Chapter 04: Ang pagiging mabait ay may hangganan din.

1.6K 43 3
                                    

Chapter 04:

[ Fajuzia's POV: ] 

        Heto ako kakauwi lang galing sa Condo ni eycee at iniwan ko muna dun si eyzia para naman magsama sila. Taggal din kaya di nakita ni eyzia si eycee.

"Fajuzia!! Waaah. I miss you!" Bigla akong niyakap ni Ate Tiffanie ng sobrang higpit. Namiss ko si Ate lagi kasi nasa iba't-ibang bansa para magmodel e.Sa sobrang busy sa work, ayun single pa din. Tatanda na yatang dalaga toh?

"Namiss din kita Ate Tiffanie.Ganda pa rin natin ah."

"Naman! Goddess yata beauty ko.Bakit parang stress na stress ka yata ngayon?May problema ba?" Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Ate Tiffanie, kaya hinila ko siya para makaupo sa sofa

"Wala namang problema."

"Sus, yang mukhang yan walang problema? Dali sabihin mo na.Ngayon na lang tayo ulit nagkita di ka pa magkwento sa akin. Tapos dadalaw pa ako dito wala pa kayong dalawa ni Tofer.Katampo kayo ha." Natawa ako para kasi naging bata si Ate Tiff.

 "Si eyzia kasi Ate Tiffanie eh."

"Oh anong problema?"

" Hindi kasi matanggap ni eyzia si Tofer."

"Huh? Akala ko ba Okay na ang lahat? Dada pa nga tawag ni eyzia kay Tofer."

"Alam mo naman di ba na nagstay siya sa Korea kasama si eycee kaya inisip ko baka may ginawa si eycee para magalit si eyzia kay Tofer.  Di ba sinabi ko din sayo ate yung nalaman ko nung pumunta kami sa Korea, tapos yung hindi ko makuhang macontact si eycee nun."

"Ito naman kung makapag-isip, syempre bata pa si eyzia malay mo naguguluhan lang ngayon. 7 years old na siya di ba? Nasa stage pa yan ng hindi masyadong maiitindihan ang bagay-bagay. Nakauwi na ba yung tatay nun dito?"

"Yup, kakauwi lang kagabi.Kaya hinatid ko muna doon si eyzia kanina."

"Ayy sayang, akala ko pa naman makikita ko ang pamankin ko.May pasalubong pa naman ako sakanya."

"Gulat nga ako nung tumawag si Tofer na nandito ka nga daw Ate, kaya nagmadali na ako magmaneho papunta dito."

"Buti naman, nako kasi kung matagal pa kayo. Aalis ako agad.Ay teka, matanong nga kita."

FATO FINALE [COMPLETE]Where stories live. Discover now