5 - Orange Gardenia

20.8K 608 7
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

5 – Orange Gardenia

KUNOT-NOONG napatingin siya sa bagong pasok sa Bloom Station, hindi nga siya pwedeng magkamali at kilala niya ang lalaking ito.

"Oppa!" tawag ni April sa lalaki.

"April, gusto mong oppa-kan kita?" inis na tanong niya dito.

"Hala si ate Pam high blood na high blood." Anitong hindi sineryoso ang banta niya. "Annyeo-."

"Hindi iyan Koreano, intsik iyan."

"Hello, Pamela." Bati ni Earl sa kanya ang pinakahuling boyfriend ni Mayumi na bigla rin na nawala at hindi na nagpakita pa. "How are you?"

"Anong ginagawa mo sa flower shop ko?" aniyang itinuloy ang pagwra-wrap ng mga bulaklak.

"Bibili ako ng flowers para kay Yumi." Tumikwas lang ang kilay niya sa sinabi nito at hindi niya napigilan ang matawa. "Bakit?" mas lalong sumingkit ang singkit na mata nito. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"Wala naman ang nakakatawa lang ay ang ginagawa niyo." Mas lalong nagtaka ito. "Iiwanan niyo at babalikan, ano ang tingin niyo sa kaibigan ko isang aso?"

"It wasn't my intention to leave Yumi back then."

"Pero ginawa mo, hindi ako naniniwala sa wala akong intension lines niyo. Don't tell me hindi ka marunong mag-dial ng number sa telepono? O kaya naman ay magtext ng hi and good bye sa cellphone? How about e-mails?" natigilan ito sa sinabi niya. "Huwag mong isipin na pinapagalitan kita dahil hindi, sinasabi ko lang ang point ko dahil kaibigan ko ang nasaktan. I won't condemn you as well dahil si Yumi ang may karapatang gumawa ng bagay na iyan. Pero ang masasabi ko lang, kapag iniwanan na, huwag ng balikan kung iiwan mo lang namang muli. At saka sigurado ka bang may babalikan ka pa?"

"Nanliligaw uli ako sa kanya."

"Pumayag ba siya?"

"Oo."

"Sa tingin mo may pag-asa ka pa ba?" that question rendered the man speechless. "Natahimik ka yata?"

"Matalas pa rin ang dila mo Pamela kahit kailan." Umiiling na komento nito. "Huwag mong putulin ang kaunting pag-asa na meron ako."

Nagkibit-balikat siya. "Oh well, go on. Basta dito ka sa flowershop ko bibili ng flowers, dadagdagan ko rin ng ten percent tax ang bawat halaga ng produkto ko na bibilhin mo. Kabayaran iyan sa dami ng oras na nasayang ko dahil sa kakaalo kay Mayumi noong hiniwalayan mo siya." Ngumiwi lang ito sa sinabi niya. "Deal or no deal?"

Malakas itong napabuntong-hininga. "All right, it's a deal."

"Very good. Pumili ka na ng mga bulaklak." Napangisi nalang siya. Sana pala ay sinabihan niya si Yumi noon na mag-boyfriend ng marami para marami siyang customers. Umalis na si Earl at kinalabit siya ni April.

"Ang daming gwapong ex-boyfriend si ate Yumi, 'te Pam."

"Dalawa lang ang naging ex-boyfriend ni Yumi hindi gaanong marami iyon."

"Una si kuya Nico tapos si kuya Oppa."

"Chinese si Earl at huwag kang maglandi diyan baka hindi ka makapagtapos ng college dahil sa kaka-eye sight mo ng mga gwapo."

"Admiration lang naman iyo 'te. Gusto ko ng maraming crush para mas maraming inspiration. At safe ang crush."

"At paanong naging safe ang pagka-crush?"

"Kapag crush mo lang kahit na makipagdate pa ang taong iyon ng milyon na babae hindi ka mahuhurt, magiging masaya ka kapag may nahanap siyang mamahalin niya. Kapag love kasi 'te, nasasaktan ka na kahit na tumingin lang siya sa iba." Tinaasan lang niya ng kilay si April.

"Ang dami mong alam samantalang hindi ka pa nagkakaboyfriend."

Bumungisngis lang ito at may kinuhang isang maliit na libro sa loob ng bulsa ng suot nitong apron."Ang galing na writer kasi nitong si Lace Black."

Itatanong sana niya kung sino si Lace Black ng tumunog ang wind chime sa may entrance ng Bloom Station at pumasok ang isang maliit na babae na nakasuot ng malaking salamin sa mata, nakapambahay na shirt din ito at cotton shorts, may hawak itong laptop at sa kabilang kamay ay plastic cup na may lamang kape na may tatak ng isang coffee shop na nasa subdivision lang nila.

"Hello." Bati niya sa bagong dating. Ini-adjust lang nito ang eye glasses nito. Doon lang niya napansin na sabog-sabog din ang kulot-kulot nitong buhok na tila ba ilang araw na hindi nasusuklayan.

"Hi." Tila nahihiyang bati nito. "Can I buy some flowers?"

"Sure, for what occasion?"

"Wa-wala." Nagstu-stummer din ito. "Sa-sa k-kwarto ko lang i-ilalagay." Hinayaan niya itong mamili ng bulaklak. Hindi pa niya ito nakikita sa barangay nila sigurado ay bago din ito.

"Ang weird ng mga tao sa subdivision niyo 'te Pam." Siniko niya si April at sinamaan ng tingin dahil pabalik na ang customer nila.

"Orange Gardenia." Aniya. "That means, secret love, kung may tao kang gusto at hindi mo masabi sa kanya ang tungkol sa feelings mo you can always give him a gardenia."

The woman adjusted her glasses. "Ta-talaga? To-totoo palang may meaning ang mga flowers."

"Every thing has meanings nasa tao lang kung maniniwala siya sa meaning na iyon." Ibinalot niya sa magandang papel ang mga bulaklak. Nanghihinayang kasi siyang ibalot lang iyon sa news paper. "Bago ka dito?"

Umiling ito sa tanong niya. "Matagal na ako dito hindi lang ako masyadong naglalabas."

"Oh my, I am sorry ngayon lang kasi kita nakita dito. Ako nga pala si Pamela at ito naman si April ang assistant ko."

"Lace. Ako si Lace."

"Kapangalan mo iyong favorite author ko." singit ni April na kanina lang ay sinabihan itong weird. "Si Lace Black."

Ngumiti lang si Lace kay April at ibinigay ang pera sa kanya na bayad ng mga bulaklak nito at saka nagpaalam na umalis.

"Ang weird talaga niya."

"May kanya-kanyang kaweirduhan ang mga tao."

"Pero mas weird siya."

"Aalis muna ako, may pupuntahan lang ako." Gusto lang talaga niyang uminom ng kape dahil nainggit siya sa bitbit na kape ni Lace kanina.

"Hahanapin ka ni Kuya Nico, ten minutes nalang ay darating na iyon." Hindi niya ito pinansin, nasanay kasi itong sa palaging oras dumarating sa shop ang suki niyang iyon. At saka hindi naman siya ang talagang pakay nito kundi ang mga bulaklak sa Bloom Station.



TBC

BLACK MAGIC: Bloom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon