Extra #1: The Wedding

104K 1.9K 84
                                    

Extra #1:  The Wedding

            KANINA pa siya kinakabahan, hindi talaga siya mapakali pero sa tingin ng mga kaibigan niya ay parang wala lang daw siya dahil tahimik lang siya at kanina pa umiinom ng tea. Iyon na nga eh, umiinom siya ng tea na hindi naman niya dating ginagawa. Inagaw niya ang tea na iyon mula kay Chrome na siyang dapat ay maid of honor niya na hindi nangyari dahil pinagpaalam ito ng daddy nito sa kanya kailangan daw nilang pumunta sa England dahil may importanteng meeting si tito at kailangan si Chrome.

            As in grabeehh! Hindi niya inaasahan na ang babaeng mukhang pera ay anak ng isang mayaman na tao pala. And her dad is kinda intimidating no wonder walang nagtagal na manligaw kay Chrome. Ang babaeng iyon she is like a real princess hindi lang sa kilos pati na rin sa lifestyle. Pero hindi mo aakalain na ganoon siya because she is still down to earth.

            Hindi rin pumayag si Wess na maging bestman ni Gleian dahil hindi naman talaga sila masyadong close ni Gleian. Ang nangyari si Summer ang naging maid-of-honor niya at si Rechmond ang naging bestman ni Gleian. Naisip din kasi niya na Malaki ang naging parte ni Summer sa buhay pag-ibig nila kung hindi dahil dito hindi siya mabubuhay ngayon at hindi sila magkakatuluyan ng magiging asawa na niya ngayon.

            “Sa lahat ng bride ikaw na yata ang pinakarelax na nakilala ko.” Si Summer na nakasuot na ng blue green na tube blue green dress. Hindi ito nakaheels kagaya niya she preferred her flats by the way, nasa isang beach resort sila ngayon. She is having a beach wedding together with her family and friends. Ilang debate din ang nangyari dahil insist ng insist si Gleian na bigyan ako ng super engrandeng kasal, gusto nga niyang iinvite pati si president Obama… OA much lang hindi ba? Pati na rin si Queen Elizabeth sa kasal namin kaya hindi niya ito pinansin ng mga ilang oras… oras lang kasi hindi naman niya matitiis ang lalaki. Pinaliwanag niya dito na pwede naman nitong gawing engrande ang kasal nila kahit sa  simpleng paraan na gusto nilang dalawa.

            Nagkasundo din naman sila sa wedding na gusto nila, kaso medyo hindi talaga niya pwedeng pigilan si Gleian dahil ginagawa lang nito ang lahat ng gusto nito. She wanted a simple wedding, yes she will have a simple beach wedding pero walang simple sa mga ginasta nito sa kasal nila. Their wedding rings is as expensive as a brand new house and lot, lahat ay mahal at walang mura. Kahit na ang wedding gown niya na dinesign ni Lei F. Sebastian ay hindi basta-basta, it cost a fortune and he is more than willing to spend his fortune just a wedding.

            The gown is made of pure lace material beneath it is a soft silky cloth that hugs her entire body. Light ivory ang kulay ng wedding gown niya at alam niyang magagalit si Gleian kapag nakita ang front ng damit na iyon dahil mababa ang V-neckline ng damit na iyon na napapalamutian ng mga crystals. Hanggang sa baba ng dibdib niya ang tabas niyon and it shows some part of her chest. It’s open back too bagay na bagay sa beach wedding. Overflowing na ang tela sa may beywang niya pababa ayaw niya ng heavy kasi nga baka maghakot siya ng buhangin mamaya.

            “Magsalita ka naman,” tiningnan niya ng masama si Kirra na kanina pa hindi mapakali. Lahat ng kasama niya sa silid na iyon ay talagang hindi mapakali parang sinilaban lang ng pwet. Kung nandito si Chrome malamang ay iyon na ang pinaka-relax sa mga abay niya.

Royale Series 10: Let The Heart Knows (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon