Chapter Nine-A

115K 2K 101
                                    

Chapter Nine-A

            NAG-ISANG linya ang kanyang mga labi ng titigan ang mga bulaklak na hawak niya habang nakatingin sa lalaking nasa labas ng bintana. He is looking seriously at her na para bang kapag kumurap ito at mawala siya ay magwawala na ito. She doesn’t know why she is feeling this way, inaamin niyang namimiss na niya ito pero…

            “Teacher kung anuman ang kasalanan ni pogi patawarin mo na.” sigaw ng isang nanny ng mga bata na naghihintay sa labas. Yes, they are being watched by these people with hopeful eyes. She gritted her teeth kasi alam niya ang ginawa nito ginamit nito ang mga inosenteng bata upang macorner siya.

            “Teacher please forgive niyo na si ninong namin.” Singit naman ni Chloe na nagpapuppy dog eyes pa.

            “Sige nap o teacher Jea!!!” sigaw na ng lahat.

            “Kids, dito muna kayo ha may kakausapin lang ako.” Malumanay na sabi niya sa mga bata and looked at Gleian na para bang sinasabi na mag-usap kami sa labas. “Pakibantayan ang mga bata.”

            “Sure teacher Jea, ayeeeiii. Kinikilig ako sa inyo.” Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay niya sa kausap and then gave her the flowers para ilagay sa vase. Mahal din ang mga iyan… nahahawa na yata siya kay Chrome.

            Paglabas niya ay nasa may sasakyan na si Gleian na naghihintay sa kanya halata sa mukha nito ang takot sa pwede niyang sabihin at gawin. At bakit naman ito matatakot aber?

            “Jea-.”

            “What the hell is this drama Gleian? Ginamit mo pa ang mga bata!” she hissed.

            “I am doing everything for you to accept my apology bakit ba ayaw mo akong mapatawad? I regretted everything I did kailan mo ba ako patatawarin?”

            “Tell me Gleian paano kita patatawarin?”

            Bumadha ang sakit sa mga mata nito na para bang nasaktan sa tanong niya. “Hindi pa ba sapat Jea? Kahit ba anong gawin ko hindi mo pa rin mahanap ang kapatawaran sa puso mo? Matagal na iyon bakit ba ang tigas-tigas mo?”

            “Hindi ko alam!” kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. “Hindi ko alam Gleian kung bakit ang hirap-hirap… ang hirap kang patawarin.” Tuluyan ng nalaglag ang mga luha na kanina pa niya kinikimkim sa mga mata niya. “Alam ko naman na hindi ka perpekto, alam ko ang mga ginawa mo, alam ko kung gaano ka kasama… alam ko lahat ng iyon. Alam ko rin na bat aka pa dati kaya mo nagawa mo iyon. I don’t know… kapag nakikita kita naaalala ko kung gaano ako natakot at humingi ng tulong sa madilim na lugar na iyon. Kung paano ako nasaktan ng tamaan ako ng apoy, iyong takot na kapag papatawarin kita ay baka masaktan na naman ako.”

Royale Series 10: Let The Heart Knows (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon