila, LOVE LIKE A MAN. Ganun lang naman yun. Nasasayo kung maapektuhan ka o ano.

Siguro nalimutan ko lang mga yan, kaya nagiging ganito ako ngayon.

Shiyeeeet! Player ako eh. Bukas na bukas hahanap ako ng chix para hindi si Kiel nasa isip ko. Hindi ko siya tatanungin ano nangyari. Bahala siya kung gusto niya sabihen, edi text niya ko o ano.

Damn. This day was so.. Exhausting.

Simula nung sayaw, hanggang sa kasama ko si Kiel, tapos nag intay ako sa labas ng ilang oras, ni wala nasagot sa phone niya, sa pagkagulo ng feelings ko kay Justin na nag tataka ako bakit nawala na, sa past ko, midnight thoughts.

*bzzzt*

Fr: Kiel

Let's talk. Tomorrow. 

Napaka bossy talaga!!! Hanggang text ba naman. PEde namang tanungin muna ako kung gusto kong makipag usap.

Hay bahala siya. Tinatamad ako mag type. Antok na rin ako. Ano sya, chix?  Mag tetext ng ganitong oras, sus istorbo. 

Fr: Kiel

Alam kong gising ka pa. I know you very well, Ritzel Destiny. Now, will you reply?

Napatingen tuloy ako sa kwarto ko. Nakasarado naman bintana, off yung ilaw, naka offline ako sa facebook, hmm. Hindi naman halatang gising pa 'ko. Natakot ako baka mamaya nakatayo na pala siya sa may window ko. Pfft joke lang. Pero kasi, pano niya alam?

Fr: Kiel

Kung gusto mo makipag laro ng pataasan ng pride, then very well. But WE will talk. TOMORROW. Have a good night ignoring me.

Bwiset na 'to. Matapos akong iwan na ganun!!! Sos, barbque sauce. Bahala siya kung mahahanap niya san ako mag pupunta bukas.

Makatulog narin.

May chick-hunting pa ko bukas eh. 

Mehehehehe (--.)

Mr. Playboy meets Ms. Playgirl || Destiny's the name, and LOVE is my gameWhere stories live. Discover now