Chapter Six

101K 1.9K 130
                                    

Chapter Six

            Sa isang malaking bahay siya dinala ng walang kwentang lalaki, gabing-gabi na tapos sa bahay pa siya nito dadalhin? He pressed something and the gate automatically opened, high tech talaga si kuya.

            “Don’t you dare leave, I have my gate’s lock.” Anong balak naman ng isang ito? Pumasok ito sa bahay nito at mga twenty minutes siguro bago ito muling lumabas na may malaking ngisi sa mukha nito. Binuksan na nito ang kotse, yes, inilock siya nito sa kotse nito ang tanga lang hindi ba?

            “Now what?”

            “Pumasok ka sa bahay ko and you need to clean my house kailangan sobrang linis at wala ni isang kalat. I’ll be back in-.” tiningnan nito ang suot na relo. “One hour and thirty minutes, so I am expecting a very clean place once I come back.”

            “Teyka lang saan ka pupunta?” napatingin siya dito samantalang ito ay napatingin sa kamay na nakahawak sa braso nito.

            “Ihahatid ko lang ang girlfriend ko na naiwan ko sa restaurant.” Binuksan nito ang pinto at itinulak siya papasok. “Hindi ka pwedeng lumabas hangga’t hindi ako umuuwi.” And he locked the door.

            “Gleian please hindi ako lalabas just don’t lock the door.” Sigaw niya dito, she hates it. Her phobia is eating her alive, nanginginig ang katawan niya. Pinihit niya ang pintuan pero lock parin iyon. Kinalabog niya iyon ng husto. “Please just open the door, don’t lock me here.” Pakiusap niy bakas s boses niya ang takot kaya siguro bigla nalang iyong bumukas.

            “Hey--.”

            “Don’t lock it.” nanginginig pa rin siya pero hindi siya nagpahalata.

            “Fine, I won’t lock the door as long as hindi ka lalabas.”

            “P-Promise.”

            Nakahinga siya ng maayos ng tumango ito at pumasok na sa sasakyan nito. Okay lang sa kanya kung siya ang maglock ng pinto pero kapag iba na para bang nasusuffocate siya. Nang wala na ito ay sinulyapan niya ang buong kabahayan nito.

Royale Series 10: Let The Heart Knows (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon