Chapter 12

974K 11.4K 2.8K
                                    

 

Copyright © ScribblerMia, 2012

"Baklush,” sigaw ni Philip mula sa Humanities Building.

I grinned. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyapos siya ng mahigpit.

"Ewwww. Bakla, don't hug me. We look like magjowabells here and that is so yucky,” nakangiwing sabi ni Philip.

Sobrang namiss ko ang baklang ito. Almost two months din kaming hindi nagkita. Lalong pumogi ang loko. Sayang. Kung hindi lang ito bakla, pinatos ko na ito, e. 

"Saan ang beauty mo last week? Bakit wit ka pumasok?" I asked him, raising my brow.

"Nagbeauty rest ang lolabelles." He smiled at me. 

Gwapo naman talaga ang best friend ko. Matangkad, maputi, at matangos ang ilong. Idagdag pa na Math Genius. Bet na bet ko talaga siya maging jowabelles. Kaso nga, parehas fafabelles ang type naming, e.

"Halata nga. Ang gwapo mo, e. Pakiss," sabay ngumuso ako palapit sa kanya.

"Yuck!” Nandidiring tinulak nito ang nguso ko. “Baliwag! Kung ayaw mo ma-boogie wonderland, bakla, tumigil ka! Rita Avila ka!"

"Arte mo! Bakla ka! Saan ang class mo?" Humawak ako sa kamay niya.

“Sa Hum. Witchikells ko talaga betchiwariwariwaps ang lokbu na building niyo,” maarteng sabi nito habang pumilantik ang isang kamay.

"Tse! Palibhasa bago ang building niyo. Sabay tayo lunch mamaya?" Pinapungay ko pa ang mga mata ko. 

"Keri. What time ang vacant mo?"

"Mamayang--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi may biglang humigit sa kamay ko.

"She can't. We have to go to the library. We have tons of work to do, right, Astrid?" Seryoso ang mukha na sabi ni yabang.

Ano’ng ginagawa nito dito? Bakit lagi na lang itong sumusulpot sa eksena? 

"Ay, ganoon ba?" Biglang nagpacute ang bakla kong best friend. He smiled widely. 

"Yes. She will go with me. If you'll excuse us," he said seriously.

Bago pa makasagot si Philip ay dali-dali na akong hinila ni yabang. Mukha tuloy kaming HHWR dito. Holding hands while running ang peg?

Ang init naman ng kamay nito. At ang lambot. In fairness, halatang kutis mayaman.

Pero sandal nga, bakit ba ako hinihila nito? At bakit may paghawak pa sa kamay? Saka sandal lang ulit, bakit parang nagagalit siya? Ano na naman ba’ng ginawa ko?

"Hey!" Hinihila ko ang kamay ko sa kanya. Ang higpit naman kumapit nito. "Ano ba? Bakit mo ba ako hinihila?"

"We still have class," seryosong sagot nito.

"I know! Pero hindi mo na ako kailangang hilahin. I know which way to go." Classmate ko rin nga pala siya sa HUM2.

Bigla siyang bumitaw sa kamay ko at humarap.

He gave me a cold stare. "Alam mo naman pala, bakit ka pa nakikipaglandian kanina? Oras pa ng klase." Nakapameywang na sabi niya.

"What?! What are you talking about? Sino’ng nakikipaglandian ha?" Naguguluhang tanong ko. 

"You don't have to act cute and all that. Be careful with your actions. NapakaPDA naman ng ginawa niyo. Nagyapos sa harap ng maraming tao?” He paused. “Hindi pala. Niyapos mo siya in front of the crowd."

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon