Chapter Nine-B (spg)

130K 2K 91
                                    

Chapter Nine-B

            Hindi porke’t nasa iisang lugar kayo ay lalapitan ka na niya agad, ang feeler mo naman hindi ka naman ganoon kaganda.

            Sinimangutan niya ang sariling isip sa sinabi nito. Yes, nakikipagdebate siya at ang kanyang isip. Paano ba naman kasi nagiging OA na siyang masyado, hindi naman siya pwedeng magmukmok nalang kasi nga sa mga nangyari sa buhay niya. Ang first book ng buhay niya ay tuluyan ng nagsara kaya ngayon kailangan na niyang magmove on. She doesn’t want to revolve her soul around that tormented memory.

            Sa katunayan wala na siyang maramdamang galit para sa lalaking may malaking kasalanan sa kanya noon. But it doesn’t mean ay may lakas ng loob siyang harapin itong muli ngayong medyo ayos na ang lahat.

            Gusto na niyang magmove on at magsimulang muli, at saka naiinggit na rin siya sa kanyang mga kaibigan na may kanya-kanya ng pamilya. Masyado na palang maraming oras na nasayang sa kanya dahil sa paghihiganti niya.

            Naiinggit din siya lalo na kay Summer at ang lovestory nit okay Rechmond taong bato dot com. Ngayon nga ay kasali sila sa pakulo ng may romantic bone na abogado sa proposal nito. Nangingiti-ngiti na nga lang rin siya habang iniexplain ni Rechmond ang dapat niyang gawin during the proposal.

            “Ay palaka!” hiyaw niya ng bigla nalang bumukas ang pintuan at tumama sa noo niya ang dahon ng pinto. Mahina siyang pumalatak dahil nakakita siya ng maraming stars.

            “Sorry miss, nasaktan ka ba?” isang nag-aalalang boses ang kanyang narinig ng magtaas siya ng mukha. Naramdaman niyang dumampi ang kamay ng estranghero sa noo niya napaawang nalang tuloy ang kanyang mga labi sa bilis ng mga pangyayari. And for some reasons  she found herself comparing this man’s touch to that man’s touch. Para kasing kakaiba para bang hindi siya komportable.

            “Do I need to bring you to the hospital?”

            Hihilahin na sana siya nito ng may humawak sa beywang niya at hinila siya palayo sa lalaking nakadisgrasya sa ulo niyang feeling niya ay nagkabukol na. Pinagtagpi-tagpi niya muna ang isip niya saka tiningnan ang taong kani-kanina lang ay laman ng isip niya. Nagulat siya ng bigla nalang siya nitong ipasok sa isang maliit na silid at saka idiniin sa dingding.

            Sinubukan niyang lumayo pero mahigpit ang kapit nito sa kanya at nanlilisik ang mga mata nito na para bang may ginawa siya na hindi maganda.

            “Ano ba-.”

Royale Series 10: Let The Heart Knows (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon