Chapter 1

147 3 5
                                    

Yumi's POV

It's been 3 years simula nung umalis si Xandra nang walang paalam. Hindi naman kami galit sa kanya siguro tampo lang kasi di nga siya nag sabi samin. Wala manlang siyang iniwan na idea samin kung saan siya pupunta. Kapag tinatanong naman namin si Xannon di niya sinasagot ang tanong namin. Palagi na lang niya sinabi na "babalik na yun. Mag intay na lang kayo ng konting panahon" Pero hanggang ngaun walang Xandra na nag papakita samin. Tsk. 

At sa 3 taon na yun. Madami nangyare. Lalo na kay Xander. Hindi ko alam kung bakit naging ganun siya. Kasi naging maayos naman ang pag uusap nila ni Xandra noon. Kahit alam kong nasaktan siya nung araw na yun. Pero wala naman kaming magagawa kasi yun ang desisyon ni Xandra. Kasi kahit kami di namin inaakala na magiging ganun siya. Ang akala kasi namin noon magkakaroon ng happy ending sa buhay nila. Pero nag kamali kami. Kasi walang happy ending ang nangyare. Siguro nga, tama ang sinabi ni Xandra sakin noon nasa fairytales lang nangyayare ang happy ending, Yumi. Pero sa totoong buhay walang happy ending. 

.

.

.

Btw,  andito kami sa event nila Yiesha, Yosh, Xamara at Xannon. Nakakapanibago nga kasi wala si Xandra at Xander. Si Xander kasi may ibang kasama. Sa susunod niyo malalaman kung sino ang kasama ni Xander. Kasi kami hindi makapaniwala sa kasama ni Xander eh. 

Ngaun na lang tayo pumunta sa mga event na ganito simula nung nawala siya. Kelan ba kasi siya babalik, Xannon? Tsk ---- sabi ko kay Xannon. Pero imbis na sagutin niya ang tanong ko nginitian lang ako -_-

Leche! Xamara, ikaw nga mag tanong jan. Ayaw ako sagutin. Tss 

Bakit ako? Pwede naman si Yosh ----- Xamara

Mas maganda ikaw kasi panigurado sasagot yan sayo. Bilis na. Para din naman to sa kaibigan natin no. 

Tsk. Oo na. ----- sabi ni Xamara sabay tingin kay Xannon. Haha. Sa tatlong taon na nangyare, ganun pa din ang pakikitungo ni Xamara kay Xannon. Pero si Xannon naman pinipilit na maging okay sila ni Xamara kahit di niya alam kung bakit ganun si Xamara sa kanya. Kung andito lang siguro si Xandra baka may nag bago na sa dalawang yan. 

Xannon's POV

Andito kami sa event at sumusunod lang ako kela Xamara kung saan sila pupunta. Buti nga di na kami pinagkakaguluhan ngaun. Atsaka kung pagkakaguluhan kami ngaun wala ako sa mood para kausapin sila. 3 taon ang lumipas pero sa 3 taon na yun nawalan ako ng balita, nawalan ako ng balita sa kapatid ko. Kahit yung magulang ko walang alam kung ano nangyayare sa kanya sa lugar kung asan siya ngaun. Simula kasi nung umalis siya ilang beses niya lang kami tinawagan pero pagkatapos nun wala na. 

Pero habang nag lalakad kami biglang nag salita si Yumi pero nakatingin sakin. 

Ngaun na lang tayo pumunta sa mga event na ganito simula nung nawala siya. Kelan ba kasi siya babalik, Xannon? Tsk ----- tanong ni Yumi sakin. pero di ko siya sinagot at ngumiti na lang ako sa kanya. Ayoko na kasi mag alala sila. Buong akala kasi nila alam ko kung nasan si Xandra at kung kelan siya babalik. Pero mali sila. Wala akong alam. Hindi ko alam kung nasan ang kapatid ko. 

It Started With A GameWhere stories live. Discover now