Chapter 56.

20.6K 247 54
                                    

Hi Ate Chel! Thanks for the message and everything! :)

This one is for you. <3

Enjoy friends! :)

_________________________________________________________________

DANIEL's POV

EH BAKIT ANG SAYA SAYA KO? HAHAHAHA

Tangina, nababakla na ba ako?

HAHAHAHAHA! Hindi kaya!

Pero seryoso. Ang saya saya saya ko, sobra. *gulong sa kama*

Hindi pa rin ako makaget-over sa mga nangyari! Alalang alala ko pa lahat. Yung mga ngiti niya, yung mga panlalambing niya, yung mga pagyakap niya sa akin, at pati na rin yung... kiss. :">>>>

Napahawak tuloy ako sa labi ko. Medyo matagal din kasi eh, medyo lang naman. Pero kasi, ramdam na ramdan ko. Parang kinukuryente yung katawan ko. Kung hindi lang siguro ako nakakapit dun sa puno, siguro nahulog na ako eh. Hayyy. Saya.

"Hindi bale Kat-Kat, malapit na... Konti na lang, sasabihin ko na sa'yo yung totoo kong nararamdaman." pag-kausap ko sa sarili ko habang hawak ang isang nakatiklop na papel. Tama siya, sa AKIN nga manggagaling ang huling papel para mabuo ang salitang bestfriend.

Letter D... D as in Daniel, NOT just a D to complete the word bestfriend. I don't want to be her bestfriend anymore. I want to be someone more than just that. :) At gusto ko ng perfect timing para don. :">

"Sana... Mahal mo rin ako, bestfriend."

--

Monday na ngayon at naghahanda naman kami ng barkada para sa pageant. Full support sila. Wala na rin kasi halos klase dahil lahat naghahanda para sa darating na Intramurals. Nandito na kami ngayon sa room kung saan kami inassign ni Sir E.

Kasama ko ang boys at pagpasok namin sa room, si Kath agad ang hinanap ko. Patago pa nga akong ngumiti nung nakita ko siya kasama yung girls. Nung magkatinginan kaming dalawa, nginitian niya rin ako, pero agad din siyang umiwas ng tingin.

Ewan, pero parang kahit ako, nailang din. Naisip ko kasi bigla yung... yung kiss naming dalawa. Y-yun din kaya yung naiisip niya ngayon? *blush*

"Uyy, ano pa lang balak niyo sa talent portion?" biglang tanong ni Julia na sobrang excited pa.

"Ay nga pala, may pictorial din pala kayo." sabat naman ni Kats na kinakalikot ang camera niya.

"Kailangan niyo rin pala isukat yung mga damit ha..." Kiray.

Halaaa. Ang dami namang gagawin, nakakakatamad. Lol.

"Ang sabi dito sa list, kailangan daw, may tig-isa kayong performance for the talent portion, tapos yung isa naman, dapat magkasama kayong dalawa. So... What's the plan?" sabat pa ni Yen.

"Ano pa nga ba, edi kakanta! Di mo naman mapapasayaw si Daniel no, yan pa, tigas tigas ng katawan niyan." Lester sabay tawa. -______________- Pero nung nakita kong tumatawa si Kath, parang feeling ko namumula ako.

"Nako Les, sinabi mo pa! Hahahaha!" Kath. Ehhh, bakit hindi ako napipikon? Hahahaha!

Nag-aasaran lang kami nung biglang...

"Eh kung nag-iisip na kayo ng kakantahin niyo para sa talent portion niyo?" Yen.

"Madali lang yan Yen, chill ka lang." sabi naman ni Seth sabay akbay pa sa akin.

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon