Chapter 32.

20.9K 155 19
                                    

KATH's POV

"Oh ano ka ngayon Madam, tulala ka na, nganga ka pa!"

Tss. Kainis naman 'tong taong 'to oh. Haaays!

"Korek! Apir tayo dyan mata!" Kiray to Kats sabay apir. Nagkasundo ang loko.

"Hoy, sssh. Ano ba kayo? Kath, okay lang yan." Yen

"Hayyy.." yan lang ang na-react ko, sabay subsob sa desk ko. Sinunod ko lang din naman yung gusto nila eh. Tapos ayan, bati na sila, gawa ko. Ayan, deadma na naman ako.

Actually, 3 days na ang nakakalipas. Nagpasalamat nga siya sa akin with matching hug pa dahil okay na sila eh. Pero pagtapos nun, parang bula na naman siya, nawala bigla. Alam ko namang gusto rin niyang sumama sa barkada minsan, pero ramdam ko na rin kasi na pinagdadamot na siya ni Jane. Syempre, nandito ako. Sus, kung alam lang nung hitad na yun na kung hindi dahil sa akin, baka wala na siyang Daniel ngayon.

Pero, may napapansin lang din ako. Parang ang tahimik ni Dan lately. Suuuus naman Kath! Wag mo nang bigyan pa ng meaning yun. Lahat naman ng tao may karapatang manahimik!

"Oyyyy, may announcement si President, makinig munaaaa!" sigaw ni Lester na patakbo-takbong bumalik sa upuan niya. Ako naman, umayos ng upo. Wala talaga ako sa mood, super swear.

"Sabi sa'kin ni Ms. Vargas, magkakaroon daw tayo ng camping next month! Hindi ko alam kung saan niya nahugot yun." -___________- Baliw. "Basta, magbibigay na lang daw ng waivers and everything. Be ready na lang daw sa fee, hindi naman daw mahal. Yun lang, sige mag-ingay na ulit kayo." Astig din 'to eh... Hahaha

Yuyuko na sana ulit ako, kaso...

"Ay weeeyt! May pahabol pa!" sabi niya.

"Ano na naman yon? Panira ka eh!" Kats. -________- Nagtawanan tuloy lahat.

"Che! Hmmm, find your partners, dapat daw opposite sex ang magkakapartner! Tapos isulat niyo dito sa papel na ipapaikot ko. Okay? Ge!"

 

"Anong pakulo yan ha?" Kats.

"Edi tanong mo kay Vargas! Siya nakaisip eh."

Gusto ko matawa. Shet. Hahahaha! Kaya masarap maging parte ng section na 'to eh.

Nagkamot lang ako ng ulo. Wala naman kasi akong pake dahil wala nga ako sa mood.

"Kat-kat!" napalingon agad ako sa tumawag sa akin. Nakangiti siya at pinandilatan pa ako ng mata. Anong gusto nito?

"Ano?" tanong ko.

O.O

Matututuhan Mo RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon