Chapter 06: Gusto Ko lang itama ang mali.

1.3K 32 6
                                    

Chapter 6:

POV OF FAJUZIA:

"Waah! Jenna, Mikka and lastly Sheena! Namiss ko kayo" At niyakap ko sila, ngayon na lang kasi kami ulit nagkita dahil masyadong akong busy sa pagaasikaso sa kumpanya ni papa.

"Grabe, ngayon na lang tayo nagkita-kita ulitin.Tagal din natin di nagkita." Sabi ni Mikka.

"Jusko. Meron pala tayong dalawang buntis dito na kasama. Jenna napagiiwanan ka na ah. Magiging matandang dalaga ka niyan." Pang-asar ko kay Jenna.

"Tss. edi ako  na napagiiwanan, You know naman na busy ako ngayon di ba?" Masungit na sagot ni Jenna sa akin.

"Hahaha. Yeah right! You're busy studying again and again. Mapapangasawa mo na ata ay libro eh. By the way kamusta na ba yung manliligaw mo ?" Pangitin tanong ni Sheena na parang alam na din yung sagot. Hahahaha.

"Wala na. Manloloko lang." Yeah, niloko lang siya. Dami na nga nanliligaw kay Jenna e, kaso lagi na lang ganun yung nangyayari sakanya.

"Kasi You're an old lady Jenna." Pang-aasar ni Mikka kay Jenna. After nun tinawanan lang namin si Jenna at nagkwentuhan kami. At kahit gusto namin magwindow shopping di pwede kasi madaling mapagod ang dalawang buntis na kasama namin na si Sheena at si Mikka.

"Zia, Tama ba yung nakikita ko? Si eycee yun di ba?" Sabi ni Jenna at tiningnan naman namin kung saan nakita ni Jenna si eycee.

        At sakto pumasok din sila sa coffee shop na ito.Bigla akong may naisip.

"Gusto niyo ba makakita ng isang eksena?" Biglang kong ngiti sabi sa kanila.

"Anong binabalak mo Zia?"  Medyong iritang sabi ni Sheena sa akin.

"Itigil mo kung ano yang iniisip mo Fajuzia." Sabi sakin ni Jenna.

        Tiningnan ko lang silang tatlo na parang nagaalala pero nginitian ko lang sila. At nagsimulang lumapit kila eycee at kasama niya si eunice.

"Hi! Nandito din pala kayo?" Ngit kong sabi sakanila.

"Hi Zia." Bati sakin ni eunice, tiningnan ko siya.

"Musta eunice? Okay ka lang ba kay eycee?" Tas ngumiti sa akin si eunice.

FATO FINALE [COMPLETE]Where stories live. Discover now