Chapter 22

233 6 4
                                    

[Destiny]

Since March na, puro completion at practice nalang sa graduation ginagawa namin.

"For Music, I'll divide the whole class into pairs" sabi ni Sir, "and we'll do that by having drawlots. Girl and boy syempre. One of you must play the instrument, and the other sings. Own composition and video recorded." he continued.

Umangal buong klase. Bwisit naman kasi, sa dinami dami pa bakit drawlots pa? Ba't hindi nalang choose your own partner? Pano pa kapag wala saming dalawa nag pplay ng instrument? Napaka-unfair naman ng requirement neto.

"Sir", tanong ng classmate ko, "pano po kapag walang marunong tumugtog sa pair na yon?"

"I don't think that's my problem anymore. Gawan niyo ng diskarte. Let's have you guys paired already, shall we?"

Napa-irap tuloy ako. Naalala ko bigla si Kiel. Pano pag naging partner ko yun? Baka patayin ako ng sama ng tingin non dahil hindi ko siya pinapansin simula pa last week.

Nag simula na tumawag ng random names si Sir ng babae at lalake. Zz inaantok ako. Tinapos ko pa kasi basahin TFIOS kagabi. Umaga narin ako halos natapos.

Zzz..

Zzz..

"Next. Hmm, let's see. Ritzel Montevilla and Kiel Takumi."

Napa-angat bigla ulo ko dahil nawala antok ko sa narinig ko.

Dahil nasa tapat ko lang halos si Amber, napalingon siya saken. Nag shrug nalang ako. May magagawa pa ba ko?

Nakakabadtrip naman kasi. Sa dinami dami ng lalake sa classroom na 'to, bakit siya pa?! Talaga bang trip na trip ako ng tadhana na 'to na kahit kapangalan ko sya eh pinag titripan parin ako? Hey neke kekeleke.

"That's all. Good bye class."

Tumayo na kaming lahat. Pero bago siya umalis, may sinabi pa siya.

"And oh, before I forget, you can pass at any time you like. Pedeng ngayong lunch umuwi na kayo at mag record, tapos ipasa niyo sakin this afternoon. The deadline? 'Di ko ia-announce. It may be tomorrow, or the day after tomorrow or next week.. Who knows? It'll be a surprise. Kaya sa mga walang alam na instrument dyan, alam niyo na gagawin ninyo."

TALAGA NGA NAMAN OH!!!!!!! Pano na kame niyan?!

Mag c-cr sana muna ako saglit pero lumapit sakin si Kiel.

"Gawin na natin requirement natin this day. My place or yours? You decide. Text me at 6."

"Ah sige." lang nasagot ko kasi bakit ganun.. Parang napaka-formal niya makipag usap sakin. Parang isa lang ako sa mga kaibigan niya na nakaksalubong niya sa hallway tapos makikipag usap ng isa, dalawang minuto. Tapos mag papaalam na uli. Tapos wala na. Di mo na alam kelan na uli kayo mag uusap.

"Nyare dun?" Tanong ni Amber. Tinitigan ko lang siya ng mga dalawang segundo. Ano ba naman kasing tanong yan?

"Siguro alam ko kaya ganun lang sagot ko sakaniya, no?"

"Layuan mo nga yang si Kiel!!! Nahahawa ka na sa kasupladuhan niya eh!"

"Gaga!!"

Natawa nalang ako sa sinabi niya kahit parang ang bigat ng pakiramdam ko sa mangyayari mamaya.

--

6 pm na. Sakto kakauwi ko lang. Tinext ko agad si Kiel. Sabi ko dito nalang kako sa bahay ko. Tinatamad ako umalis eh. Parang tamad na tamad talaga ako ngayon. 'Di pa nga ako nakakabihis ng pambahay, tapos nakadapa lang ako sa sofa.

Ewan ko ba. Gusto ko nalang tapusin to tapos matulog na at umabsent bukas.

Biro lang yung last. HAHAHAHAHA.

Mr. Playboy meets Ms. Playgirl || Destiny's the name, and LOVE is my gameWhere stories live. Discover now