Chapter 21: Thank you for everything.

1.2K 30 5
                                    

Chapter 21:

Fajuzia's Pov:

        Pumunta kami ni eyzia kila eycee pero si Tofer dumaan muna kila Lolo at susunod na lang siya dito. Okay na si eycee, mukhang maganda ang pagkonsulta niya sa psychologist para magpatheraphy. Alam kong determinado siyang magbagong buhay para sa amin at masaya ako doon.

"Chummy." Sabay yakap sa akin ni eycee.

"Bumalik na ba ang nakilala kong eycee?" Pabiro kong sabi kaya natawa na din sa amin si eunice.

"Buti nga nakikipagcooperate siya sa mga theraphy sessions niya." Sabi ni eunice.

" Daddy, alam mo ba highest lagi ako sa section namin." Payabang na sabi ni eyzia kay eycee.

"Uhmm, Fajuzia pwede ka ba makausap." Seryosong tono ni eunice pero nginitian ko siya.

"Ay teka gusto ko palang malaman mo na umuwi na ulit si Tofer. Kaya baka sumunod siya dito, balak niya nga kayo makausap ih." Tapos napansin ko parang nabigla si eunice pero binalewala ko na lang yun.

"eunice." Tawag sakanya ni eycee.

"Sabihin na natin kay Fajuzia ang totoo."  Totoo? eto nanamang salitang toh. Ano ba dapat yung malaman kong totoo?

"Ano ba parehas kayo ng sinasabi ni Tofer ano bang meron sa Totoo?" Natatawa kong sabi sakanila.

"eyzia, nood ka muna ng tv dun ha. May pag-uusapan lang kaming importante." Umu-oo naman si eyzia tapos biglang naglakad si eycee papunta sa balkonahe at sumunod kami ni eunice.

"Okay ano naman tong pag-uusapan nating importante at kailangan pa nating lumayo kay eyzia?" Simula ko.

"Naalala mo ba yung sinabi mo sa akin tungkol kay eyzia? Na naghihinala ka na hindi mo siya anak." Sabi ni eycee.

"Oo pero kahit papaano tama ka naman eycee. Anak ko siya kaya dapat ko siyang mahalin at ikaw mismo ang  nakakita kung ano nangyari sa akin noon. Kaya naniwala ako sayo nun. So? Anong meron dun?" 

"Fajuzia, ang totoo niyan kasi...." Tiningnan ko si eunice na parang kinakabahan.

"Ano ba yan? Pasuspense pa ih. Ano ba kasi yun?" 

"Ang totoo Fajuzia. Hindi mo anak si eyzia, " Nagulat ako sa sinabi ni eycee pero bigla ko naisip ang kapakanan ni eyzia.

"sino ang nanay ni eyzia?" Tanong ko.

"Ako ang nanay niya Fajuzia.Yung araw na nakunan ka ayun ang araw na pinanganak ko siya."Bigla ako napangiti.

"Buti naman ikaw. Akala ko kung kanino lang nakuha ni eycee."

FATO FINALE [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon