4 - Lavender

21.6K 605 4
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

4 – Lavender

"HI!" napatigil siya sa pagkuha ng mga canned goods sa estante ng grocery store at napatingin sa bumati sa kanya. "Long time no see."

Awtomatikong napangiti siya kay Nicolo, nakakahawa ang ngiti nito. "Hello din, oo nga medyo matagal na rin noong huli kitang nakita."

"Hindi na kita nakikita sa flowershop mo, palaging ang assistant mo nalang ang nandoon." May halong tampo ang boses nito pero alam niyang nagbibiro lang ito dahil agad din itong ngumiti.

"May extra classes kasi ako ngayon." Agad na bumakas ang pagtataka sa mata nito. "Kumukuha ako ng special classes para sa pag-aalaga ng mga bulaklak at kung paano mag-arrange ng mga flowers."

"Ah, akala ko nag-aral ka uli."

She waved her fingers dismissing the thought. "Tapos na ako sa pag-aaral ayoko ng balikan ang masalimuot nakaraan kong iyon." Biro niya dito.

"Akala ko ba kapag nakapagraduate ka na ay mamimiss mo ang school, applicable kasi iyon sa akin."

"Noong una ay naisip ko na rin iyan, pero kapag may nahanap ka ng gustong-gusto mong gawin hindi na dadaan uli sa isip mo ang bagay na iyon." Tinapos na niya ang pagkuha ng groceries niya. "Anong ginagawa mo dito? Nandito ba si Yumi?"

"Namimili din ako." Turo nito sa basket nito. Napangiwi siya ng makitang ang laman ng basket nito ay puro canned beers at junk foods.

"Mukhang naging busy na nga ako at hindi ako nag-inform na balak mo na palang wakasan ang buhay mo." malakas na tumawa si Nicolo sa sinabi niya. "I am not kidding."

"Ngayong araw ang opisyal na paglipat ko sa subdivision, marami akong mga naging kaibigan dito and we are going to celebrate." Sinulyapan nito ang laman nito. "I am not going to drink it all alone so don't worry."

"Hindi ako nagwoworry, naisip ko lang na walang kwenta ang pagpapansin mo kay Yumi kung mamamatay ka rin ng maaga dahil sa paglaklak mo ng alak at vetsin, but since you are going to share it with your friends at least share-share kayo sa biyaya." She doesn't know if he hinted her sarcasm but hopefully he did. "Mauuna na ako, kailangan ko ng bumalik sa Bloom station." Paalam niya kay Nico at naglakad papunta sa cashier ng bigla siya nitong tawagin.

"Pamela."

"Yeah?"

"Bagay sa iyo."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Ang alin?"

"Your new hairstyle and hair color, bagay sa iyo." wala sa sariling napahawak siya sa buhok niya. She did have her hair styled earlier. Nangangati na kasi ang batok niya sa humahabang buhok kaya pinatrimmed niya iyon, linagyan din ng bangs at pinakulayan niya ng mahogany brown.

"Thanks." Iyon lang ang nasagot niya at tuluyan na itong tinalikuran. She felt weird... medyo matagal na rin noong huling may pumuring lalaki sa hitsura niya kaya siguro ganoon nalang ang kanyang nararamdaman. Napabuntong-hininga nalang siya, maybe she should start dating again, nagiging ignorante na kasi siya sa mga nararamdaman niya against the opposite sex. Tama, iyon ang gagawin niya. Subok lang.

"WHAT'S this flower?"

"Akala ko ba mag-iinuman kayo ng mga kaibigan mo sa bahay mo?" balik na tanong niya kay Nicolo.

"They are already drunk, bagsak na sila lahat."

"Ang hihina pala sa alak ang mga kabarangay natin ano?" biro niya. "Saang phase ka nga nakatira?"

"Phase three, sa SummerVille."

"Ay, hindi pala kita kabarangay. Sa barangay ka ni Sweetheart."

"Sweetheart?" kunot-noong tanong nito.

"Lumipat ka dito hindi mo kilala ang barangay captain mo? Kapag narinig ka niya baka palayasin ka sa barangay niya."

"Huwag naman, secret lang natin na hindi ko siya kilala."

"Mukhang si Yumi lang talaga ang kilala mo dito sa barangay Nicolo na babae, iyang pagsinta mo sa kaibigan ko may progress na ba?"

"I know you."

"What?"

"Hindi lang si Yumi ang kakilala ko dito sa subdivision, kilala din kita." Kinuha nito ang basket ng mga bulaklak na kanina pa nito pinagdidiskitsahan. "Lavenders, means charming. Will I charm the woman that I like with these?"

"Bakit hindi mo subukan?"

Inilagay nito sa harap niya ang basket ng bulaklak na kinuha nito. "I'll buy these, how much?" she gave him the price. "Thanks for your help Pamela."

"Thanks for the income NIcolo." Kumaway siya habang pinapanood ang pag-alis nito.

"Bakit feeling ko ate Pam, may nag-iba." Muntik na siyang mapasigaw sa biglaang pagsulpot ni April sa tabi niya.

"A-anong naiba?"

"Basta, kung hindi ko lang alam na nililigawan ni kuya Nico si ate Yumi baka isipin kong ang dahilan ng pagbalik-balik niya dito sa flower shop ay dahil sa iyo.

Natawa nalang siya sa sinabi ni April. "Don't think anything else April. Matagal ko ng kilala si Nicolo, simula pa noong nililigawan pa niya si Yumi way back college days. At isa lang ang sasabihin ko sa iyo, iyong lalaking iyon kapag may nililigawan na hindi iyon titingin sa iba. Siya ang tipo na loyal sa babaeng gusto niya."

"Talaga? Ang swerte naman ni ate Yumi kung ganoon."

"Maswerte talaga si Yumi pero..." may malungkot na ngiti sa kanyang mga labi. "Mukhang hindi na mananalo ang manok natin April."

"Sa tingin ko nga rin ate."

Pumunta kasi dito isang araw si Yumi upang bisitahin siya sa kasamaang palad ay nagpunta din si Howard. Nakita niya kung paano umiyak ang kaibigan niya noong akala nito ay girlfriend ni Howard si Sweetheart. At iyong moment na iyon sigurado na siyang may nararamdaman na si Yumi para sa binata. At si Nico, sigurado din siyang wala itong chance sa kaibigan niya.

"Kawawa naman si kuya Nico, 'te Pam. Dapat sabihin mo sa kanya na may iba nang gusto si ate Yumi, matagal na nating ini-exploit ang pitaka niya baka karmahin na tayo."

Siguro dapat na niyang sabihin kay Nico ang nalalaman niya, tinamaan kasi siya sa sinabi ng kanyang assistant. 




TBC

BLACK MAGIC: Bloom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon