Chapter 4

92 2 21
                                    

Xandra's POV

Andito pa din kami sa bahay namin. Di pa din  kasi tapos yung party at sabi nila may part 2 pa daw tong party nato kasi bumalik nako. Haha. Para silang sabik na sabik eh.

Pero ang kinakailang ko sakin sila lahat nakatingin. Parang di sila makapaniwala. Di naman ako naiilang sa tingin nila Kuya Xannon. Naiilang ako sa tingin ni Xander. Parang sinusuri niya ko. Tsk.

Kelan kapa nakabalik?" tanong ni Kuya Xannon. Ito na mag sisimula nato. Alam kong kapag nag umpisa yan ng isang tanong magiging sunod sunod na.

Last month pa" sabi ko

Last month pa? Tas ngaun ka lang nag pakita samin? Xandra Nicolle Yeon, bakit ka nag tago ha? Akala ko andun ka lang sa kamag-anak natin pero nung pinuntahan kita dun wala ka" sabi niya. takte. Nabuko ako. Dinalaw niya pala ako. Kaya pala ganito mag react to.

Opo. Tsk. Nag pagaling ako eh. Tas nag pagaling din ng puso. Haha. Kuya Xannon, may rason naman ako diba? Tsaka alam ko kasi kapag di ako umalis dun anytime pwede mo ako puntahan. Lalo akong mahihirapan kasi panigurado wala akong gagawin nun kundi mag tanong tanong tungkol sa kanila" sabi ko sabay tingin kay Xander. Pero napaiwas din ako agad kasi nahuli niya ako na nakatingin sa kanya.

Nag pagaling ng puso? May sakit ka sa puso? Bakit di ko alam?"

Xannon, slow lang? Ibang sakit sa puso ang sinasabi niyang kapatid mo no. Malamang nag pagaling ng puso yan kasi nabroken nung nangyare sa kanila ni Xander 3 years ago. Akala ko ba brainy ka? Tsk" sabi ni Yumi. Bwiset ka Yumi. Bakit mo sinabi? Kung pwede lang hilahin ang buhok ni Yumi ngaun siguro nagawa ko na. Pero di ko magawa kasi napatingin nanaman sila sakin.

Totoo ba yun, Xandra?" Tanong ni Kuya Xannon at napatango na lang ako.

Pero Xandra, mahal mo pa din ba si Xander?" tanong ni Yiesha. Huhu. Bakit ganito mga kaibigan ko ngaun? Masyado silang straight to the point. Tas ang hirap sagutin ng mga tanong nila.

Tinignan ko sila isa isa at lahat sila nag iintay ng sagot ko. Grabe. Bakit di ko masagot yung tanong ni Yiesha? E kung titignan mo ang dali lang ng tanong niya eh. Oo at Hindi lang naman ang sagot. Pero parang nag tatalo yung puso't isip ko ngaun.

Matagal ako nawala diba? 3 years din yun at madami din nag bago sakin. Pero . . . .

Di ko na natapos yung sasabihin ko kasi may kumatok. Haha. Save by the bell. Di pa kasi ako handa eh.

Takte. Sino ba yang kumakatok na yan ha? Andun na eh. Buksan niyo na nga" sabi ni Yiesha. Hahaha! Mukhang nainis kasi nabitin ang usapan namin. Kaya agad agad tumayo si Yosh at binuksan yung pinto. At ang nakita ko yung taong nasa tabi ko. Na hindi ako iniwan. Yung taong di nag sawa na tulungan ako. At yung taong walang ginawa kundi ang isipin ang nakakabuti sakin.

It Started With A GameWhere stories live. Discover now