Chapter 26.

20.3K 155 12
                                    

Dahil ilang linggo na ring tapos ang Princess and I. Na-realize ko, nakaka-miss rin pala yung palabas na yon. Dahil nandito lang naman ako sa kwarto, naisipan kong manuod sa Youtube ng mga clips sa PAI.

Mikay: Ano bang problema mo? Wag ka ngang umarte dyan. Babatukan kita!

Kiko: Ewan ko sa'yo ang labo mo!

Mikay: Huy! Ano bang problema mo?

Kiko: Ikaw ang problema! Hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan ka lang o manhid ka! Nagseselos ako Mikay!

Mikay: Ano?! Bakit eh wa---

Kiko: Nagseselos ako kasi mahal kita! Mahal kita! Okay na? Gets mo?

Mikay: Anong sinabi mo?

Kiko: Mikay ilang beses na akong nadudulas sa'yo. Wag mong sabihing hindi mo pa rin nakukuha. Oo mahal kita. Sorry, pero... ganun eh.

Na-bestfriendzoned si Kiko. Parang ako lang kay Dan. :( Yun nga lang, hindi pa nga ako umaamin, alam ko nang hanggang dun lang ako.

Nakakainis. Huhuhuh. Bakit ba kailangan pang mangyari 'to? Hindi ba pwedeng tama na? :(

Eto pa isa.

Gino: Para kang bato, ang manhid mo!

Mikay: Ano bang gusto mong sabihin?! Ano bang gusto mo?!

Gino: Ikaw ang gusto ko Mikay. Gustong gusto ko kapag tinatarayan mo ako. Gustong gusto ko kapag mahal na mahal mo ang pamilya mo. Gusto ko yung lagi kang hahaha (A/N: I dunno the exact word, yan ay ayon lang sa pandinig ko. hahaha!) sa tuwing hihirit ako. Gusto ko yung bangs mo, gusto ko yang bangs mo. Ikaw, gusto ko lahat ikaw. Kahit dukutin mo pa 'tong mga mata ko, nasa'yo pa rin ang tingin ko. Ito, taas na nga kamay ko eh, gusto mo pati paa ko pa? Para lang maintindihan mo na ikaw ang gusto ko! Mahirap kasi 'to eeh.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na umiiyak. Hayyyy... Para palang ako ang girl version ni Kiko at ni Gino sa Princess and I. Nagmumukhang tanga sa hindi-ko-alam-kung-tanga o manhid lang talaga na si Mikay which is Daniel.

Ewan ko ba, feel ko kasing mag-emo ngayon. Hindi ko na kasi alam kung paano ko pa malalabas 'tong sakit na nararamdaman ko. Lahat na yata ng paraan para ma-release ko ang sakit na 'to, nagawa ko na.

Pero wala eh, ang ending, nasasaktan pa rin ako.

Ang nakakainis pa, hindi ko alam na may song sa Youtube na buffering... at dahil hindi ko napansin, kusa na lang siyang nag-play.

Kung Ako Ba Siya - Khalil Ramos

Wow! Galeng galeng nemen. T.T

Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko. Sa bawat araw na lang, pasakit ng pasakit. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. Sobra na eh. Gusto ko na sabihing... "Dan, tama na. Wag mo na akong saktan." Pero paano ko naman gagawin yon, kung mismong siya, walang kaalam alam.


♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫ Matagal ko nang itinatago
Mga ngiti sa munti kong puso
Batid kong alam mo nang umiibig sa ‘yo. ♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon