Chapter 15

39 2 34
                                    

Xandra's POV

3 days simula nung sinabi sakin si Xander na manliligaw siya. Di ko nga alam kung pano eh. Parang biglaan nangyare lahat. Pero ang saya ko kasi nakikita ko yung effort niya para ipakita sakin na deserving talaga siya para sakin. Haha. Ansaya diba? Kasi kung dati pinapantasya ko lang siya ngaun naabot ko na *o* 

Ito kami ngaun mag gagala. Di ko alam kung saan kami pupunta pero atleast masaya kaming dalawa. Haha. Simula nung nag sabi siya sakin na liligawan niya ko, akala ko nga nananaginip ako eh. Pero hindi, hindi ako nanaginip. Kinurot ko pa yung sarili ko nun para magising ako pero imbes na magising ako nasaktan ko lang yung sarili ko. Pero ayos lang. Haha.

Ahm, Yves san tayo pupunta? May biglaang event ba tayo na pupuntahan? " sabi ko

Wala naman. Haha. Basta malalaman mo din mamaya kung saan tayo pupunta" sabi niya

Kasama ba yung mga kaibigan natin? Tsaka bakit may dala tayong damit? Saan ba talaga tayo pupunta? Baka hanapin ako ni kuya Xannon, mapapagalitan ako nun"

Ang dami mong tanong. Haha. Hindi sila kasama. Tayong dalawa lang ang magkasama ngaun. Malalaman mo yung ibang sagot kapag nakarating na tayo dun, Xandra. Kaya kung ako sayo nag papahinga kana lang ngaun kasi mahaba pa byahe natin. At tsaka kung si Xannon ang inaalala mo ako bahala dun. Sinabi ko na may kailangan akong ayusin at kailangan ko n tulong mo" sabi niya. Kung iniisip niyo, walang alam si Kuya Xannon na nililigawan nako ni Xander. Haha. Mapapagalitan kasi ako nun eh. At sa mga kaibigan namin walang nakakaalam, napagtripan ko lang itago. Haha. Gusto ko kasi sila magulat eh *o* 

E bakit tayong dalawa lang dapat? Ano ba kasing meron? Sige, sabi mo yan ah. Kapag ako napagalitan ni kuya ikaw talaga malalagot sakin -_-" sabi ko

Hindi ka malalagot dun. Promise. Kaya tayong dalawa lang kasi may espesyal na mangyayare. Okay na? Wag kana makulit jan. Mag pahinga kana muna. Malayo pa byahe natin"

Okay. Ayoko mag pahinga. Baka kung saan mo ako dalahin eh. Haha. Tas baka paggising ko nasa madilim na lugar nako. Haha" sabi ko at si Xander nakita ko na parang napasimangot bigla. Haha. Ang sarap kasi asarin, masyadong pikon. 

Sa pinapalabas mo parang wala kang tiwala sakin -_-" sabi niya. Pikon na *o* Hahaha! Masyado talagang pikon to eh. 

Joke lang. Di na mabiro to. Tsk. Tsaka kung wala akong tiwala sayo edi sana nung umpisa palang hindi nako sumama sayo. Tsk" sabi ko. Kunwari napipikon ako. Haha. Pero ang totoo niyan pinagtitripan ko lang talaga siya. Haha.

Oo na. Wag kana mag tampo jan. Masisira yung plano ko kapag nag tampo ka sakin. " 

Anong plano ba kasi yun? Baka kung ano yan ah. Hindi ako ready sa mga pakulo mo, Yves." sabi ko

Basta. Iready mo lang yung sarili mo. Kasi di ko sure kung matutuwa ka or ano sa mangyayare mamaya. " Sabi niya. Nalilito ako sa mga pinagsasabi niya eh -_- Wala talaga akong clue kahit isa. Kahit nga yung pupuntahan namin wala din akong alam. Basta ginambala niya lang yung tulog ko kanina tas sinabihan na mag ayos daw ako tas yun biglang alis. Di ko nga alam kung kanino niya pinaayos yung gamit ko eh. Siguro kay manang. Di naman siya pwede ang mag ayos nun eh -_-

Lahat naman ng ginagawa mo natutuwa ako eh. Kaya wag kang kabahan jan. Haha. Tsaka ikaw lang naman ang mahilig sa kaekekan eh. E okay lang naman sakin kahit walang ganun eh. Basta magkasama lang tayo, okay na" sabi ko habang nakangiti sa kanya. 

Kaya ko ginagawa yun sayo para malaman mo na sobrang mahalaga ka sakin. Alam ko kasi mas importante ang gawa kesa salita. Kaya yun ang ginagawa ko ngaun. Tsaka kaya ko din ginagawa to kasi mahal kitasabi niya. Sheeet! Pagkasabi niya nun parang may echo sa tenga ko at paulit ulit ko naririnig yung sinabi niya. Kinikilig ako :')

Aysus. Oo na po. Wag kana mag pakilig jan. Haha" sabi ko at siya napangiti na lang

******

After 123456789 years. Hahaha! Joke. After 3 hours nakarating na kami sa dapat namin puntahan. Ang ganda nga eh *o* Kasi nasa beach nanaman kami. Ang hilig ni Xander sa beach. Pansin ko lang. Pero okay na din kasi parehas lang pala kami. Haha. Pero di ko pa din alam kung bakit kami andito -_- Di pa din niya sinasabi sakin. 

Bakit tayo andito? May okasyon ba? " tanong ko kay Xander

Oo. Tara, malalaman mo na kung ano meron dito. " sabi niya sabay hila sakin papunta malapit sa dagat. Pero habang nag lalakad kami parang may kakaiba. Kasi may mga petals sa nilalakaran namin tas may mga kung anong kaekekan pa ang nakalagay.

Anong meron dito? Bakit ang daming kung anong nakalagay?" sabi ko. Pero imbis na sagutin niya ko nginitian niya lang ako. Tsk. Abnormal nanaman ata to -_-

Teka, jan ka lang ha? Wag kang aalis jan. May kukuhain lang ako" sabi niya sabay takbo. Tsk. Sinama sama ako tas iniwan ako dito -_- Pero mukhang di naman ako mabobored kasi yung pinagiwanan niya sakin may mga nag sasayaw. Haha. Ang astig nga eh. Pero maya-maya nag fall in line yung mga nagsasayaw tas may mga hawak na sila na papel at nakasulat na "Will you be my girlfriend?" Ang swerte nung girl *o* Sweet nung lalaki eh. Haha. 

Habang tulala ako dun sa nakasulat hindi ko napansin na nasa gitna ako >.< Hindi ko alam kung pano nangyare yun pero nakita ko na lang si Xander na palapit sakin at may dalang bulaklak. Tsk. 

Yves, ang swerte nung girl oh. Ang sweet nung lalaki *o* Sa public niya pa talaga inalok yung babae. Ang cute. Pero asan kaya sila? Parang wala naman dito yung babae tsaka yung lalaki." sabi ko sa kanya

Sweet ba? Haha. Edi sweet pala ako? Ako may gawa nun, Xandra. Kaya nga iniwan kita eh. Haha." sabi niya. At ako?/ Ito tulala. Di ko kaya magsalita. Speechless ako.

Xandra, alam kong maaga pa para dito kasi 3 days palang ako nanliligaw sayo. Pero, Xandra Nicolle Yeon, will you be my girlfriend?  " sabi niya 

Ano, teka lang ah? Pipicturan ko muna. Kailangan kasi makita nila Yiesha yung mga nangyare eh. Kaya pipicturan ko muna ha? Haha. Baka kasi kapag di ko ginawa to mabatukan ako nila Yiesha" sabi ko. At siya napangiti lang at napakamot. Haha. At ako naman nag busy kakapicture. Pati nga yung mga may hawak na papel pinicturan ko na eh. Haha. Kailangan kumpleto.

Ahm, ano uli yung tanong mo? Sorry ah? Kailangan kasi mapicturan eh. Haha. Malalagot ako sa mga kaibigan ko kapag di nila nakita kung ano nangyare dito" sabi ko pero siya ngumiti lang

Uulitin ko uli tanong ko. Xandra Nicolle Yeon, will you be my girlfriend? " tanong niya uli. At ako todo ngiti at sasagot na dapat ako ng biglang

.

.

.

Xandra, gising na! Tanghali na no" bunganga ng kapatid ko -_-

Oo na. Extra ka naman eh. Yun na eh. Sasagot nako sa tanong niya tas bigla kang nag sisigaw jan. Epal ka eh -_-" sabi ko at siya tawa lang ng tawa. Abnormal talaga -_-

Ano ba nasa panaginip mo? Si Xander nanaman ba yan? " sabi niya. Pero pagkasabi niya nun. Naging seryoso siya. Nasabi ko na kasi sa kanya na wala akong pinili eh. Na gusto ko nasa tabi ko lang si Xander at Xavier. Kumontra siya sa desisyon ko pero wala na din naman siyang nagawa kasi yung gusto ko pa din ang masusunod. 

Oo. Extra ka. Tsk. Layas kana nga. Mag aayos nako. " sabi ko sabay tulak sa kanya palabas. Mag tatanong pa kasi yan kaya tinulak ko na. Bahala siya sa buhay niya.

Mag isa na lang ako sa kwarto ko at mukha akong ewan kasi napapangiti ako bigla. Kinikilig talaga ako eh. Haha. Feeling ko nga habang nananaginip ako nun napapangiti din ako kahit tulog. Haha. Iba talaga ang impact ng lokong yun sakin eh. Tsk. Pero nung naalala ko bigla yung nangyare kahapon. Yung kasama ni Xander na babae. Bigla nanaman ako nainis -_-

Isa lang ang alam ko ngaun, galit ako sa kanya -_-

----------

Seryoso yung nasa panaginip na yan ganyan na ganyan talaga. Haha. Sinabi talaga ni Xandra kay Xander na pipicturan niya muna kasi baka mabatukan siya ni Yiesha XD

-Isha

It Started With A GameWhere stories live. Discover now