7- Blue Anemone

22.6K 600 8
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

7- Blue Anemone

"LOLA, pwede bang huwag nalang akong pumunta? Sa tingin ko kasi hindi rin magwowork ang kung anuman ang nasa isip mo." Hindi niya napigilang magreklamo sa lola niy habang hinahanapan siya nito ng maisusuot para sa kanyang date. Nai-setup na naman siya nito sa isang blind date ng hindi niya alam. At ito pa ang namimili ng mga isusot niyang damit.

"Kailangan mong magpunta aba ay nakakahiya sa amiga ko at sa apo niya. Mabait ang apo niya nakilala ko na minsan noong nagpunta kami sa bahay nila upang doon maglaro ng mahjong."

Sumimangot siya. "Hindi naman po issue sa akin iyan dahil alam kong hindi niyo naman ako papasamahin sa taong may masamang ugali. Nagpromise na kayo sa akin na last na iyong isang buwan."

"Sinabi ko ba iyon?" iniwas nito ang mga mata nito na halatang nagsisinungaling sa kanya. "Nakalimutan kong nagpromise ako, kapag pumunta ka sa blind date sure akong last na talaga ito."

Kinuha niya ang cellphone niya at binuksan ang camera application niya, pagkatapos iset sa video mode ay bumaling siya sa kanyang lola.

"La, sabihin mo nga last na ito."

"Huli na ito Pamela-." Napansin nito ang ginawa niya kaya tumigil ito pero sapat na ang sinabi nito para masiguradong hindi na nito makakalimutan ang kanilang pinag-usapan. "Wala ka bang tiwala sa akin?" nagdadrama na naman ito and she won't fall for it.

"Naninigurado lang lola dahil baka makalimutan niyo na naman." Bumuntong-hininga siya. "La, matanda na ako at kaya ko ng maghanap ng mapapangasawa ko. Masaya naman po ako sa buhay ko kaya huwag na ho kayong mag-alala sa akin."

"Baka tumanda ka ring mag-isa katulad ko."

"Ano naman ngayon kung tumanda akong mag-isa? Kung destiny ko ho na tumandang mag-isa, puwes, tatanggapin ko. Huwag na ho kayong mag-alala."

"Magugustuhan mo ang magiging date mo, gwapo at charming." Tila agad nitong nakalimutan ang unang napag-usapan nila. "Bakit ba puro desente itong mga damit mo dito Pamela dapat ay may mga sexy ka rin na outfit. Gusto mong pahiramin kita? Marami ako sa cabinet ko."

Tuluyan na siyang napabuntong-hininga, wala ng pag-asa ang lola niya.

KUNG hindi man siya isang malaking tanga sana ay naitanong niya ang pangalan ng ka-date niya. Baka mamaya ay magmukha naman siyang tanga dahil kahit pangalan nito ay hindi niya alam. Sinabi lang ng lola niya ang address sa isang sikat na fine dining restaurant na alam niyang ito rin ang nagpabook.

Isang simpleng dilaw na bestida lang ang suot niya, her lola tells her she looks like a walking crayons dahil sa mahilig siya sa mga pastel colors at nudes na shades. Sumasakit ang mga mata niya sa sharp and bold colors kaya nahiligan niya ang mga light colors and besides bagay naman sa kanya dahil sa light ang skin complexion niya. Hindi rin heavy ang make-up niya dahil ayaw niyang isipin ng ka-date niya na sobrang excited siyang magpaganda para dito.

BLACK MAGIC: Bloom (COMPLETED)Where stories live. Discover now