Chapter 3

69 2 0
                                    

Yosh's POV

Andito kami sa bahay nila Xannon at kasama ko sila Yiesha, Xamara at Yumi . Birthday na kasi niya ngaun eh. Pero yung birthday boy, wala dito. Tsk. May trabaho daw kasi sabi ni tita eh. Pero buti na lang half day lang siya ngaun. Kaya ito kami ngaun gumagawa ng surprise sa kanya. Kung itatanong niyo si Xandra, mamaya pa ang dating nun. Tatawagan na lang daw niya ako o itetext kung on the way na siya. At si Xander naman mamaya pa din ang dating nun. May ginagawa din kasi siya eh. 

Ano na gagawin natin? Ayusin niyo na yung mga lobo jan. Haha. ----- sabi ni Yumi. Oo, kahit 24 years old na si Xannon, isip bata pa din yun. Haha. Hindi naman kasi halata sa kanya na matanda na siya eh. Tsaka panigurado matutuwa pa yun mamaya kapag nakita niya to. 

Ako na mag aayos ng lobo. Ayusin niyo na lang yung mga pag susulat ng happy birthday jan. ---- sabi ko. Hindi naman kasi ako magaling sa ganun kaya sila na ang pinagawa ko. Haha. 

Si Yiesha at Xamara na lang dun. Di ako magaling sa ganun. Ako na lang ang taga gupit. Haha. ----- sabi ni Yumi. Hindi din pala siya magaling. Haha. 

Bakit kami lang? Ang hirap kaya gumawa nito. Tumulong kayo samin ----- sabi ng lalabs ko na si Yiesha. Haha. 

Kaya niyo na yan, lalabs. Tsaka nga pala, pagkatapos ko mag ayos ng lobo dito aalis ako ah? Aabangan ko si Xannon dun sa ospital. Baka kasi dumiretso ng uwi dito yun eh. Aayain ko muna mag gala sa mall. Kunwari may bibilihin ako ----- sabi ko sa kanila. 

Sige. Itetext kana lang namin kung okay na. ------ sabi nila. At di na ako sumagot at nag ayos na lang ako ng lobo. 

At busy na kami sa kanya kanya naming gawain. Wala na nag salita samin kasi seryoso na kami sa kanya kanya naming gawain. Kami kasi ang nakatoka sa pag aayos. Tas si tita naman yung nag luluto para sa handa ni Xannon. Walang alam si Xannon dito. Kasi ang akala niya kakain lang sila sa labas at tapos na. Pero di nila alam magugulat sila sa dadating mamaya. Baka nga maging reunion ang mangyare mamaya at hindi birthday eh. Sana lang maging maayos lahat to. 

*After 1 hour*

Natapos na ako mag ayos ng lobo at nag paalam na ako sa kanila na aalis nako kasi malapit na din umuwi si Xannon. Baka dumiretso nga yun sa pag uwi at mabuko ang nangyayare sa bahay nila. Tsk. Malapit lang kasi ang bahay nila kung saan siya nag tatrabaho eh. At kahit malapit na yung pinagtatrabuhan niya palagi pa din siyang late. Ganyan kasipag si Xannon. Haha. 

Maya-maya lang andito nako sa ospital kung saan nag tatrabaho si Xannon. Nurse kasi yun eh. At nag iintay lang ako dito sa lobby. Di ko kasi alam kung nasan yun eh. Pero panigurado makikita ko yun mamaya. Basta kapag may nakarinig ka ng taong tawa ng tawa panigurado siya na yun. Haha. Masyado kasi masiyahin yun eh. 

5mins palang ako nag iintay sa lobby pero may naririnig na akong pamilyar na boses na tumatawa. Tsk. Kilala ko na kung sino yun. Kaya hindi na ako nag dalawang isip at tumayo nako tsaka sinundan yung pinag-gagalingan ng boses. At di nga ako nag kamali. Haha. 

It Started With A GameWhere stories live. Discover now