The Boy Next Door (Completed)

Dedicated to
hilarious10
spinner.gif

 

 Copyright © ScribblerMia, 2012

 

 Stars filled the sky. A soft, gentle wind was touching my skin. It's dark yet peaceful.

 

Nakaupo lang kami ni KJ sa may bench malapit sa monumento ni Rizal. Nandito kami ngayon sa plaza at agpapahangin. We just sat there in silence. 

Nagmamasid lang kami sa mga dumadaan at paminsan-minsan ay nakikinig sa usapan ni Manong na nagtitinda ng balot at isa pang manong na nagtitinda ng penoy at itlog ng pugo. Kesyo malakas daw ang benta ng balot paggabi, lalo na at may maanghang na suka. Tapos may Manong daw na lasing na bumili sa kanya, muntik na siyang bugbugin, buti raw at nakatakbo siya. 

Paminsan-minsan ay sabay kaming napapangiti ni KJ sa usapan ng dalawang matanda. 

Hindi ko talaga alam kung bakit sumama itong si yabang. Bigla na lang kasing sumusulpot, e. Parang kabute talaga.

Sinulyapan ko siya.

Nakapikit lang siya habang nakasandal ang ulo sa headboard ng bench. Nakadekwatro pa ito at nakahalukipkip.

He looked like an angel. Sana forever na lang siyang nakapikit.

I grinned. Ang perpekto naman ng mukha nito kahit laging gulo-gulo ang buhok niya. Tulog na kaya ito?

"Stop staring," he suddenly said.

 Nagitla ako. "I'm not," mabilis kong tanggi sabay iwas ng tingin.

"Yes, you are." Nagmulat ito at ngumiti ng nakakaloko.

 I avoided his gaze. "Did you see me staring at you? Your eyes were closed. So, stop accusing me." Inirapan ko ito. Ano siya? May superpowers?  

"I just know.” He chuckled. “Masyado kasi akong gwapo. Sanay na akong titigan lagi ng mga babae." 

Bastusan ba ito? Naglolokohan lang yata kami dito, e. 

"Alam mo, hindi ka rin hambog," I said sarcastically.

"Hindi talaga. Gwapo lang ako," mayabang na sabi nito sabay lagay ng kamay na nakapang-pogi sign sa mukha niya.

“Gross.” Napangiwi ako. Did he just do that pose? “Tara na nga." Tumayo na ako at nag-inat. 30 minuto din kasi kaming nakaupo sa bench.

Tumayo na rin ito.

Nauna na akong naglakad nang biglang...hinawakan na naman nito ang kanang kamay ko.

"H-hoy. OA ka na! Makahawak ka, ah!" Nagpumiglas ako pero hindi niya talaga binibitiwan ang kamay ko.

Sumama ang tingin nito. "Masama ba, Oleya Astrid? Kamay lang ang hinahawakan ko, 'wag kang OA diyan.” He paused and grinned. “Parang pangalan mo lang na kakaiba, OA ang pagkakaisip doon."

Sabay kaming natigilan at nagtitigan. 

"What the hell!" Sabay naming sigaw. Ang pinagkaiba lang, inis ako nang sinabi ko iyon tapos siya ay tawang-tawa noong binigkas iyon.

"Oleya Astrid, OA. Tama!" He snapped his fingers. "Bakit ba hindi ko pa naisip iyon dati pa?" Sabay hagalpak niya ng tawa. 

Namula ako bigla. "Die, KJ!" I shouted. Wala akong pake kahit nakatingin sina Manong Balot at Manong Penoy sa amin.

 Ano’ng OA ang pinagsasasabi niya?! That's my effin' name we’re talking about here! Ayoko nang ginagago ang pangalan ko. 

"Hoy! Putek! Tumigil ka kakatawa diyan! Nakakapikon ka na!" Bumitaw ako sa pagkakahawak ng kamay niya sabay suntok sa braso niya.

 Tawa pa rin ito ng tawa. 

 "Hoy! Stop laughing!" Muli ko itong sinuntok at ngayon ay tumama naman sa tiyan niya. 

Hinawakan nito ang tiyan habang patuloy lang sa pagtawa. Medyo napayuko pa ito dala nang matinding kasiyahan.

“Bahala ka!” I started to walk to leave him there. 

"Hey, OA. Wag mo naman iwanan si KJ," pahabol na sigaw nito.

Anak ng fufu talaga oh. Pwedeng pumatay? Sige na. Isang tao lang. Si KJ lang. Please?

 

 

Comments & Reviews (264)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter 17 (Part 1)

Cast

Song Hye Kyo as Oleya Astrid Fuentes
Song Seung Hunas Karl Jonathan Dominguez

Who's Reading

Recommended