Epilogue: Im happy and contented.

1.6K 50 28
                                    

Authors note:

        Hi! Sorry po kung tatapusin ko na po toh agad, hindi ko na po kasi marecover ang dating last book nito at hindi ko na po alam kung paano ko po iflowflow yung story kasi busy na din po ako.  Tsaka na author's block na po ako dito sa story na ito, kaya sorry po kung ieend ko na po agad. Im sorry po talaga, pero sana po magustuhan niyo pa rin po ang ending. Once again, thank you for supporting this story mula sa ang boyfriend kong bading hanggang dito. Thank you so much :*

********************************

epilogue : Im happy and contented

Fajuzia's POV:


        2 years na ang nakalipas simula ng mawala na talaga si eycee. Kasabay din nun nawala na din si Lolo Rey, hindi man namin natupad ang gusto niyang magpakasal kami ulit ni Tofer nakita niya naman sa huling sandali ang apo niya.

        And yes, may anak kami ni Tofer siya si Risha Santos my 1 year old princess. ♥

"Wow, ang ganda naman ni baby risha namin. " Sabay buhat sakanya ni Jenna, teka may napansin ako sa kamay ni Jenna. Lumapit ako kay Sheena.

" Lexter, wag kayong malikot dito ha." Saway ni Sheena sa anak niya, yup. May anak na sila ni Harry. Im finally happy for her kasi finally pamilya na talaga sila.

"Sheena." Tawag ko sakanya.

"Yes bestie?" Sabay ngiti niya sa akin habang inaayos niya yung mga pagkain sa lamesa dahil nagdecide kaming lahat na mag-outing.

"Tingnan mo yung kamay ni Jenna, mukhang may nililihim sa atin yun si Jenna." Napatigil si Sheena sa ginagawa niya at napatingin kay Jenna.

"Yung lokang yun. Hindi nagsasabi sa atin."  Tapos biglang lumapit si  Jenna sa amin at kasabay din nun si Tofer bitbit na ang anak namin.

"Ready na ba ang pagkain?" Tanong ni Jenna agad pero hindi siya pinansin ni Sheena, nako nagtatampo na si Sheena kunyari magaya nga din siya. Daya kasi ni Jenna di man lang nagsasabi sa amin.

"Chocopie." Napatingin ako kay Tofer.

"Nakontact mo na ba si eyzia, pupunta daw ba sila?" 

"Hindi daw ih. May inaasikaso pa daw si eunice sa korea, kaya baka di sila makauwi." Napabuntong hininga na lang si Tofer . Simula ng mawala na si eycee, nagdesisyon si eunice na umuwi ng Korea kasama si eyzia, para magsimula ng panibagong ala-ala. At nirespeto namin ang desisyon niya.

"eto na ang inihaw na liempo at isda!"  Masayang sabi ni Harry sabay lapit kay Sheena at halik sa pisngi.

"Nako-nako. Nag-ihaw lang may kiss agad?" Napatingin kami sa nagsalita nun at bigla ako napayakap sakanya dahil si Ate Tiffanie ay dumating. Tagal ko ding hindi nakita si Ate Tiffanie tapos nagulat ako na may kasama siyang lalaki.

FATO FINALE [COMPLETE]Where stories live. Discover now