12 - Azalea

20.2K 523 7
                                    

WALANG balak na tumayo si Pamela mula sa pagkakasalampak sa kanyang sahig habang nanonood ng napakagandang palabas sa isang sikat na international cable channel

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

WALANG balak na tumayo si Pamela mula sa pagkakasalampak sa kanyang sahig habang nanonood ng napakagandang palabas sa isang sikat na international cable channel. Simula noong umuwi siya kanina galing sa pagbili ng gamot, kahit uminom ng gamot ay hindi gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa halip ay mas lalo itong sumama. Dapat talaga ay nagpabili nalang siya ng gamot kay April.

"Ang ingay naman." Sinigurado niyang naka-locked ang pintuan ng bahay, patay ang ilaw at tama lang ang volume ng telebisyon para hindi na siya mag-abalang tumao kapag may dumating. Kaso ang taong nagdodoorbell ay sadya yatang manhid at hindi man lang naisip nab aka walang tao sa loob ng bahay.

"Sino ba iyan?" naiinis na tanong niya sa kanyang sarili habang dahan-dahan na tumayo dala ang makapal na blanket upang protektahan ang sarili sa lamig. Sinadya niyang dahan-dahanin ang lakad upang mapagod ang nagdoorbell pero mukhang mali siya. Habang tumatagal ang pagdodoorbell ay mas lalong sumasakit ang kanyang ulo. Mabilis niyang nabuksan ang pintuan at inis na sinalubong ng masamang tingin ang happy tripper nang kanyang doorbell.

"Did I wake you up?" mas lalong kumunot ang kanyang noo nang mapagsino ang kanyang bisita.

"Nico." Dahil sa nananakit na lalamunan ay halos bulong nalang iyon. "What are you doing here?" her voice croaked like a frog. Damn this flu.

"Sinabi ni Earl na napadaan ka kanina sa shop, bakit hindi ka tumuloy?" may kung ano sa mga mata nito na naging dahilan kung bakit hindi niya magawang tuluyang magalit sa binatang kaharap. "You look..."

"Ugly, I know." Sino bang may sakit na maganda? Kung may kakilala ito mas mabuti pang iharap nito sa kanya at ipopost niya sa facebook. #Magandakahitmaysakit at #Bornthatway

Tumawa lang ito. "Silly, you will never be ugly Pamela." Buwisit! Kung masamang tao lang siguro siya ay tinadyakan niya ito sa singit. Wala itong karapatan na pakiligin siya ng ganoon! May sakit siya for goodness sake, maawa naman sana ito sa vulnerable niyang puso. "On the serious note, you should have entered the shop."

Dahan-dahan siyang umiling at pilit na pinakalma ang sarili. "Nakita ko si Yumi ayokong makadisturbo sa diskarte mo." Kung napansin man nito ang malamig na tono niya ay wala itong pakialam. Basta siya gusto na niya itong umalis. Gusto niyang lumangoy hanggang makarating sa Bikini Bottom at makipagpalit ng bahay kay Sandy the Squirrel or anywhere na malayo dito.

Malumanay na ngumiti lang si Nico sa kanya. Mas lalo siyang nainis dito. "Nico, I am not feeling good. Wala ako sa mood na makipagbiruan sa iyo ngayon."

"I know."

"Hmn?" she wants to rid him away from her house. She wants to rest in peace—to rest and be alone while coping a frustrated heart.

"I bought some food." Itinaas nito ang paper bag na may tatak ng isang chinese restaurant. "Sinabi ni Yumi favourite mo ang dim sum. And Howard said, porridge is good for sick people so I ordered some for you to eat."

BLACK MAGIC: Bloom (COMPLETED)Where stories live. Discover now