Chapter 10

62 4 5
                                    

Xavier's POV

Andito na kami sa bahay na tinutuluyan namin. At si Xander at Xandra naman ay pinag-ayos muna ni Xannon. At andito kami sa salas kasama si Xannon at yung mga kaibigan ni Xandra. Sila na lang talaga ni Xander ang iniintay namin. Nung dumating kami dito kahit nung nag lalakad palang kami pabalik lahat tahimik. Kahit yung girlfriend ni Xander tumahimik. E ang ineexpect ko sa isang katulad niya magsisigaw eh. 

Nung nakita ko sila kanina na ganun yung pwesto, aminado ako na di ko alam kung ano irereact ko. Kung ano ba dapat ang tamang sabihin sa kanila habang nakaganun sila. Alam kong mahal pa nila yung isa't isa. Hindi naman kasi ako tanga para di makita yun. Lalo na kay Xandra, kahit hindi niya sabihin alam kong hindi oa din nag babago yung pagmamahal niya kay Xander. Alam ko din na ako ang malaking hadlang sa kanilang dalawa para maging masaya ng tuluyan. Masisisi niyo ba ko? Minahal ko lang naman siya, at hindi ko siya kaya pakawalan. 

Nung nagkita kami sa France nun. Sa totoo niyan alam kong andun siya. Pinahanap ko siya. Kasi ang nasa isip ko nun kailangan niya ng kasama kaya nung nahanap siya nung mga taong inutusan ko hindi na ako nag dalawang isip na puntahan siya. At yung pagkikita namin simula nung una lahat yung planado. Sinadya ko din na sa bahay ko siya patirahin para makasama ko siya. At yun yung chance para maligawan ko siya. Pero hanggang ngaun hindi alam ni Xandra yung tungkol dun, gusto ko man sabihin pero di ko magawa kasi baka magalit siya. 

Bakit ang tagal nila? Tss. Yumi, puntahan mo na nga" sabi ni Xannon kay Yumi

Bakit ako? " sabi ni Yumi pero tinignan lang siya ng seryoso ni Xannon "Sabi ko nga tatawagin ko na sila eh. " Sabi uli ni Yumi pero bago pa siya makatayo bigla ng dumating si Xandra at Xander. At nung tinignan ko sila hawak hawak pa ni Xander yung kamay ni Xandra. Bakit pakiramdam ko ngaun gusto ko manapak? Pero bago ko pa magawa yun naramdaman ko na may humawak sa balikat ko.

Hindi maaayos to kung papairalin mo yung galit mo, Xavier" seryosong sabi ni Xannon

Umupo kayo Xander, Xandra. Mag uusap tayo. Kailangan natin pag-usapan yung nangyare. Umpisahan mo na, Xandra" sabi ni Xannon

Xannon, ganito kasi yun. Sinun----- " Sabi ni Xander pero di na niya natuloy yung sinasabi niya kasi pinigilan na siya ni Xannon.

Ang sabi ko Xandra diba? E bakit ikaw ang mag papaliwanag, ikaw na ba si Xandra ngaun ha, Xander? Mamaya ko papakinggan yung paliwanag mo. " sabi ni Xannon. Sobrang seryoso pa din niya. Walang nag bago simula kanina. 

Ako nang bahala, Yves. Kuya Xannon, hindi namin ginusto na mastranded dun. Sorry. Ako yung may kasalanan kaya kami naligaw kasi tumakbo ako. Tas nung aalis na dapat kami hindi na namin makita kung saan kami nang galing at di na namin alam kung pano makalabas dun. Tas hanggang sa napunta kami sa ilog na yun kasi nag hanap kami ng pagkain namin. " Kwento ni Xandra. Nakikinig lang ako sa kanya hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya. Walang lumalabas sa bibig ko. 

Bakit nasa ganung sitwasyon namin kayo nakita kanina? " Xannon

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon