Chapter 70

685K 9.2K 3.7K
                                    

 Copyright © ScribblerMia, 2012

Nagising akong maganda ang pakiramdam.

Nag-inat muna ako bago bumangon.

This was actually a good Saturday morning for me. A few more days and it’s Christmas. I was really excited.

Kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa bedside table at binasa ang mga mensahe. Wala namang ibang nag-text maliban kay KJ.

From The Almighty KJ

10. No late.

 

Maka-utos naman ito akala mo kung sino. Gaano ba kahirap mag-type? Gaano ba kahirap ayusin ang tone para naman hindi magmukhang masyadong demanding ang text niya?

Napailing na lang ako bago napangiti. Oo nga pala. May date kami today sa Festival Mall sa Alabang. Oha. Improving kami. Lumalayo na kami. Hindi na kami stuck sa Sampaloc Lake at SM San Pablo. Nasa next level na kami dahil umabot na kami sa NCR. Hindi kami na-stuck sa Region IV-A. Nakakaiyak!

Maaga pa naman. Alas-siyete pa lang kaya hindi naman siguro ako male-late at imposible namang ma-late ako. At ‘wag siyang mag-iinarte dahil magkatabi lang ang bahay namin. Wala pang sampung segundo ay nasa labas na ako ng gate no’n.

Pero dahil nga excited ako ay naligo na ako. Kailangan ko pang mag-dress rehearsal. Nakakahiya naman kung ang gwapo-gwapo ng boyps ko tapos ako chaka. Hindi naman yata makatarungan iyon.

Ngumiti ako bago pumasok sa banyo. Napatigil ako sa paghakbang.

Hindi ko alam pero..mabilis itong napawi. Hindi ko maiwasan ang kabahan.

Sana walang mangyaring masama ngayon. Sana maging maayos ang date namin.

Napailing ako. Medyo praning na ako.

Ngumiti ulit ako bago kinuha ang towel.

--

“You’re ten minutes late,” KJ said seriously after I closed the gate.

Daha-dahan akong tumingin sa kanya at ngumisi. “Sorry.” I gave him a peace sign. “You know, it’s a girl thing.”

Tumaas ang isang kilay niya bago naglakad papunta sa front seat at binuksan ang pintuan nito.

It was my turn to raise my brow.

Kiniling niya ang ulo para imwestra na pumasok ako sa loob ng sasakyan.

Mas lalong tumaas ang kilay ko. Seryoso ba siya?

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon