Chapter 7.

19.6K 137 9
                                    

"I love you, Jane.."

Parang nabasag puso ko sa narinig ko. Daniel, ang sakit na. Ang tagal kong hinintay yang mga salitang yan na manggaling sa bibig mo, pero hindi naman para sa akin. :(

Napayuko ako. Hindi ko na kaya 'to. Pasimple akong umalis at tumakbo sa CR, at pagdating ko dun, bumuhos ang balde balde kong luha.

"Kath..." tawag sa'kin nila Julia na sinundan ako.

Niyakap ko si Julia at lalong bumuhos ang luha ko.

"Bakit ganon? *sniff* Hinanda ko naman a-ang sarili ko. *sniff* pero bakit ang sakit sakit?" tanong ko sa kanila.

"Kath, kahit anong paghahanda ang gawin mo, hindi mo matatago sa sarili mo na nasasaktan ka, dahil umaasa ka." Yen.

"Yun nga eh, umaasa pa rin ako kahit alam kong talo na ako. Akala ko, lamang na ako sa ibang babae dahil bestfriend ko siya, pero hindi pala, tambak pa pala ako, dahil para sa kanya, kaibigan lang talaga ako, at hindi na lalagpas pa dun."

"Kath, ikaw na mismo ang may alam na niloloko lang siya ni Jane, marami pang pwedeng mangyari. At hindi mo pa naman nasasabi sa kanya yung nararamdaman mo diba? Wag ka munang sumuko."

"Gusto ko lang naman maging masaya siya eh. Kaya kahit masakit, ginagawa ko 'to, dahil mas tripleng sakit lang ang mararamdaman ko kung ipipilit ko ang sarili ko, pero kahit kailan di man siya magiging masaya."

"Hindi alam ni Daniel na all this time, nasa tabi lang niya yung dapat niyang mahalin..." si Julia na napabuntong hininga na lang.

Inayos nila ang itsura ko bago kami bumalis sa room, para walang makahalata na umiyak ako.

"Act normal Kath, okay? Breathe in, breathe out!" paalala ni Julia bago kami pumasok. Tumango lang ako.

Tahimik kaming umupo. Tiningnan ko si Dan pero busy sa Jane niya. Pffft.

"Girl tulaley, wazzup?" Katsumi.

"Uy Kats!" sabay high five sa kanya.

"Okay ka lang ba? Mukha kasing hindi e." nahalata niya ata. -______-

"Oo naman bebe Kats! Ako pa!" pasigaw kong sagot, para lang makagawa ng ingay. :)

"Did I heard it right bebe? You're answering me na?" Parang shunga. Hahaha! Natatawa na lang ako.

"Hmm, yeah? No choice na eh."

"HAHAHAHAHAHAHA!!" tawanan ng tropa, plus yung mga classmates naming nakikitawa.

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon