Chapter 25 (Part 2)

848K 10.3K 1K
                                    

 

Copyright © ScribblerMia, 2012

"Hoy! Are you okay? Lutang ka ah!" Untag sa akin ni Philip.

"Sister, kill me now." Niyugyog ko pa siya.

"What the pak. Are you dead serious? What are you saying?" Nahintakutang hayag nito. "Are you on drugs?" Nanlalaki pa ang matang bulalas nito.

"Hay. I'd rather take drugs than to be with that freak." I sighed heavily at humalumbaba sa desk. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon. Sina Kaye at Cess kasi ay busy. May mga group meetings and all.

"What's the matter, water?"

"Well, ano kasi...Uhm.” Napahinto ako. Will I tell him? Saglit akong nag-isip bago nagpasyang sabihin na sa kanya ang lahat. What are best friends for?

Nagsimula na akong ikwento sa kanya ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw. Simula no'ng tumira ako kina KJ, sa mga nakakabanas niyang frat members, at sa pagkikita namin ng first love ko. Well, maliban lang sa part na "aksidente" kaming nagkiss ni KJ. "Aksidente" kasi hindi namin sinasadya. Nabigla lang. Kasi wala kami sa katinuan noong time na iyon eh. 

Nang matapos akong magkwento, nakanganga lang si Philip.

From a shocked face, he suddenly smiled widely. "Kabog! Bet ko ang love story! Pwedeng sumama sa bahay ni KJ?" Kinikilig na hayag ni Philip. His eyes were twinkling.

"Ikaw na lang ang sumama sa kanya sa bahay. Gusto mo?"

"Gladly! Lezgow sagow. Hindi ko uurungan iyan. Basta ba hotness fafabells ang kasama ko. Hindi ako tatanggi sa grasya, sistah." Malanding hayag nito.

I rolled my eyes. Wala kang makukuhang matinong advice sa bading na ito. Puros kalandian lang ang alam nito, eh. Paano ko ba naging best friend ito? Kahit ako, I asked myself a hundred times already.

"Hi." Biglang bati ng isang lalaki sa amin.

Sabay naman kaming napatingin sa estranghero.

"Pwedeng makishare? All seats are occupied na kasi," he said with a smile, showing that perfect white teeth.

Tumingin naman ako sa paligid. Oo nga, puno na ang cafeteria. Wala nang mauupuan ang lalaking ito. 

"Owem. Neiji? Neiji of CW?!" Tanong ni Philip habang namimilog ang mga mata. 

Napatawa naman ito. "Yes." 

"Oh my Lord! Sure, sure, sure! Omaygad! Sure." Tarantang sabi ni Philip. "Sister, move your things. Dali. Ang noteboook mo, please? Pakitanggal, please?" Pinandilatan pa ako ng baklang ito.

"Sandali lang, please?" Pinandilatan ko rin siya. 

Tinangggal  namin ang mga gamit na nasa lamesa.

Umupo ang tinawag ni Philip na Neiji sa tabi ko at nagsimulang kumain.

"You guys are familiar," he said while munching his fries.

Si Philip naman ay nakahalumbaba habang nakatitig sa lalaking katabi ko.

"Oh yeah?" I said sarcastically sabay inom ng Coke. Ewan ko ba. Inis ako sa kulto ni KJ. Oo, kulto talaga. Kulto ang tawag ko sa mga kutonglupa na ito.

He laughed. "Hey, chill. Just sayin'." Saglit itong tila nag-isip habang nakatitig sa akin. Maya-maya ay napapitik sa hangin. "You're Supremo's girl, right?" He asked, amused. 

I rolled my eyes. "I'm not his girl! And please, don't label me as anyone's girl because I have a name, for Christ's sake." Calling me "his girl" or "someone's girl" for that matter pisses me off. Can't they just say my name instead of calling me "his girl" like I'm someone's property? 

"Sorry. Hindi ko kasi alam ang pangalan mo," he said apologetically.

"Sister, OA ka naman. 'Wag mong ganyanin si Papa Neiji." Hinampas pa ako ng baklang ito sa braso.

"Sino ba ang best friend mo ha?" I hissed.

"Ikaw. Pero siya ang love ko," sabay turo kay Neiji at nagpacute.

That guy Neiji just laughed.  Actually, familiar naman talaga sa akin ang lalaking ito. Siya iyong tsinitong OA na kung makakindat. Ito rin iyong guy na tumawag sa akin ng "Babe" pero binara ko. Bastos ang bunganga, eh.

"Okay, let me introduce myself. Hello! I'm Neiji." He smiled and extended his hand. 

Inirapan ko lang siya.  I ignored his hand. Uminom ulit ako ng Coke.

"I'm Philip, but you may call me Honey," Philip took Neiji's hand instead. 

"Nice to meet you, Philip. And how about you, Miss?" 

 Ayan na naman siya. Ang kulit talaga. Hinarap ko ito nang nakasimangot. "Mister, haven’t you heard that it's unseemly when a man extend his hand and worse, shake the woman's hand? It is regarded as impolite and impetuous. Remember this, Neiji. A man should always wait for the woman to extend her hand first. If she does not, you shouldn’t just grab her hand. After all, a woman is not obligated to shake hands, you know. It is actually at her judgment if she chooses to do so. Is that clear?" Dire-diretso kong sabi.

Halata namang nagulat sina Neiji at Philip.

Akala yata nitong lalaking ito madadaan niya ako sa pacute gaya ng ibang babae dito na kasalukuyan ngayong nakatingin sa amin. Ang iba ay namangha. Habang ang iba ay binigyan ako ng matalim na tingin. At siyempre, ang iba ay walang pakialam at patuloy lang sa pagkain. Buti pa sila.  

"O-okay. S-sorry," parang napahiyang sabi nito.

"Sister, 'wag kang mean," bulong naman sa akin ni Philip.

"Eh, ano ba? Duh. Hayaan mo siya." I raised my brow.

Hindi na rin naman umimik si Neiji.

Pero dahil to the rescue ang bading na si Philip. Kinausap niya si Neiji. Silang dalawa na lang ang nag-uusap.

I opened my book and started to read. Hindi ko rin naman balak makisawsaw sa usapan nila.

Maya-maya rin lang ay tumayo na si Neiji.

"Sige ha? I'll go ahead." He still managed to smile at me and waved goodbye. "See you around, guys."

"See you, Fafa Neji." Uber makakaway naman ang baklang ito. Daig pa ang taong nasa airport na kinakawayan ang kamag-anak na pupunta sa ibang bansa.

“Arte,” I snorted.

"Hoy." Ako naman ang hinarap nito. "What was that for? Ang bait kaya ni Fafa Neiji. Tapos binara mo. Ang mean mo, sister. Kaya wala kang bf, eh."

"Paano nasingit ang bf? At saka, I don't care. Para mo na ring sinabi na maghanap ako ng tali na ibibigti sa sarili ko," sagot ko habang nakatingin pa rin sa libro.

“Tse! Iba pa rin pag may boylet.”

“Eh, ayoko nga, eh? At ayokong maghanap.” I gritted my teeth.

"At saka bakit ka pa nga naman maghahanap? Eh, nandito naman ako?" A familiar voice answered.

Seriously, may lahi ba siyang kabute?

The Boy Next Door (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora