Chapter 6

75 1 0
                                    

Xandra's POV

Andito na kami sa beach at siyempre nag kanya kanya na kaming takbo sa dagat. Haha. Pero ako, hindi ako tumakbo sa dagat para mag laro. Nag punta ako sa dagat para kuhaan sila ng picture. Pero siyempre hindi ko kinuhaan ng picture yung babae ni Xandra. Asa siya. Baka biglang masira camera ko kapag kinuhaan ko yun.

Pero nung mapagod ako nag punta ako sa ilalim ng puno. May duyan kasi dun eh. Gusto niyo ba malaman kung pano kami nag kita ni Xavier? Sige, ikukwento ko sa inyo.

*Flashback*

Nasa france ako para mag pagaling at mag palipas. Ako lang mag isa, wala akong kasama. Nag kunwari kasi akong nasa states ako. Yun kasi ang alam nila kuya Xannon. Pero pagdating ko dun nagpaset uli ako ng another flight papunta sa France. Alam ko kasi kapag nag stay ako dun pupuntahan ako ng pupuntahan ni Kuya Xannon.

.

.

.

.

Mga 1 taon na siguro ako dito nun. Nag tatrabaho nako. Tumigil din ako sa pag aaral kasi hindi ko kakayanin. Kaya nag trabaho na lang ako bilang photographer. Pero habang kumukuha ako ng picture sa mga kalye sa france may biglang nahagip ang camera ko.

Tinitigan ko maigi kasi baka nag kakamali lang ako pero siya talaga yun. Kaya di na ako nag dalawang isip na lapitan siya kasi tutal naging mag classmate naman kami eh.

Hi~ " sabi ko sa kanya. Pero siya tinignan lang ako yung parang sinasabi niya na sino ako. Hindi na ba niya ako natatandaan? Takte 

Xandra Yeon. Remember? Naging magclassmate tayo nung 2nd sem." sabi ko sa kanya

Xandra Yeon? " sabi niya na parang nag iisip. Nakalimutan na niya siguro, mga 1 taon na rin kasi simula nung hindi ako nag pakita sa kanila eh. 

Ah, nevermind. Sige, alis nako. Bye" sabi ko sa kanya sabay alis. Pero hindi pa ako nakakalayo nung tinawag niya nako. Kaya napatigil ako sa paglalakad at nakita ko siya na papalapit na sakin. 

Joke lang na hindi kita natatandaan. Haha. Nag panggap lang ako na hindi ka nakilala. Haha" sabi niya. Takte. Pinagtripan lang pala ako nito -_-

Gandang trip -_- " sabi ko

Haha. Joke lang. Wag kang poker jan. Nga pala, bakit andito ka? Hindi kana pumasok nun ah. Kaya nag alala kami sayo lalo na yung mga kaibigan mo" 

Nag pagaling ng puso? Haha. Joke! Nag pagaling ako dito dahil dun sa sakit ko. Kaya yun. Pero hindi naman dapat ako dito kasi dapat sa states ako kaya lang tumakas ako dun." 

E sino kasama mo dito? " tanong niya

Wala. mag isa lang ako dito. Haha. Hindi nga alam ng pamilya ko na nandito ako eh." sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin. problema nito?

Umalis ka ng hindi alam ng pamilya mo? Nababaliw kana ba, Xandra? Pano kung may nangyare sayong masama dito? Pano ka nila mapupuntahan kung hindi nila alam kung nasan ka? At saan ka kumukuha ng pera para jan sa pang gastos mo dito?" sabi niya. Grabe makareact to ah.

Wala naman nangyare sakin ah. Tsaka mga isang taon na din ata ako nandito no. Tsaka magaling nako. Tsk. Nag tatrabaho ako kaya ako nabubuhay dito." 

1 taon? Panigurado nag aalala na yung pamilya mo, Xandra. Tsk. At anong trabaho naman ang pinasok mo?"

Alam ko. Pero mas okay na yun kasi kapag bumalik ako sa pilipinas mahihirapan lang ako. Hindi pa ako nakakamove-on, Xavier. Gusto ko kapag bumalik ako dun nakamove-on nako. Yung tungkol naman sa trabaho ko, photographer ako. Yun ang ginagawa ko para mabuhay ako dito."

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon