8- Calla Lily

22.6K 582 10
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

8- Calla Lily

KANINA pa siya naiinis sa mga tingin na ipinupukol sa kanya ng lola Grasya niya, alam niya ang ibig ipahiwatig nito sa mga tingin nito at ayaw niyang sakyan ang kung anuman na nasa isip nito. At nang hindi makatiis ay iniligpit niya ang kanyang pinagkainan at dinala sa sink upang hugasan.

Ilang araw na ganito ang lola niya magmula ng ihatid siya ni Nicolo sa bahay pagkatapos ng kanilang set-up slash blind date. First time kasi siyang nagpahatid sa bahay, medyo ginabi rin kasi sila dahil sa dami ng kanilang pinag-usapan. Masaya at masarap kausap si Nico kaya nakalimutan niya kung anong oras na. At kahit na tinanggihan niya ang offer nito na ihatid siya ay nagpumilit ito, baka raw kung ano ang mangyari sa kanya sa daan. At dahil mukhang magkaibigan naman sila kaya tinanggap nalang niya ang offer nito lalo pa at convenient sa knaya iyon.

Kaya lang iba ang tumatakbo sa isip ng kanyang lola kaya mas lalo siyang naiinis. Naiinis siya dahil baka umaasa ito ng higit pa mula kay Nico at sa kanya, na impossibleng mangyari dahil may nililigawan iyong tao. At saka kaibigan niya si Yumi na ex-girlfriend ng binata. Walang talo-talo, ang pangit din yatang tingnan—at bakit niya iniisip ang bagay na iyon?

"Apo--."

"Alis na ako lola, bye." Mabilis na hinalikan niya ang lola sa pisngi at hindi hinayaan na magsalita. Mas safe siya kapag walang topic na binuksan ang lola niya tungkol kay Nicolo dahil maging siya ay kakaiba na ang nararamdaman para sa binata.

Mabilis niyang narating ang Bloom Stations, nandoon na si April at abala sa pagsasalansan ng mga bagong dating na mga bulaklak. Bumati ito sa kanya.

"Ate, ang mga bagong delivers na calla lily dinala na sa simbahan ng mga suppliers. Ikaw nalang ang hinihintay nila doon." Paalala ng assistant sa kanya.

"Pupunta na talaga ako dumaan lang ako dito para icheck kung okay ka na bang iwanan dito." Sumimangot itong bigla.

"Ate Pam, ilang taon na akong assistant mo wala ka pa ring tiwala sa akin." Pagtatampo nito.

"Tiningnan ko lang kung dumating na ang mga calla lilies, itong batang ito hindi na mabiro at saka nakalimutan ko ang cellphone ko. Hindi ako pwedeng umalis ng wala ito." Kinuha niya ang cellphone na nakatago sa loob ng kanyang drawer. "And don't call me if hindi naman talaga importante, kapag may naghahanap sa akin sabihin mo I am busy."

"Hinahanap ka ni kuya Nico ate, ilang days na rin siyang pabalik-balik dito."

Iniwas niya ang tingin mula kay April dahil mabilis makasagap ng aura ang kasama baka may masagap itong kung ano mula sa kanya.

"Kausapin mo lang, business as usual. Huwag mo nalang patungan ng ilang porsyente ang tax niya dahil baka magsumbong iyon sa lola niya at magsumbong kay lola. Mahirap nang matrimbe pa tayo sa BIR. Si Earl nalang ang patungan mo ng tax."

BLACK MAGIC: Bloom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon