Chapter Two

114K 1.9K 56
                                    

Chapter Two

            MAINGAY ang buong bar halos hindi na niya marinig ang usapan ng mga tao doon automatikong dumako ang mga mata niya sa kanyang next prospect. Ian Rosales, kaibigan ito ni Gleian dati at isa ito sa mga nabully niya. Pasimpleng umupo siya sa mesa na malapit sa mga ito, the same face and the same people. Mabuti nalang at masyadong madilim ang lugar na iyon at hindi agad siya mapapansin. She got her phone at nagkunwaring nagtetext pero ang totoo ay ini-open lang niya ang video recorder ng kanyang cellphone.

            But before that she sent a text message to her kasabwat and while waiting ay pinakinggan niya muna ang usapan ng mga magkakaibigan.

            “Ikaw nalang ang natitirang single dito Gleian kailan ka magsesettle down?” tanong ni Francis, kasal na ito pero ewan lang niya kung happy married pa ba ito bukas or mamayang gabi. Ilang taon din niyang pinagplanuhan ang gagawin niya upang makaganti, sabihin ng masama siya pwes gumaganti lang siya dahil kompara sa ginawa ng mga ito sa kanya walang-wala pa ang gagawin niya.

            She waited for these long years for this to happen at walang makakapigil sa gagawin niya kahit na ikamatay niya uli iyon. She sarcastically chuckled at herself… yeah mamatay uli? Yeah, because those people who are sitting meter away from her killed her.

            “Hi, handsome.” Pinigil niya ang kanyang ngisi ng makita ang babaeng binayaran niya upang gawin ang trabahong ito. “I found you really ahmm interesting.” Napangisi siya sa ginawang paglalandi ni whoever she is and everything is recorded on her phone.

            “Hello sexy, wanna have some fun?” Ian flirt back.

            “Sure. Shall we?” at umalis na ang dalawa boys will always be boys, she stopped recording the entire scene and place her phone inside her pocket. She stood up and walk towards the exit when suddenly she felt someone’s stare boring at her back. Napalingon siya and found herself staring at those beautiful set of black orbs. It’s as black as the blackest gem she knew and those beautiful set of orbs belong to a devil.

            Bakas sa mga mata at mukha nito ang pagtataka kung bakit nandoon siya pero wala siyang balak magpaliwanag. Napansin niyang tumayo ito at ganoon nalang ang naramdaman niyang panlalamig sa naisip na baka bigla siya nitong sundan kaya nagmamadaling lumabas siya sa naturang bar at hinanap ang sariling sasakyan.

            She hopped in and drive her way out there, sinigurado niyang walang nakasunod sa kanya and thanks God wala naman. Pagdating niya sa kanyang sariling bahay ay kinuha niya ang cellphone and browse the videos she kept for months now. She readied herself and pressed the message button at isa-isa niyang pinadala ang mga naturang video sa mga girlfriends at asawa ng mga lalaking kinamumuhian niya.

            Message sent.

Royale Series 10: Let The Heart Knows (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon