Chapter 17: Lagi na lang ba tayong ganito?

982 28 4
                                    

Chapter 17:

Tofer's POV:

"Tofer, doon muna kami ni eycee ha. Dadalaw lang kami ni eyzia sa daddy niya."  Hindi na lang ako umimik sa sinabi ni Fajuzia. 

"Tapos baka muna kami magstay ng ilang araw, kaya kukuha lang ako ng onting damit dito.Uuwi din naman kami sa isang araw."

"Bahala ka."  Tapos lumabas na lang ako ng bahay namin para magpahangin.

"Tofer naman, galit ka ba?" Sinundan niya pala ako, tiningnan ko lang siya.

"Siguro?" Ayun na lang ang nasabi ko.

"Tofer naman, kausapin mo ko ng maayos."

"Ano pang silbi? Lagi ikaw naman nasusunod di ba? Alamin mo naman sana yung nararamdaman ko. Magugulat na lang ako bigla na balak mo magstay kila eycee.Asawa mo pa ba ako Fajuzia? Kasi napapagod din ako. Fajuzia,Lagi na lang ba tayong ganito?!"   *PAK*  

"Akala ko maiintindihan mo ako." Naiiyak niyang sabi sa akin.

"Ilang beses na ko umiintindi sayo, napapagod din ako Fajuzia. Napapagod din ako. Oo mahal kita pero itong nangyayari sa atin hindi ko alam kung nagwowork pa yung relasyon natin. Sa desisyon mo, laging ikaw ang nasusunod ni hindi mo man lang pakinggan ang side ko."

"Hindi mo alam kung nagwowork pa ba? Tofer?! Ginagawa ko ang lahat para maging maayos na ang lahat. "

"Nagiging maayos nga ang lahat pero yung pagmamahalan ba natin?" Hinawakan ako ni Fajuzia.

"Parang sinasabi mo na sa akin na hindi mo na ako mahal." Natahimik ako sa sinabi niya, hindi ko alam ang isasagot ko.

"Tofer, hindi mo na ba ako mahal?" 

"Mahal kita Fajuzia, pero napapagod lang ako sa sitwasyon natin ngayon." Inalis niya yung pagkahawak niya sa akin.

"Kung ganito na lang di pala, mas mabuti yata na maghiwalay muna tayo." Hindi ako nagulat sa sinabi niya, nasaktan ako oo pero para sa akin ito na din siguro ang maganda para sa amin.

"Siguro nga tama ka. Pagod na tayo parehas.Kailangan muna natin magpahinga." Yumakap ako sakanya.

"Magkakabalikan pa rin naman tayo di ba?" Naiiyak na sabi sa akin ni Fajuzia,hinalikan ko siya sa noo.

"Oo Fajuzia, kailangan ko lang talaga magpahinga sa sitwasyon natin ngayon." Hinayaan ko lang siya umiyak sa akin.

"Im so sorry Fajuzia." Ayun na lang ang nasabi ko. At umiyak lang siya sa akin,masakit makitang umiiyak ng ganito pero gusto ko talaga magpahinga sa mga nangyayari ngayon. Kailangan ko ng mahabang oras para makapag-isip.

FATO FINALE [COMPLETE]Where stories live. Discover now