Chapter 24

67.5K 1.6K 206
                                    

Chapter 24

The past few days have been very exhausting. Aside from coping up from my classes, I went out of my way avoiding all of my friends.... Again. Parang katulad ng pag iwas ko nung nagsimula ang semester na ito. Actually, Hindi ko naman sila gustong iwasan dahil isang tao lang naman ang ayaw kong makita, and they are all connected to him.

Si Chloe at Zia, pilit ng pilit sa akin na kausapin ko si Charles. Pero hindi ko talaga kayang harapin o kahit man lang kausapin sa cellphone. He has been so persistent. He never stopped calling me, kahit na hindi ko sinasagot, until I got so irritated na tinapon ko sa lake ang cellphone ko. Ilang araw na din akong walang phone at walang nakaka contact sa akin. Ilang araw na din akong hindi tumutungtong sa cafeteria dahil ayokong makaharap, hindi lang si Charles, pati na din ang napakagaling kong pinsan. I always eat at the coffee shop. Napupurga na ako sa kape at pastries, baka pagkatapos ng semester na to may diabetes na ako!

After my last class, i always went straight to the library. Doon ako lately nagpapalipas ng oras hanggang abutan ako ng curfew. The library have private cubicles so that the occupant will not be disturbed. Kahit nakakasoffocate ay tinitiis kong magstay dito hanggang mag-curfew. At least nakakapag concentrate ako sa pag aaral at the same time, nakakaiwas ako sa mga tao.

I was typing my theses at my computer when I was distracted by someone tapping at the wall of the next cubicle. huminto naman ito after a few taps. Babalik na sana ako sa ginagawa ko pero inulit na naman ang pambubulabog ng taong nasa kabilang cubicle. hinampas ko ang wall, hoping na tumigil ito. tumigil naman, pero sandali lang ay umiral na naman! Dahil maikli ang pasensya ko ngayon ay pumunta ako sa kabila para komprontahin kung sino man ang walang pakialam sa ibang tao.

"Hoy, kung sino ka mang magaling ka, hindi nakakatuwa ang ginagawa mo. " i said while tapping the door. "Kung gusto mong gawing drums ang wall, wag ka dito sa library at nakakaistorbo ka sa gustong mag-aral!"

Bumukas ang pinto. "Masungit ka pala."

"Red?"

Pero sa halip na sagutin ako ay tinalikuran na ako.

Pumasok akonsa cubicle, pinagsiksikan ko ang sarili ko sa napakasikip na lugar.

"Akala ko ba ayaw mo ng maingay? e ikaw pala ang istorbo dito."

Madaming libro ang nakapatong sa lamesa at lahat ito nakabukas.

"Wow ang dami mo namang inaaral. Naiintindihan mo ba lahat yan?"

She shrugged, nabukas sya ng notebook at nagsimulang magsulat. " Alis na, hindi mo ba nakikita na nag-aaral ako?"

"What's with all the tapping? Nag-co-concentrate ka pala. Di mo ba alam na nakakaistorbo ka? "

"Sorry naman.. Tao lang... Hindi naman kasi kasing henyong katulad ninyo na sa isang iglap ay naiintindihan na lahat ng binabasa... " she said sarcastically but unexpectedly, she explained herself. "Kapag may hindi ako maintindihan, nakakatulong ang tunog ng ballpen sa dingding. E saksakan naman pala kasi ng hirap dito sa eskwelahan na ito. May naturingan na magtuturo sa akin, tutor daw, wala namang ibang ginawa kundi magbigay ng babasahin. Bahala daw akong umintindi at lalayasan na ako! Kung hindi lang talaga...... Nakuuuuu!"

"Masanay ka na. Ganyan talaga dito." Umupo ako sa lamesa at tinignan ko ang mga libro nya. I already took up almost all the subjects during my freshman year.

" sige na alis na, kailangan ko pang intindihin ang lahat ng ito Istorbo ka e!."

Aba! Ako pa istorbo ngayon?! E sya nga yung nanggulo sa akin kanina!

Hindi ko sya pinansin.

"Alam mo kasi ganito yan...."

Inexplain ko sa kanya yung nilalaman ng libro na currently binabasa nya... At himalang nakinig sya... All ears pa!

"FIRST BASE" : FALCON UNIVERSITY Season 2  COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon