Chapter 56

694K 8K 4.7K
                                    

Mia’s Message: Hindi ko maalala ang mga nagpapabati. Saka sorry na, makakalimutin ako. Sa dedic list, e, hindi na ako tumatanggap kasi malapit nang matapos ang TBND, e. Ilang chapters na lang. Kaya greetings na lang sa Author’s Note, okay lang ba? Happy reading! :D

--

Copyright © ScribblerMia, 2012

“Stop!” Halos mapatid ang litid ko sa pagsigaw.

Hindi na ako nag-isip nang bigla akong lumabas sa kinatatayuan ko at tumayo ng tuwid habang kuyom ang mga kamao. Matalim ang tinging pinukol ko kay KJ. 

Batid ko ang pagkagulat nilang lahat sa biglang pagsulpot ko at pagsigaw.

Iginala ko ang paningin ko sa kanilang lahat. Sila ang literal na nganga talaga.

Alam kong hindi nila ako inaasahang makita sa lugar na ito. Paano nga ba naman maliligaw ang isang CommArts student sa Forestry? Unless may subject akong NASC10, pero wala naman.

“A-astrid.” Gulat na gulat na sabi ni Neiji.

“W-what are you doing here?” Rojan asked.

I ignored them and looked at KJ.

Like others, he wasn’t able to hide the shock on his face. He was about to utter something when I hurriedly ran towards Mike.

Nakabulagta si Mike lupa. Lumuhod ako at dahan-dahan kong inilagay ang ulo niya sa lap ko. Halos hindi niya maimulat ang kaliwang mata. Nagiging violet na rin ang ilang pasa sa mukha niya. May ilang gasgas sa noo niya habang may dugong umaagos sa labi niya.

Hindi ko napigilan ang sarili kong maiyak sa itsura niya. He looked so weak.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at nanginginig na pinunasan ang kanyang mukha.

“A-astrid, w-why are you h-here?” Mike muttered. Hinang-hina ito at napapangiwi. “You s-shouldn’t be h-here.”

“Shut up!” I yelled. Patuloy pa rin ako sa pagpunas sa mukha niya habang patuloy rin ang pagtulo ng mga luha ko. Awang-awa ako kay Mike. Halos hindi ko siya makilala sa tindi ng pasa at sugat sa mukha niya. KJ’s punch was hard. He almost broke Mike’s face.

“What are you doing, Mike? What stupidity is this?” Naiiyak na tanong ko.

“I-I…”

“Astrid.” KJ cut Mike’s word.

I ignored him. Patuloy pa rin ako sa pagpunas sa mukha ni Mike.

“Astrid.” He repeated.

“Don’t talk to me.” I said coldly.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon