Chapter 13 Part 1

927K 12.4K 2.7K
                                    

 

 

Copyright © ScribblerMia, 2012

 

 

Kasama ko si yabang ngayon. Nakasakay kami sa kotse niya. Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Seriously? Kasama niya sina Zach. Siya na kaya ang tinutukoy na bagong member?

Imposible.

Parang hindi bagay.

Hindi naman sa hindi bagay. Pero kasi, parang wala naman sa personality niya ang magpauto sa mga frat frat na iyan 'di ba? Sinong nasa tamang pag-iisip ang papayag na magpapalo at magpabugbog sa initiation 'di ba? Brotherhood ba ang tawag doon? I guess not. Katangahan ang tawag doon. Eh anong brotherhood kung puros away lang ang mapapala mo at sakit sa katawan? Anong klaseng samahan iyon? Samahan ng mga luko-luko!

Frat? Ito ang grupong mga mapagkunwari.

Chos. Ang lalim? Ang dami kong random thoughts. Pero kasi, hindi ako matahimik.

Pasulyap-sulyap lang ako sa kanya habang siya ay diretso ang tingin sa daan. Ano kayang iniisip ni yabang? Tatanungin ko ba siya about sa nakita ko kanina?

I held my bag tightly. Kinakabahan ako. Baka sigawan ako nito o ihulog sa kotse niya.

Pero hindi eh. I am sure na siya ang nakita ko kanina. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi naman ako duleng or banlag eh. Dahil diyan...

"A-ano.." Medyo nangangatal na sabi ko habang nakatingin sa bintana.

"What?" Iritadong tanong niya.

Okay. Chill, dude.

"Uhm. A-ano kasi.. K-kasi.."

"Ano ba iyon?" Medyo mataas na ang tono na sabi niya.

"Wala! Leche! Ang sungit mo!" I shot back. Siya lang may karapatan sumigaw? Init ng ulo nito ah. Kanina pa ito. Sapakin ko na ito eh.

"Kung wala kang sasabihin, shut the fuck up." Malamig na sabi nito.

"Fine! Sino bang magtyatyagang kausapin ang tulad mo na uber sa sungit?" I crossed my arm. Inirapan ko siya. Aba! Ang sungit eh. Meron ba siya? Hindi ko na tuloy masabi-sabi sa kanya ang itatanong ko. Rita Avila ang mokong na ito! 

Inabala ko na lang ang sarili ko sa panonood ng tanawin sa labas.

 --

 Limang minuto rin kaming walang imikan nang biglang...

"Is he your boyfriend?" Mahinang sabi nito.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon